"Thanks, Ms—?" "Charlene po. Charlene Morales." "Thanks, Ms. Charlene." Yes, I think that's her name. At kung hindi ako nagkakamali, she's Yvonne's close friend. "I'm listening." Sagot ko kay Jacob. "Nitong mga nagdaang araw ay panay ang mga pagcheck in ni sir Jonathan sa mga hotel kasama ang babaeng nasa larawan," Saktong natapat ang tinitingnan kong pictures sa pagpasok nila sa mga luxury hotels. "her name is Charlene Morales, at nagtatrabaho po siya sa negosyong pagmamay-ari ni ma'am Yvonne." Pagbibigay impormasyon ni Jacob, though I already know those details. "Panay rin po ang pagdala sa kanya ni sir Jonathan sa mga VIP boutiques at jewelry stores. Hindi ko na po nakunan ng detalye ang mga pagpunta nila sa mga boutiques sir dahil kailangan ng memberships para makapasok sa loob.

