INIWANAN na sila ng tuluyan ni Claude sa Mall, wala namang ibang ginawa sa kanya si Daniel after ng ilang beses siyang hinalikan nito at kaunting himas at hipo sa kanyang katawan. Kahit na anong hanap niya kay Claude hindi na niya talaga nakita ito. Baka umuwi na ito sa sobrang inis sa kanya. parang bigla gusto niyang nasa tabi niya si Claude kaysa sa kay Daniel. "C'mon baby"aya nito sa kanya. Nag-aabang sila ng masasakyan nito pauwi sa kanila, gabi na din matapos silang manood ng sine. Naglibot pa silang dalawa, bumili ng ilang mga damit pa. kumain na din sila ng hapunan doon bago nagpasyang umuwi na. Pero ganoon nalang ang gulat niya ng kaysa sa sakayan ng bus pauwi sa bayan nila dinala sila ng tricycle driver sa isang hotel. "What us do here?"kinakabahan niyang tanong kay Daniel.

