"Chapter#4"

1580 Words
My Husband is a Transbeauty -------- "Si-sirrrr Varry...... gulat na sabi ni Krey.. "Ahh sorry akala ko si Mom hindi kita tinignan sorry... hinging pasensya ni Varry kay Krey. "Ah ok lang po Sir Varry baka po nagugutom na kayo handa na po yung breakfast ninyo.. nahihiyang sabi ni Krey. "Ahm sige kagutom ang amoy ng niluto mo sige kakain ako. agad na bumitaw sa pagkakayakap si Varry kay Krey dahil sa hiya ay napa upo at pumayag siyang kumain na. "Omgggg nayakap na niya si Sir at mapapakain pa niya ngayon umaga... bulongan ng mga nakasilip na katulong hindi kasi agad nakain si Varry pag galing sa joging. hindi naman mapakali si Krey dahil ng bitawan na siya ni Varry sa pagkakayakap ay doon niya nakita maigi ang kagandahan ng katawan ng binata. panay ang lunok ni Krey dahil sa nakikita niya hindi siya nakapag asikaso ng ayos sa binata. pansin naman ni Varry un kaya ngumisi siya at lalong nagyabang ng kanyang magandang katawan. lalo tuloy nahiya si Krey dahil sa pagyayabang ng binata sa kanyang katawan. dahil busy sila LenLen at ibang katulong sa pagsilip sa dalawa ay hindi nila namalayan na nasa tabi na nila ang dalawa nilang amo na si Madam Rose at Don Ven. nakasilip din ito sa sinisip nila. naka ngiti si Rose ng makita si Varry na kumakain at nakangiti ito sa babaeng nag aasikaso sakanya. "Alam ko kung ano ang nasa isip Honey hayaan mo lang ang anak mo wag mo siyang pakekelaman sa gusto niya. sabi ni Don ven. kaya ang mga katulong ay nanlaki ang mata ng marinig nila ang boses ng Don nila.. "Go-goodmorning po Madam rose "Don ven... gulat na pagbati ng mga ito sa mag asawa na nakangiti sakanila.. "Pasensya na po balik na po kami sa trabaho namin... sabi ni Len na agad na pinaalis ang ibang mga katulong. agad siya pumasok sa kusina para senyasan si Krey na papasok narin ang mag asawa sa kusina ng makita ni Krey ang mag asawang amo niya ay tumayo siya ng tuwid at binati ito ng magandang umaga. "Oh good morning mom... good morning dad.. naka ngiting bati ni Varry sa magulang niya. oh Anak bakit dito ka kumakain. nakangising sabi ng Dad niyang si Don ven. tila my ibang kahulugan ang tingin niya sa anak.. "Nako "Dad alam ko kung ano ang ibig sabihin ng tingin mong yan. "Ganon talaga mana ako sayo eh kung saan my maganda dapat nandoon ka.. malokung sabi ni Varry natawa lang ang Dad niya sa sinabi niya. Oo manang mana ka saakin kung saan my maganda nandoon. kaya tignan mo kasama ko ang mom mo siya lang ang maganda sa paningin ko.. napa ngiti naman sa kilig sila Krey sa narinig nila kay Don ven.. "Kaya mahal na mahal kayo ni Mom dahil ganyan parin kayo sakanya. "Noon hanggang ngayon mahal na mahal ko ang Mom mo siya lang hanggang tumanda kami anak. kaya sana pagnahanap muna ang para sayo gayahin mo kami ng mom mo. "Opo Dad... nakangiting sagot ni Varry napa tingin pa siya kay Krey na tumungo ng makita na na tumingin siya sa dalaga. "Honey "Si Krey nga pala bago nating katulong. kinuha ko siya sa amiga kung gumawa ng kalokohan sa amin. naawa ako sakanya dahil ginagawa nilang aso kaya kinuha kuna siya. pagpuputol na ng moment ni Madam rose dahil kahit my idad na ay kinikilig parin sa mga banat ng asawa niyang si Don ven. pinakilala na niya kay Don ven si Krey at sinabi dito kung bakit kinuha niya ang dalaga. "Kay gandang dalaga buti nalang ay kinuha mo siya. kilala ko ang asawa ng amiga mo siguradong pinagnasahan din niya ang dalagang ito. wagka mag alala iha nasa magandang kalagayan kana masaya akong makilala ka at mapagsilbihan mo kami ituring mo naring tahanan mo itong mansion namin katulad ng mga iba dito na turing na namin sainyo ay anak. nakangiting nilahad ni Don ven ang kamay niya para kamayan ito agad naman kinamayan ni Krey si Don ven para bilang paggalang sa bago niyang amo. "Oh Sige na Honey kumain na tayo. "Varry anak mag bihis kana muna at sumabay kana kumain saamin mukha naman na nagustuhan mo si Kre---? este nagustuhan mo ang lulo ni Krey. dahil hindi ka nakain pag luto ng mga katulong natin pero siya nagawa mong tikman ang luto niya.. "Sige po mom. magbihis lang po ako babalik agad po ako.. sabi ni Varry pero napapangiti siya dahil sa mom niya na alam niya na my ibang iniisip ito. bago umalis ay nginitian niya si Krey at umalis na para magbihis muna. "Len pakiahin na dinning area yang mga niluto ninyo ni Krey "Sige po madam... agad na sinunod ni Len ang utos ng madam niya. agad din naman siya tinulugan nin Krey na kahit na tila naiinis siya kay Krey ngayon dahil simula kagabi ay subrang swerte ng dalaga. napansin naman ni Krey na biglang nanahimik si Len habang nag aahin sila ng niluto nilang dalawa sa magandang table. kakausapin niya sana si Len ng? "Len sige na kumain narin kayo puntahan muna ang iba. Krey iha maiwan ka para makausap at makilala pa kita ng maigi gusto kung malaman ang lahat sayo. tumingin si Len kay Krey na tila ba naiinis ito sa dalaga. napa tungo nalang si Krey dahil sa tingin ni Len sakanya ngayon agad na itong umalis sa dinning area naiwan naman nakatayo lang si Krey kaya muli siyang tinawag ni Madam rose. "Krey iha sige na maupo kana wagkana mahiya. sabayan mo kami sa pagkain ngayon. mag kwento ka tungkol sa buhay mo. sabi ni Madam rose. pilit na ngumiti si Krey pero tila maiiyak siya dahil naalala niya ang pagkamatay ng kinilala niyang magulang niya. dahan dahan siyang naupo sa upoan na inupoan niya kagabi. pero hindi na niya napigilan ang sarili dahil my luha ng pumatak sa kanyang pisnge. nag alala naman si Madam rose ng makita yun agad siya tumayo para puntahan si Krey sa upoan pero natigil siya ng my lalaki ng nagpunas ng luha sa pisnge ni Krey na kinagulat ng dalaga ng makita niya itong naka titig sakanya. "Mukhang iyakin ang bago kung "Yaya. wagkana umiyak nandito ako para sayo este nandito kami para sayo wagkana mag alala nasa magandang kalagayan kana ngayon.. sabi ni Varry na pinupunasan ang luha ni Krey sa pisnge nakangiti ang mag asawa sa nakikita sa anak nila. hinayaan lang nila ito. "ehemmm... tikhim na ni Don ven dahil masyado ng matagal ang pagtitigan na dalawa na akala mong wala sila sa harapan. "Ah "Sorry Dad.... pinatatahan kulang siya .. sabi ni Varry na naupo na sa tabi ni Krey pero sa totoo lang nagtataka siya sa kinikilos niya alam niya na may kakaiba sa pagkatao niya pero ng makita niya ang dalaga tila my iba siyang nararamdaman na nagpapagulo sakanya. "Bakit my iba akong nararamdaman sa babaeng ito parang nabilis ang t***k ng puso ko. bulong ni Varry sa isip niya. nag iisip pa siya tungkol sa pagka tao niya alam niya na my iba pa siyang kasarian pero hindi niya magawang aminin sa sarili niya dahil lumaki siya sa magandang pamilya at ka iisa lang siyang anak na lalaki kaya ayaw niya biguin ang ama kung sakali na matanggap na niya ang sarili niyang pagkatao pero ngayon ay my gumugulo sa puso niya ang babaeng katabi niya ngayon. "Sorry iha sa gusto kung malaman ang nakaraan mo ha. alam kung bakit ka naluha dahil my hindi maganda talagang nangyare sayo. "Ok na po ako "Madam kaylangan ko rin naman po sabihin sainyo kung anong klaseng tao ako oh kung saan ako galing. sabi ni Krey na tila nahihiya kay Varry. "Ok lang ba na maikuwento mo saamin kung ano ang nagpaluha sayo para naman alam namin. baka makatulong kami sayo. huminga ng malalim at ngumiti na si Krey at sinumulan na ang pagkukuwento niya sa totoo niyang buhay. "Ahm Ampon po ako "Madam rose inampon po ako ng isang pamilya na hindi mayaman kaya po sanay na po ako sa pag aalipin ng ibang tao pero po sa pamilya namin kahit mahirap masaya po kami at ginagawa kaming princesa ng magulang namin, pero po ng mawala sila dahil sa isang accident gumuho po lahat ng masayang pamilya kung yun kahit po ampon ako. ung dalawa ko pong kapatid na tunay na anak ng Nanay at Tatay, sinisisi po nila ako sa pagkamatay ng magulang namin kaya po naisip ko nalang po na umalis para po walang ng g**o. hindi na po ako nakipag hati sa minana nila sa bahay na naiwan ng magulang namin. hindi kuna po pinilit na tanggapin nila ako dahil ako daw po ang my kasalanan. pero po wala akong kasalanan. pero ako ang sinisisi po nila tinanggap ko po un para lang matigil na sila. umalis po ako at naghanap ng trabaho kung saan saan. wala po akong mapasukan dahil hindi naman po ako nakatapos ng pag aaral hanggang makapagtrabaho po ako kala Maam beth. kahit po anong gawin nila tinitiis ko lang po dahil ayuko pong magpagalagala sa kalye. kaya po nagpapasalamat po talaga ako sainyo "Madam rose sa pagkuha ninyo po saakin sa impyerno na yun maraming maraming salamat po talaga. gagawin ko po lahat para sainyo. naiiyak na sabi ni Krey pero agad siya ngumiti sa mag asawa at kay Varry din na tila natulala sa pagngiti ng dalaga sakanya.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD