Pagpasok namin sa loob ay labis na aking pagtataka na nagtungo kami sa taas na hindi ko mawari ang dahilan kung bakit. Sumama nalang ako sa kanya upang matukoy kung saan ito tutungo. "jin! sandali saan ba tayo tutungo. Napapagod na ako sa kakaakyat! hindi ba pwedeng gumamit nalang tayo ng elevetor " paghihingal na sabi ko dahil paakyat kami na gamit ang hagdan at nasa tatlong palapag palang kami! Kahit ganito ay may kalakian naman itong building na hindi ako tiyak kung ano pa ang bawat palapag ngunit ang aking nalalaman ay pagpasok ay kaiinan na restaurant . "sira kasi ang elevetor.. maya maya maayos na iyon pag baba natin,pero ngayon hagdan mona ang gagamitin natin! kung pagod kana halika at bubuhatin kita .. halila dito sa likod ko" sabi ni jin sabay yuko upang buhatin ako. "hindi na

