Francesca's PoV,
Narito ako sa Canteen ngayon. Kagaya kahapon, ay hinintay nanaman namin sina Rix at Frein na bumili ng pagkain sa Counter.
As usual. Para nanamang linta itong si Althea sa'kin. But I don't mind. Okay na itong palaging nasa tabi ko s'ya. She's cute naman eh.
"Ikaw ba 'yung pinaparinggan ni Mrs. Bernadette kaninang umaga?" Tanong ni Althea.
Tumango ako bilang sagot.
"Bakit naman? Sabi n'ya pinakyuhan mo daw si Mr. School President."
Napabuntong-hininga naman ako.
Hindi maganda ang pangalawang pagpasok ko rito sa School. Pagpasok na pagpasok ko ba naman kanina eh pinaringgan ako ni Mrs. Pasacsac na bastos raw ako at wala raw akong galang sa may posisyon rito.
Palibhasa kasi hindi n'ya nakita ang pambabastos nung gunggong na School President na 'yon. Porket may posisyon kelangan ba igalang? Kung ganoon ang ugali ba't ko igagalang? Nahihibang na ba yun? Tss.
Masama ang loob ko hanggang ngayon. Mas lalong lumala ang init ng ulo ko kapag naririnig ang Mr. School President. Nabubwisit ako. Kapag naririnig ko 'yon para akong ha-highblood-in.
Hindi ko na nasagot si Althea dahil dumating na ang dalawa.
"Ano ulam mo ngayon?"
Napalingon ako kay Frein na nakatingin sa'kin at tumingin sa lunchbox ko. Binuksan ko ito.
"What's that?" Si Rix naman ngayon ang nagtanong.
"Laing 'to. Gusto n'yo?" Alok ko.
Umiling silang dalawa. Tinignan ko naman si Althea na nakatingin din sa ulam ko.
"What's Laing means? It's look like green s**t kaya." Ani Frein.
Napangiwi ako. Bastos naman nito.
Napalingon ako kay Althea nang bigla n'yang kunin ang lunchbox ko at inamoy ang ulam kong laing. Kumuha s'ya ng konti at tinikman ito.
Habang nginunguya ni Althea yung laing ay nakatingin lang kaming tatlo sa kan'ya. Hinihintay kung anong magiging reaction n'ya. Kung masarap ba o hindi.
She smiled.
Kumuha pa s'ya ng marami at pinalitan 'yon ng fried chicken.
"Masarap ba?" Tanong ko.
Tumango-tango lang s'ya at sumubo ulit.
"Sinong nagluto?" Tanong n'ya.
"Si kuya."
Gulat n'ya akong tinignan.
"Chef rin ba Kuya mo?"
"Nope."
"Eh ba't masarap s'yang magluto? Is that his special recipe?"
"Tinuruan lang s'ya ni Mama."
"Edi yung Mommy mo 'yung Chef?"
"Hindi rin."
Kumunot ang noo n'ya.
"Eh ano yung Mommy mo?"
"OFW si Mama."
"Ahh... Akala ko chef. Ang sarap magluto ng Kuya mo. Parang gusto ko tuloy s'ya maging kuya. Is he cute?"
Napatawa ako. Kung alam n'ya lang kung gaano ka-bully si kuya. Mas gugustuhin n'ya pa siguro maging only child.
"Hindi 'yon cute." Iyon nalang ang nasabi ko.
"You have a kuya? Akala namin only child kalang." Ani Frein.
Umiling ako.
"Dalawa lang kaming magkapatid. My kuya is now 20 while me, i was just 17." Saad ko.
Tumango-tango naman sila.
"I'm only child!" Ani Althea.
"I have twin. And i hate her so much." Ani naman ni Rix.
"I have older sister. She's annoying." Sabi naman ni Frein.
Natawa naman ako. Kagaya ko, badtrip rin sila sa kapatid nila.
"Hey look!" Sambit ni Althea at may tinuro sa likod ko.
Kunot-noo kong nilingon iyon.
Para bang niliyaban ang ilong at tenga ko dahil sa nakita.
"Ba't naglilibot nanaman si Paul?" Frein.
"Ewan. Bored siguro sa opisina nila." Rix.
Wao ah. May sarili talagang opisina? Edi sanaol. Sila nang istudyanteng may opisina.
"Diba iyan 'yung pinakyuhan mo, Frances?" Tanong ni Althea.
"Oo, s'ya nga 'yon." Sagot ko.
Gulat sila Frein at Rix sa akin.
"Really? You did that? Hahaha." Ani Rix sabay tawa.
Tumawa silang tatlo. Pero ako? Nakatingin parin ng masama doon sa Mr. School President na pa-cool maglakad. Mukha s'yang timang maglakad tapos may hawak pa s'yang bouquet of flowers na akala mo manliligaw. Tss. He's wearing a proper uniform. Pero para sa'kin mukha parin s'yang pulubing timang na may hawak na bulaklak.
Nang mapalingon s'ya sa gawi ko ay napangisi s'ya.
Hindi ko alam kung ako ba 'yung nginingisian n'ya o 'yung babaeng nasa unahan ko.
Grabe, legit nga. Kapag galit ka talaga sa tao, kinaiinisan mo pati paghinga nito. Tsk.
"Ikalma mo puso mo, Frances. Hahaha. Ano ba kasing ginawa n'ya? Bakit mo s'ya pinakyuhan?" Tanong ni Frein.
Lumingon ako sa kanila. Bumuntong-hininga muna ako bago ko ikwento ang walang kwentang unang pagkikita namin ni gunggong. Pagkatapos ko i-kwento ay muli nanaman silang tumawa.
Well. Siguro nga nakakatawa 'yon. Pero sa'kin halos gusto ko na s'yang bangasan. Ako pa nga ang nagsorry! Tss.
I raised my left eyebrow when he started walked towards me. He still smirking at sobrang nakakairita talaga.
PRESIDENTE BA TALAGA 'TO NANG SCHOOL?!
"Ms. Vanessa Salazar, right?" Tanong n'ya sa babaeng nasa harapan ko.
Akala ko sa'kin s'ya pupunta eh. Kung sa'kin s'ya pupunta baka saksakin ko s'ya ng hawak-hawak kong tinidor.
"Yes. Why po?" Tanong naman nung Vanessa.
"Someone wants to give this to you." Nakangiti n'yang sabi sabay abot sa isang bouquet of flowers at may nakapatong pa roong chocolates.
Hah! Hindi lang pala s'ya presidente nitong school. Isa rin pala s'yang delivery boy. Tss.
Vanessa shyly took the bouquet of flowers and smiled at him.
Nakangiwi lang ako habang pinapanood sila. Wala na bang mas kokorni pa rito? Tss.
Napatingin ako sa kan'ya nang mapansin kong nakatingin s'ya sa'kin.
"Hey Miss Middle finger. How's your day today?"
Nakaharap na s'ya sa'kin at hindi na doon sa Vanessa'ng nasa harapan ko. Nakangisi parin s'ya habang taas-noong nakatingin sa'kin.
Tumayo ako at pinantayan ang tingin n'ya.
"Good as always Mr. Jerk." Nakangisi ring ani ko.
Akala mo ikaw lang marunong ngumisi? Tss. b***h mode on!
"Stupid as always?" Bobong sagot n'ya.
Pinigil kong hindi itirik ang mga mata ko sa sobrang inis. Bumuga muna ako ng hangin sabay tingin sa kan'ya at binigyan s'ya ng matamis na ngiti.
"No. I'm good as always. May sira na ba 'yang tenga mo, Mr. President?" Hindi ko mapigilang hindi maging sarkastika sa harap n'ya.
He smiled like an idiot again and he whispered something in the air.
Sabi na baliw 'to eh. Pati ba naman hangin bubulungan amporkchop.
"Ermm... Paul! Gusto mo maki-share ng upuan sa'min?" Althea asked him.
"Sure! Why not? Hahaha." Sagot n'ya.
Hindi pa man s'ya nakakaupo ay may tumawag sa kan'ya.
"Paul! Pinapatawag ka ni Mrs. Hernandez. May pag-uusapan daw kayo."
Napatigil s'ya at kunot-noong napatingin sa lalaking tumawag sa kan'ya.
"Importante?" He asked coldly.
Nag-aalangang tumango lang ang lalaki at mabilis pa sa alas kwatrong tumakbo palayo.
Binalik n'ya ang tingin kina Althea.
"Sorry. I have to go. Next time–"
"Sana hindi na dumating 'yang next time na 'yan." Nakangiti kong pagsupalpal sa sinabi n'ya.
Nginisian n'ya lang ako at naglakad na palayo.
Nang mawala na sa paningin ko si gunggong ay umupo na ako at pinagpatuloy ang pagkain.
Napatigil ako nang mapansin ko silang nakatingin sa'kin.
"Baket?"
Tanong ko. Umiling sila at ginalaw na rin ang pagkain nila.
Nang matapos ay bumalik na ulit kami sa room.
Nakita ko si Ross na as usual, nakapikit nanaman ito habang may earphones sa magkabilang tenga. Umupo ako sa tabi n'ya at kinuha ang isang earphone at nilagay sa kanang tenga ko.
Napamulat s'ya nang mga mata sa ginawa ko. Pinikit ko ang mga mata at dinama rin ang bawat lirikong sinasabi ng mang-aawit.
He listening PAGSAMO By: Arthur Nery.
"Hoy Ross! Baka matunaw si Francesca sa titig mo! Ayiiieee!!"
Napadilat ako ng makarinig nang pang-aasar kay Ross.
Tinignan ko s'ya at kita ko ang pamumula ng tenga n'ya.
"Francesca! Kanina ka pa tinititigan n'yan ni Ross. Ayiiieee!!! Ship! Ship! Ship!" Asar ni Stanley.
Nakisabay naman sa kan'ya ang iba pa naming kaklase at nagsisisigaw sila ng 'ship' mga siraulo.
Tinignan ko si Althea na nakangiti sa'ming dalawa at nakafinger heart pa.
Si Rix naman ay iiling-iling lang at bahagyang nakangiti.
At si Frein naman ay ngiting-ngiti at mapanuksong nakatingin sa'min.
"Hoy! Tigilan n'yo na nga 'yan! Para kayong mga timang." Ani ko at pinaningkitan sila ng mata.
Pero hindi parin sila tumigil at mas lalo pa silang umingay.
"Tss. Stop teasing us, or else." Pagbabanta ni Ross.
Nagsitigil naman sila at nanahimik na sa kani-kanilang silya.
Gulat akong napatingin sa kan'ya. Paanong napatigil n'ya yung mga kaklase namin nang gano'n kadali?
Nakatingin s'ya sa'kin at marahang kinuha ang earphone na nasa kanang tenga ko at nilagay iyon sa tenga n'ya.
Napabusangot tuloy ako.
"Next time. Matuto kang magpaalam." Sambit n'ya nang hindi man lang ako tinignan.
Nag make face nalang ako at tinuon nalang ang atensyon sa harapan.
Dumating ang teacher kaya naman umayos na ako ng upo.
"Good afternoon students. Who's Miss Francesca Marinel Olaes?"
Nagulat ako nang biglang tawagin ang pangalan ko. Nag-aalangang tumaas ako nang kamay.
Tinignan n'ya muna ako at tumango-tango.
"Mrs. Bernadette wants to talk to you. Nasa Faculty room s'ya."
Kabado akong tumayo. Lahat sila ay nakatingin sa'kin maski si Ross na nakakunot ang noong nakatingin sa'kin.
Teka? Ba't nga ba ako kinakabahan? Malay ko ba kung may iuutos lang sa'kin o may itatanong? Tss.
Lumabas na ako nang Classroom at naglakad na papuntang faculty. Sa bawat hakbang ko papuntang faculty ay bumubuga ako nang hangin para mapakalma ang sarili ko. Pero habang papalapit ako ng papalapit sa faculty room ay pakabog ng pakabog ng kay bilis ang puso ko.
Mygash! Ano nanaman ba kasing ginawa ko? O baka tungkol nanaman sa pamamakyu ko?!
"Faculty Room." Basa ko sa nakasulat.
Napalingon ako sa babaeng nakaupo sa labas ng faculty room. Kinalabit ko s'ya.
"Ma'm ito na po ba 'yung faculty room?" Tanong ko.
Tumaas ang kaliwang kilay n'ya.
"Oo ineng. Hindi ka ba marunong magbasa? Eh kelaki-laki nang nakasulat d'yan eh. Ayan oh." Turo n'ya pa sa nakasulat sa taas ng pinto ng faculty room.
Hay grabe frances. Hindi ka talaga nagkakamaling pahiyain ang sarili mo ano? Tsk!
Pumasok na ako at hinanap nang paningin ko si Misis Pasacsac.
Nakita ko s'ya na nasa pangatlong row nakaupo.
Sa loob kasi ng faculty room may mga computer na ginagamit ang mga teacher.
Naglakad na ako papalapit sa kan'ya at tumayo sa harapan n'ya. Masungit n'ya akong tinignan at may ibinigay sa'king isang papel.
"You mess with a wrong person Miss Transferee. You may go." Iyon lang ang sinabi n'ya at binalik narin ang paningin sa computer.
Naguguluhang tinignan ko ang papel na binigay n'ya.
"You may go now."
Napatingin ulit ako sa kan'ya at nagbigay galang muna bago ako lumabas. Nginitian ko yung ateng na nasa labas pero inirapan lang ako nito.
Ganda ka ghurl?
Nag stop muna ako sa paglalakad at tinignan ulit ang papel. Hindi ko kasi masyadong nabasa dahil pinalabas agad ako ni Pasacsac.
"This is a warning paper. You are incompetent. I am the School President and you're just nothing. But if you truly want to say sorry. Meet me at the library, after class. Paul."
Pagak akong napatawa. Ginagago ba ako nito? Ako? Magso-sorry? Ulol ba sya?! Tss.
Binaliktad ko ang papel nang makakita pa ako nang isang note.
"Kapag hindi ka pumunta. You will become my secretary."
Banas akong napabunga ng hangin.
Siraulo talaga.
Ako? Magsosorry sa kan'ya? At ako ulet, magiging secretary n'ya? Bonak s'ya! Bahala s'ya sa buhay n'ya. Walang magawa ampocha.
Bumalik na ako sa room at wala na ang teacher. Teka? Masyado ba akong matagal roon?
"Pumasok ka na agad, Frances! May kinuha lang si Mrs. Hernandez sa kabilang section." Sambit ni Frein.
Pumasok na ako at nakayukong pumunta sa upuan ko. Nang iangat ko ang paningin ay lahat sila nakatingin sa dala-dala kong papel.
"Ano 'yan?" Tanong ni Stanley pero hindi ko 'yon pinansin.
"Baka tama nga ako. S'ya siguro 'yung pinaparinggan ni Mrs. Bernadette na namakyu kay Paul. 'yung school president natin." Rinig kong bulong ni Cianne na pabibo sa katabi n'yang si Paula.
"S'ya ba? Grabe naman. Kababaeng tao, bastos." Dagdag pa ni Paula.
Umirap ako at pinunit ang papel sa sobrang badtrip. Tumayo ako at itinapon 'yon sa trashbin na nasa likod ko lang.
Nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sa'kin si Ross pero hindi ko na s'ya nilingon pa at seryoso nalang na tumingin sa harapan.
Khingly's PoV,
Kanina pa ako naghihintay dito sa library. It's already 5:50 pm at ang alam kong labasan nila ay 5:30 pm but she's still not here.
Huwag n'yang sabihing gusto n'ya maging secretary ko? Hahaha.
Tinawag ko si Zekihero.
"Zeki. Kapag may pumuntang babaeng matangkad tapos payat na maputi tawagan mo 'ko ah. Lalabas lang ako saglit."
Kunot-noo n'ya akong tinignan at umiling. Napakurap naman ako ng mata.
"Ako nalang pres! Tatawagan kita asap!" Sabat naman ni Win.
Tumango ako at lumabas na nang library.
Pumunta ako sa building nila at tinakbo ang floor nila. Nang makarating do'n ay nakita ko si Althea na pababa na nang building kaya nilapitan ko s'ya.
"Where's Francesca?" Tanong ko.
Mukhang nagulat pa s'ya nang makita ako pero agad namang nag-iba ang ekspresyon n'ya.
"Kakababa lang. Hindi mo ba nakita?" Nakangiti n'yang sagot.
Hindi ko na s'ya sinagot at patakbong bumaba ulit para mahabol s'ya.
Iyong babae talagang 'yon.
Naabutan ko s'yang naglalakad na papalabas ng gate kaya binilisan ko pa ang pagtakbo at hinigit s'ya.
Nagulat pa s'ya nang makita ako pero agad s'yang lumayo sa pagkakahigit ko nang maka-recover s'ya.
"Tarantado ka ba? Bakit ka nanghihila?!" Inis na tanong n'ya.
Ngumisi lang ako.
"Tss. Nag aadik ka ba? Sika ngisi 'to parang tanga."
Napatigil ako. A-ano? Ako? Tanga?
Nagseryoso ako nang mukha. Kita ko sa mata n'yang bigla s'yang natakot sa'kin. I mentally laughed.
Takot din naman pala sa'kin. Nagmamatigas lang talaga psh.
"Mag sorry ka na." Ani ko.
Biglang nag iba ang ekspresyon n'ya at napalitan iyon ng inis.
"Hoy! Wala akong kasalanan sayo. Dapat nga ikaw ang mag sorry sa'kin. Siraulo!" Sigaw nya.
Nagugulat ko s'yang tinignan.
"A-anong sabi mo? Siraulo ako?!"
"Oo! Baket hindi ba?!"
"Hindi! Hindi ako siraulo!"
"Edi adik ka! Hindi ka pala siraulo eh!"
Mas nanlaki pa lalo ang mata ko. Ibang klaseng babae talaga 'to.
"Hindi rin ako adik."
"Eh ano ka? Monggoloid?"
Napasinghap ako ng hangin. What the f----
"Mas lalong hindi ako monggoloid!"
"Edi tarantado ka! Tarantadong School President! Che! D'yan ka na nga. Uuwi na ako! Tss."
Naglakad na s'ya palabas ng gate at agad na sumakay sa isang tricycle. Naiwan naman akong nagugulat sa pinagsasasabi n'ya sa'kin kanina.
Sa tanang buhay ko walang naglakas-loob na magsabi sa'kin nang gano'n. S'ya lang talaga.
You need to pay for this Miss middle finger. Magso-sorry karin sa'kin.