"That's not what I mean." Kung hindi lang dahil sa nga dalawang empleyado ko na nasa labas at kinilig sa pagdating ni Jonathan ay hindi ko ito sasagutin. "Sir Jonathan, kayo po ba ang nagpa-skywriting ng congratulatory message kay ma'am Yvonne?" Kinikilig na tanong ni Mara, para silang bulate ni Diana na nasabuyan ng asin kung magtatatalon sa kilig. Nagsalubong ang kilay ni Jonathan at napatingin siya sa langit. The message has already started to fade pero mababasa pa din naman ang Congratulations Yvonne na mensahe. Bumalik ang tingin niya sa akin, or should I say sa bulaklak na hawak ko. Looks like he immediately understood kung kanino galing ang mga ito. "Yes, I did." Sagot niya kay Mara para hindi ito mapahiya. "And this, hon. For you." Iniabot niya ang dalang mga rosas. "Thanks, h

