Clare's POV: Hindi na ako umuwi at hinintay ko na lamang na matapos ang klase ng kambal. Tanghalian na, kaya kahit anong gawin kong paghahanap ay wala akong makitang masakyan pauwi. Kaya no choice na at maglalakad nalang kaming hanggang terminal. Malapit lang naman, kaya keri lang. Nagtanong sila tungkol kay Zach at kung bakit hindi niya kami hinatid pauwi, pero nginitian ko lang sila bilang sagot habang patuloy pa rin sa paglalakad. *BEEP* Nang lingonin ko ang kotseng bumusina sa amin, tinignan ko ang plate number nito and it's not someone I know. Nang buksan nito ng window nito, nakita ko ang nakangiting si Blue habang taas-baba pa ang kilay nito. "Bingo!" "What are you doing here---" "Daddy!" it was Lianne. Itinabi niya ang sasakyan niya saka lumabas at dinaluhan kaming tatlo.

