Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong na iyon ni daddy Raphael. Anong sasabihin ko? I'm in the club because I joined a dating app? Because his son insisted that we open our marriage, kaya sinubukan ko ring maghanap ng partner? Syempre hindi ko pwedeng sabihin sa kanya yun! Think, Yvonne! Think! Napalingon ako sa gilid ko ng may marinig na tumatawa. May tatlong babaeng dumadaan na nakatingin sa akin at nagtatawanan. Nakatingin sila sa damit ko, and I realized na natapunan nga pala ako ng kung ano mang dala ni daddy Raphael. Pagkatingin ko sa kanya at may hawak siyang beer stein na halos wala ng laman dahil natapon lahat sa suot kong champagne color dress. "Come with me." Napansin siguro ni daddy Raphael na pinagtatawanan ako ng mga dumadaan so he pulled me away from that crowd. Ako naman

