THE SINFUL AFFAIR KABANATA 33 AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. BAKIT MAGKASAMA SI Emilio at si Irish ngayon dito sa bayan? At nakakapit pa talaga si Irish sa braso ngayon ni Emilio. Ang sabi sa akin ni Emilio ay nasa bukid lang siya ngayon dahil may itatanim siya na bagong mga halaman. Pero bakit iba ang nakikita ko ngayon? “Oh! Si Fidel ba ‘yan? At kasama niya si Irish ngayon! Ang higad talaga na ‘yan. Mga bata pa lang kami ay lagi na lang siyang nakakapit kay Fidel eh,” nakasimangot na sabi ni Mia ngayon habang nakatingin siya kung nasaan si Emilio at si Irish. Umiwas na ako ng tingin sa kanila at natahimik ako. Bahagya akong napayuko at tahimik akong nag-iisip kung bakit magkasama si Emilio at si Irish ngayon. Bakit sila magkasamang dalawa? For what reason? “Aubrielle, okay

