Cassandra smiled genuinely towards Stephanie kahit na hindi na maipinta ang mukha ng dalaga. She looks like she's gonna kill her with her eyes na mas lalo niyang ikinatuwa.
"Really, Cassandra?" Sarkastiko nitong asik.
Nagpakawala siya ng isang buntong hininga at malungkot na nilingon si Fernando. "I told you hon, dapat sa silid nalang ako nanatili. It seemed like, makakadagdag lang ako sa stress ni Stephanie," aniya na para bang aping-api talaga siya.
"Stephanie, hija, can you try not to be sarcastic towards your Tita Cassandra? Kahit ngayon lang anak. Can't you see? Like me, she's delighted to see you," baling ni Fernando sa anak nito.
Umirap si Stephanie kasabay ng paghalukipkip ng mga braso nito sa dibdib. "Whatever, Dad."
Hinawakan niya ang bisig ni Fernando at matamis na ngumiti sa lalaki. "Hayaan mo na, honey. Ang mabuti pa ay pumunta na tayong kumedor at magtanghalian."
"Alright then," nakangiting tugon ni Fernando bago nilingon si Stephanie. "Let's go to the dining room, hija, Kyrie."
Sumulyap siya sa kasama ni Stephanie na matamang nakatitig sa kanya. Halo-halo ang emosyon sa mga mata nito na ipinagsawalang bahala niya. She doesn't care about him whether he remembers her or not. One way around, papatayin din naman niya ang lalaki kalaunan lalo na at balakid ito sa mga plano niya.
Dumiretso silang apat sa kumedor kung saan nakahain ang napakaraming pagkain. Ipinaghila siya ni Fernando ng upuan at ganun din ang ginawa ni Kyrie kay Stephanie. As the four of them sat down, inasikaso niya ang pagkain ni Fernando. She could sense that Stephanie and Kyrie were looking at them, particularly at her, especially Kyrie's intense stare, but she acted like she didn't know and continued her drama.
"Vegetables are good for you, honey. Dapat kaunti lang ang pork at kanin," aniya sa asawa.
"Thank you honey."
Nilingon niya ang dalawa at matamis na nginitian. "Dig in. I cooked all of this for you, Stephanie."
Stephanie scoffed at her remark. "You must be celebrating, Cassandra."
"Of course!" Tugon niya habang naglalagay ng pagkain sa sarili niyang pinggan.
In her peripheral vision, she saw her stepdaughter balled a fist that made her smirk secretly.
"Bítch!" Mahina subalit madiin na mura ng dalaga.
"Stephanie!" Fernando reprimanded her daughter.
She gave her a hurt expression. "Why are you cussing me Steph? Isn't it true that we are celebrating your return?" Dahan-dahan niyang binitawan ang kanyang kubyertos at tumingin kay Fernando. "Excuse me, honey. I'll just go to the bathroom."
Mabilis na hinawakan ni Fernando ang kanyang kamay. "Are you alright?"
Sunod-sunod siyang tumango at pilit na ngumiti bago nilisan ang dining room at nagtungo sa banyo. She look at herself in the mirror and smiled. Walong taon niya ng ginagawa 'to. She's been enjoying so far but it's getting a bit boring lately, especially Stephanie's childish attacks on her.
Akmang magdedesisyon na siyang lumabas nang bumukas ang pinto ng banyo at pumasok si Stephanie. Gaya kanina, she's giving her a death glare like she did something wrong, though may ginawa naman talaga siya.
"May sasabihin ka ba?" Malumanay niyang tanong sa dalaga.
"Can you stop playing coy and show your true colors, Cassandra? Si Daddy lang ang mauuto diyan sa bait-baitan mo at hindi ako! I know deep down there nagluluksa ka dahil palpak ang plano mo. Am I right?" Nakangisi nitong wika. "Hindi hahayaan ng Diyos na magtagumpay ang mga masasama, Cassandra," dagdag pa ng babae.
Mula sa pormal na itsura ay unti-unting sumilay ang nakakalokong ngisi sa kanyang labi hanggang sa nauwi sa mahina subalit sarkastikong pagtawa. Kung hindi hinahayaan ng Diyos na magtagumpay ang masasama, then Fernando wouldn't be standing here by now. Patunay lang na walang katuturan ang mga pinagsasabi ni Stephanie.
"You're laughing? Walang nakakatawa sa sinabi ko. O baka naman nababaliw ka na dahil hindi ka nagtagumpay sa kasamaan mo? Sins makes a person go crazy if you didn't know that."
Tumigil siya sa pagtawa at mahinang pumalakpak. "I'm so proud of you Stephanie. Ang dami mo talagang nalalaman. I must have raised you so well—"
"You didn't raise me! Ang mommy ko ang nagpalaki sakin! Mommy ko na pinatay mo!" Gigil nitong sambit at dinuro-duro pa siya.
But instead of backing down she smiled again. "Really? Hanggang ngayon naniniwala ka parin na ako talaga ang pumatay sa kanya? The culprit is in jail already Stephanie. At kung ako man ang pumatay sa kanya, do you have a proof?"
Nagtaas baba ang dibdib ng dalaga at hindi nakasagot.
She slowly put her middle finger below Stephanie's chin to raise her head and face her. "Accusing someone without evidence is a crime, darling," aniya bago ito binitawan. "And if you're sure about all of your accusations, go tell your Dad."
Muli ay hindi ito nakasagot pero kita niya ang poot sa mga mata ng dalaga. Umangat ang sulok ng kanyang labi sa reaksyon nito.
"Ah, my bad. Ayaw palang maniwala ng Daddy mo sayo," kunwa'y malungkot niyang ani. "Ibig sabihin ba nun, mas matimbang ako sa kanya kesa sayo?"
"Bítch!" Asik nito at akmang sasampalin siya subalit bigla nalang bumukas ang pinto at pumasok si Kyrie.
He moved so fast. Agad itong nakarating sa kinaroroonan nila at pinigilan ang kamay ni Stephanie. Humalukipkip siya habang pinagmamasdan ang dalawa.
"Stop it, Steph. I told you I'll handle everything, didn't I?" Anito sa baritonong boses bago lumingon sa gawi niya.
He had this distasteful look on his face while staring at her but it even made her smile.
"It looks like you have a new sitter, Stephanie. Maganda yan para may kakampi ka," sabi niya sa nakakalokong boses.
"Just wait and see Cassandra. Sisiguraduhin kong mapapatunayan ko lahat ng mga sinasabi ko ngayon. At kapag nangyari yun, you will surely rot in jail!
Nagpakawala siya ng isang buntong hininga and even gave them a bored expression. "Whatsoever Stephanie. Goodluck on the two of you for your plan," walang gana niyang sagot bago tumalikod at naglakad na palabas ng banyo.
Hindi niya mapigilan ang sarili na mapaismid. 'Bago niyo pa mapatunayan ang lahat, the two of you will be buried six feet underground already.'
Bumalik na siya sa kumedor kung saan naroon parin si Fernando at kumakain mag-isa. Maingat siyang umupo sa tabi ng lalaki.
"Nakita mo ba si Stephanie at Kyrie, hon?" Tanong nito.
Ngumiti siya bago umiling. "I don't. Umalis pala sila?"
Fernando put down his cutlery and wipe his mouth with the table napkin. "Yes. Ang sabi ni Stephanie magbabanyo din daw siya."
"Oh, maybe she was in some other comfort room and the guy followed. Is he her boyfriend?" Kaswal niyang tanong.
"No, honey. Kyrie was the one who saved Stephanie kasama ang mga tauhan nila ng Daddy niya."
Natutop niya ang sariling bibig. "Talaga? Oh, hindi pa pala ako nakakapagpasalamat sa kanya."
Fernando chuckled. "Don't worry. You can do it later on. Kyrie will be staying with us for the meantime since he will be Stephanie's personal bodyguard."
Nabitin ang kanyang paglunok sa narinig. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin kay Fernando na sumimsim ng wine.
"Personal bodyguard?" Ulit niya.
"Yeah. He's good, honey. At isa pa, nailigtas niya si Stephanie noong nakaraan. I'm sure he will do a great job since he's a well-trained agent," paliwanag pa ni Fernando.
Lihim niyang naiyukom ang kanyang kamao. Búllshit! Masyado na talagang sagabal ang lalaki!
"Ayos ka lang ba, honey?" Untag ni Fernando.
Napakurap-kurap siya at hilaw na ngumiti sa lalaki. "Y—yeah. Why wouldn't I be?"
"You spaced out."
She chuckled. "Oh, I'm sorry. I was just thinking about some matters at Pegasus." Tukoy niya sa shipping company na pag-aari ng kanyang asawa.
Tumango naman ito at hindi na nagkumento pa. Natapos nalang sila sa tanghalian ay hindi na bumalik pa sina Stephanie at Kyrie.
After their lunch, naunang umalis si Fernando dahil may kakatagpuin pa itong kliyente habang siya naman ay papunta ng salon para kausapin si Nyx tungkol sa bagong sitwasyon ni Stephanie.
Pababa siya ng hagdanan nang makasalubong niya si Kyrie na paakyat. She put up a stoic expression and didn't bother to look at him hanggang sa lumampas siya sa lalaki.
"Going somewhere?" Tanong nito.
She halted her steps but didn't look back at him as she was pretending not to recognize him. Alam niyang siya ang kinakausap nito pero wala siyang planong sumagot kaya naman nagpatuloy na siya sa paglalakad.
"Stop pretending that you don't know me, Cassandra?"
Muli siyang napatigil sa paglalakad at sa pagkakataong iyon ay hinarap na niya ang lalaki. Nakatingala siya dito habang bahagya na itong nakayuko sa kanya dahil sa baitang na distansya nila.
"Are you talking to me perhaps, Mr.Bodyguard?" Inosente niyang tanong.
Sarkastikong natawa si Kyrie bago dahan-dahang naglakad pabalik sa kinaroroonan niya. His eyes were dark yet playful. Napahigpit ang kapit niya sa railings ng hagdan. No one has ever made her feel nervous like this. Ano bang nangyayari sa kanya?
Huminto ang lalaki sa kaparehong baitang kung saan siya nakatayo. They were just inches apart. She could even smell his manly perfume invading her nostrils.
"Look at me, Cassandra. Talaga bang wala kang naalala habang nakatitig sa mukhang to or... should I introduced myself as someone whom you slept and took your vírginity the night before your wedding?"
Her eyes widened as she scanned the whole place to make sure no one was around to hear him.
Mas lalo pa itong napangisi. "What? Afraid that your husband might hear us? What do you think his reaction will be kapag nalaman niyang ako ang nakauna sa asawa niya?"