"My Husband is a Transbeauty"
------
Pagpapatuloy.....
"Ilang kaibigan na nga ang dumating sa bahay ng amo ni Krey, kaya busy siya sa mga ito kahit na nagugutom na.
"Birthday ni Madam bakit kaya dito sa bahay lang ginanap dati naman sa mga mamahaling hotel
bulong ni Krey. aligaga siya sa pag aasikaso sa mga bisita ng madam niya ngayon ang anak naman nito ay walang pakealam sa birthday ng Mama nila, nagkukulong lang ang mga ito sa kwarto
lahat ay nanahimik ng my dumating ng isang sasakyan na mamahalin kaya napa tayo na ang Amo ni Krey dahil sa sasakyan na natatanaw niya sa gate.
"anjan na si Rose..
oo nakikita ko. hindi ako makapaniwala na pupunta siya sa kaarawan mo Amiga iba ka talaga.
ngumisi lang ang amo ni Krey at masayang sinalubong si Rose na naka ngiti pero tila hindi ito masaya talaga.
Happy birthday "Amiga..
bati ni Rose sa amo ni Krey..
"Welcome Amiga... sa munting maganda kung bahay. salamat sa pagdalo mo sa aking kaarawan masaya ako na nandito ka para makapag bonding sa ating mga ka amiga.
ngumiti lang si Rose sa kanyang amiga pumasok na sila sa loob ng bahay para yakapin ang isa isa bilang samahan nilang lahat. president si Rose sa samahan nilang amiga.
pero tila nawawala na ito dahil nagkakaron na ng hindi magandang nangyayare sa kanila kaya parang gusto ng tapusin ni Rose kaya siya nagpunta sa birthday ng amiga niya ay para wakasan na ang samahan nila lalo na my nalam siya sa amiga niya na malaking pera ang kinuha nito sa samahan nila at pinatalo sa cassino.
hindi muna ginulo ni Rose ang kasiyahan ng mga amiga niya hinayaan lang muna niya ito dahil gusto niya na kahit paano ay maging masaya ang mga ito pag nalaman na ang ginawa ng amiga nila na my paparty.
akala ng amo ni Krey ay walang alam si Rose sa ginawa niya kaya kampante lang siya na subrang saya hindi niya alam na sa gabing iyon ay magagalit na ang lahat sakanya.
masasayang nag kukuwentohan na ang iba ng yayain na ng amo ni Krey ang mga bisita niya na kumain na. narinig pa ng iba kung pano utusan nito si Krey.
napahinga lang ng malalim si Rose ng makita niya ang dalaga na nagmamadali sa lahat ng mga iutos sakanya ng amo.
"Sa subrang tibid niya isang katulong lang ang kinuha niya sa laki ng bahay niya yan lang gumagawa ng lahat. ibang klaseng amo talaga siya nakakaawa ang katulong niya.
bulong ng ibang amiga na my inis sa amiga nila, naririnig ni Rose ang lahat ng chismisan nila.
lahat sila ay nasa hapagkainan na para ipagdiwang ang kaarawan ng vice president nila. ang president nilang si Rose ay naka upo mismo sa my dulo ng lamensa at ang my birthday ay nasa tabi niya. kinantahan pa nila ito bago sila kumain..
Krey ano ba ang tanga tanga mo naman kumuha ng picture saamin. ayusan mo naman..
singhal nito kay Krey
"Sorry po madam .
napa hinga nalang si Rose at hinayaan muna ito kumain na silang lahat pagkatapos kunan ng picture ni Krey ang lahat, dahil hindi na siya inuutusan ng amo niya ay lumabas muna siya para magpahinga doon nakita siya ni Rose.
habang busy ang lahat sa pagkain tumayo si Rose at kumuha ng plato at nilagyan ito ng mga pagkain napansin siya ng lahat sa ginagawa niya yung amo ni Krey ay naka kunot lang ang noo nito. ng titingin si Rose sakanya ay ngumiti ito kay Rose
"Sige lang kumain na kayo..
sabi ni Rose na iniwan na muna ang mga ito lumabas din siya hinanap niya si Krey na naka upo lang sa my upoan sa my maliit na garden..
"jiha....
pagtawag niya kay Krey agad na napa lingon si Krey sa tumawag sakanya, nagulat siya ng si Rose ito.
"Ah Madam Rose my kaylangan po kayo..
wala "jiha ibibigay ko lang itong pagkain mo para makakain ka.
napa lunok naman si Krey sa dala ni Rose, nakita ni Rose un kaya hindi nilapag na niya un sa my mini table sa garden.
"Ah Madam Rose hindi--------?
"Sige na kumain kana pagkatapos mo kumain pumunta ka sa kwarto mo kunin mo ang mga gamit mo doon.
sabi ni Rose nagtaka naman si Krey sa narinig niya agad na umalis si Rose sa harap niya.
hindi niya maintindihan ang sinabi ni Rose kung ano ang ibig sabihin ng kunin yung mga gamit niya. saglit siyang nag isip.
kukunin ako ni Madam Rose.
masayang sabi ni Krey tila nalimutan na niya kainin ang pagkain na dala ni Rose kanina agad siya tumakbo papasok ng bahay. wala siyang pakealam kung anong klaseng amo si Rose ang gusto lang niya ay ang makaalis na talaga sa bahay ng amo niya.
nakita ni Rose ang pagmamadali ni Krey kaya alam niya na hindi ito kumain at alam na niya na gusto talaga makaalis ni Krey sa amo niya.
kaya habang kumakain ang lahat wala na din siyang sinayang na oras at sinimulan na niya ang magsalita tungkol sa samahan nilang lahat.
"Ititigil na nating tung samahan na ito alam kung nag pala plastikan nalang tayung lahat kaya wala ng silbe ang ipagpatuloy pa ito..
sabi bigla ni Rose ang lahat ay napa tigil sa pagkain at napa tingin sakanya.
"Amiga anong sinasabi mo.
"Wag ka na mag malinis "Beth alam kuna ang lahat, Lahat ng perang nasayo ay ubos na dahil sa pag cassino mo.
lahat ay tumingin sa amo ni Krey na si Beth. hindi agad nakapag salita si Beth namutla ito sa narinig niya na alam na ng president nila ang tungkol doon.
"Beth totoo ba yung sinabi ni pres Rose na wala na yung pera na gagamitin natin para sa mga project natin..
Hindi na niya mababalik ang perang un nalugi na sila ng asawa niya.
sabi pa ni Rose. napa tungo nalang si Beth at umiyak na.
"Patawarin ninyo ako akala ko mananalo ako at mababawi ko ang pagkalugi namin.. pero wagkayo mag alala mababalik ko ung pera.
"Hindi na Beth ang asawa mo ay walang tumulong sakanya dahil parehas kayong mag asawa na manggagantso kaya wala na siyang mahingian ng tulong.
"Rose "Sorry tulongan mo kami..
"Nagawa kuna hindi naman ako masamang tao. para bigyan pa ulit kayo ng isa pang pagkakataon. hindi na kayo makukulong sa mga ginagawa ninyo dahil naayos kuna pero bumaksak na kayo at dapat kana magpakabait "Beth. humingi kana ng tawad sa mga amiga natin ayuko na taposin na natin itong samahan nating lahat.
sabi ni Rose na tumayo na, ang lahat ay ganon din galit ang mga ito kay Beth ngayon
Pasalamat ka tinulongan ka perin ni Rose sa ginawa mo.. kung hindi mabubulok ka sa kulongan..
galit na sabi ng mga ito na nagsi tayuan na para iwan na si Beth.
"halika na jiha umalis na tayo...
sabi ni Rose ng makita niya si Krey na my dalang bag. ngumiti lang ang dalaga kay Rose napa pikit nalang si Beth sa pagsama ni Krey kay Rose wala na siyang nagawa kundi ang hayaan na ito sumama kay Rose dahil wala na siyang mapapasahod dito.
iniwan na siya ng lahat ng kanyang mga amiga na tinapos na ang kanilang samahan dahil sa perang winaldas niya.
nagpasalamat naman ang ibang amiga kay Rose dahil kahit paano ay nabalik ang pera nila dahil kay Rose. siya kasi ang pinakamayaman na tao.
ngumiti ang mga ito ng makita nila si Krey na tila masaya ngayon dahil sa wakas ay nakalaya na siya sa amo niya
"Magiging maayos na ang buhay mo jiha napunta ka sa mabait na pamilya.
sabi ng mga ito bago muling nagpasalamat kay Rose. nagsialisan na silang lahat masayang sumakay ng sasakyan si Krey kasama si Rose na nakangiti sakanya.
"Siguradong gutom na gutom kana jiha hindi mo kinain ang binigay kung pagkain sayo dahil gustong gusto muna makaalis sa amo mo.
sabi ni Rose tila nakaramdam ng hiya si Krey.
"Ahh opo "Madam gustong gusto kuna po umalis sa sakanila kaya po nagpapasalamat po ako na isinama po ninyo ako. lahat po gagawin ko para lang sa ginawa po ninyong kabaitan sa akin.
hinawakan lang ni Rose ang kamay ni Krey.
"Wagkang mag alala hindi ako katulad ng amo mo. magiging ok ka sa lugar ko.
"Salamat po Madam...
muling ngumiti si Rose kay Krey habang nasa biyahe ay narinig niya ang paglulo ng tiyan nito kaya alam niya na gutom na nga talaga ito. kaya agad niya nilabas ang kanyang cellphone at my tinawagan ito.
naririnig ni Krey ang pag uusap ng dalawa kaya napanatag na ang takot sa puso niya sa mga oras na yun. binaba na ni Rose ang tawag at muling hinawakan ang kamay ni Krey tila anak ang tingin ni Rose sa dalaga dahil wala siyang babaeng anak, lalaki kasi ang anak niya na kaiisa lang bihira pa ito umuwi sa bahay nila kaya nakakaramdam ng pangungulila si Rose sa anak na mimiss niya ito kaya ng makita niya si Krey ay my naramdaman siya awa sa dalaga.
nanlaki ang mata ni Krey ng pumasok sila sa parang isang gubat tila natakot siya sa pagpasok nila doon kahit my ikaw ay parang kinakabahan siya pero habang papasok sila ng papasok sa loob ng gubat ay malaking gate ang nasaharap nila ngayon.
tumingin siya kay Rose at naramdaman niya ang pagpisil ng kamay nito sa kamay niya at ngumiti sakanya.
"Wagkang matakot nandito na tayo sa mansion ko.
sabi ni Rose nawala ang kaba ni Krey napa tingin siya sa harapan ng marinig niya ang pagbukas ng malaking gate at my mga guwardiya na itong sumalubong sa kanila, nawala ang takot ni Krey ng makita na niya ang mansion na subrang ganda. subrang ganda ng lugar.
tila batang manghang manghang sa nakikita niya masaya naman si Rose para sa nakikita niya sa dalaga.
huminto na sila at my guwardiya ng nagbukas ng pinto tila nahiya si Krey na bumaba. muling hinawakan ni Rose ang kamay ng dalaga para ayain na ito papasok sa loob.
huminga ng malalim si Krey at naka ngiti naring sumunod kay Rose.
"Wagkang mag alala marami kayo hindi lang ikaw..
sabi ni Rose kay Krey.
"Halika na sa loob para makakain kana. at makapag pahinga muna jiha.
"Salamat po talaga madam...
"Wala yun jiha gawain ko ang tumulong sa mga katulad mo na kaylangan tulongan.
ngumiti nalang si Krey at maayus na binitbit ang kanyang bag na dala.
"Madam Rose handa napo ung pinahanda po ninyong pagkain.
salubong ng isang katulong na si Lenlen.
"Ok salamat Len..
si Krey ay tila natulala sa ganda ng mansion.
jiha ok kalang ba.
ah opo "Madam ang ganda po kasi ng mansion ninyo hindi po ako makapaniwala na makakapag trabaho ako sa gantong mansion tapos po mabait ang magiging amo ko.
masayang sabi ni Krey ngumiti lang si Rose sa mga naririnig niya sa dalaga.
sigurado akong lalo kang matutuwa pag nakita muna ang magiging kwarto mo. alam ko kung gaano kahirap ang naranasan mo kay Beth.
naiiyak naman si Krey dahil naaalala niya ang lahat ng pang iinsulto at p**********p sakanya ng mga dating amo.
"Wag ka na umiyak jiha ok na nandito kana at magiging masaya katulad nila lenlen..
"Salamat po talaga "Madam.
naiiyak na sabi ni Krey nagulat si Rose ng bigla siya nitong niyakap kaya niyakap din niya ito pabalik at hinimas ang likod dahil naramdaman niya na umiiyak na ito habang magkayakapan silang dalawa.
si Lenlen ay nakangiti sa nakikita niya
"Subrang bait talaga ni Madam lahat tinitulongan niya kaya siguro lalong yumayaman.
bulong ni Lenlen
nahikbi na bumitaw sa pagkakayakap si Krey kay Rose at agad naman pinunasan ni Rose ang luha niya.
"jiha wag ka na umiyak papangit ka niyan ang ganda ganda mo oh..
sabi ni Rose ngumiti na si Krey sa narinig niya na maganda siya dahil sa mga dati niyang amo ay laging pangit ang sinasabi nito sakanya ngayon lang siya nasabihan ng maganda.
"Halika na nga iha kumain na tayo hindi rin ako nakakain doon mukha pa naman masarap ang mga luto mo alam kung ikaw ang lahat ang nagluto ng mga yun.
masayang aya na sakanya ni Rose pero bago pa sila tuloyan pumunta sa Dinning area my mamahaling ng sasakyan ang dumating.
"iha mauna kana kumain. Len ikaw na muna ang bahala sakanya...
masayang sabi ni Rose na agad ng bumalik sa tapat ng malaking pinto ng mansion para salubongin ang anak na dumating.
inaya na ni Len si Krey na kumain hila hila na siya nito pero tinignan niya si Rose nakita niya ng my binata na itong niyakap tila my iba siyang nararamdaman sa binatang yakap na ng ina sa mga oras nayun nakatitig lang siya sa tagpo ng mag ina habang hila hila siya ni Lenlen papunta sa dinning area...