Clare's POV: Pagkatapos kong mabasa ang message ni Attorney ay parang gumuho ang mundo ko. Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko at parang deep inside, patay na ako dahil wala nang dahilan para mabuhay pa. "Clare, anong nangyayari sa'yo?" Tanong ni Shannen ngunit wala akong naitugon. "Namumutla ka oh, Clare naman!" Nagpanic si Shannen at maya-maya'y bumukas ang pinto at iniluwa nito si Doc.Zach habang may dalang papeles. "Clare..." Malambing na sabi niya habang nakahawak sa aking pisngi, ngunit hindi ko parin kaya. Ang dali lang kasi sakaniya na tapusin lang lahat, akala ko makaka ilan pang request bago niya pirmahan ngunit nagkamali ako at umasa ako sa wala. Mapapa-punyeta nalang talaga ako. Biglang may tumulong luha sa mga mata ko. When I'm mad, sad and happy there's only one

