Kina's POV Ilang oras nang nawawala si Blue at hindi parin siya bumabalik hanggang ngayon. Tinanggal ko ang fake dextrose na nakasaksak sa akin at agad na tumayo mula sa pagkakahiga ko dito sa nakakairitang hospital bed na ito. Oo, fake. Pagpapanggap lang ang lahatng nangyari. Hindi totoo ang na nahilo ako, dahil palabas ko lamang iyon para magkita si Clare at Blue. Sinadya ko 'yon, para magkasagutan sila at para mas lalo silang magalit sa isa't isa na sa tingin ko ay nangyari na naman. Salamat naman at pumapanig sa akin ang swerte... Dinampot ko agad ang cellphone kong nasa tabi ng kama at tinipa ang numero ng isa sa aking mga tauhan. Matapos nang ilang ring ay sinagot na niya. Pinapasweldo mo na nga lang, hindi pa sasagot nang mabilis! Punyeta. "Hello?" "Ano? Kamusta na yung pin

