"huwag na jin." pagtanggi ko at humakbang palakad. "aya, tara na!" sabi ni jin na hinahatak ako patungo roon. "welcome po ma'am and sir "bati ng isang babae. Patingin tingin kami sa loob nito na labis na aking kinagagalak sa saya. "wow! ang gaganda nito" "gusto mo isukat" sabi ni jin. "hindi huwag na!" pahiyang sabi ko. " ahh! excuse me." tawag ni jin sa babae. "yes sir" "gusto ko yung pinaka magandang wedding dress for my fiance " Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang kanyang pagkasabi na dahilan na napakurot ako sa kanya. "aray" sigaw ni jin. "ano naman ba pinagsasabi mo jin?." pabulong nasabi ko sa kanya. "tumingin ka nga sa paligid mo. Halos sila mga couple" sabi nito. "ehh hindi naman tayo couple.. "bulong ko ulit sa kanya "sir' ma'am, this way po" sabi ng babae

