THE MAYOR’S SINFUL AFFAIR KABANATA 30 AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. “KAKAYANIN BA natin ‘tong dalawa, Emilio?” mahina kong tanong sa kanya habang nakasandal ako sa kanyang dibdib, at siya naman ay nakayakap mula sa aking likuran at nakapulupot ang kanyang braso sa aking beywang. Nandito kami ngayon sa kanilang bukid—sa kanyang bukid pala. Ito na ang naging tagpuan naming dalawa ni Emilio simula nang maging mag jowa kaming dalawa. At ang tanging nakakaalam pa lang sa relasyon naming dalawa ay si Kuya Edgar. Siya kasi ang laging naghahatid at sumusundo sa akin papunta dito sa bukid na pagmamay-ari ni Emilio. Safe kami na magkita dito dahil private property niya ito. Sa kanya ang bukid na ito at ito ang pamana ng kanyang mga magulang sa kanya bago mawala ang mga ito. Iniharap ako

