TMSA: 11

1069 Words
THE MAYOR’S SINFUL AFFAIR KABANATA 11 AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. DALAWANG ARAW na kaming hindi nag-uusap ni Emilio—o ni Fidel, whatever he wants me to call him. Pero dalawang araw na kaming hindi nag-uusap tungkol sa aming project together, at malapit na namin itong ipasa… next week na. Ang mga kaklase namin ay nakapag simula na sa mga project nila, samantalang kami ni Emilio ay wala pa rin talagang nasisimulan. “Aubrielle!” Napaangat ako ng tingin ng may tumawag sa aking pangalan. Nang mapatingin ako rito ay nakita ko na nasa harapan ko na ngayon si Irish habang nakatingin ng seryoso sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay ngayon. Wala kaming class ngayon at vacant namin. Wala rin si Emilio sa kanyang kinauupuan ngayon dahil may meeting siya kasama ang student council. Siya pala ang president ng student council dito sa Andalucia Community College, kaya rin maraming nakakakilala sa kanya. Tinaasan ko ng kilay si Irish upang sabihin sa kanya na anong kailangan niya sa akin. Hindi ko na kailangan pang makipag plastikan sa kanya dahil kahit na anong gawin ko ay masama pa rin naman ang tingin nila sa akin eh. Bakit pa ako mag-aaksaya ng panahon sa kanila? Lalo na sa Irish na ‘to na laging nagsisimula ng gulo sa akin. “Sabihan mo si Ma’am Catubig na makikipag palit ka ng partner sa project natin sa kanya,” seryoso niyang sabi sa akin. Hindi ko mapigilan na matawa sa kanyang sinabi at agad ko namang pinigilan ang pagtawa ko ng dahil sa kanyang masamang titig sa akin ngayon. “Walang nakakatawa sa sinabi ko!” galit niyang sabi sa akin. Nakakapag maldita lang talaga siya sa akin kapag wala si Emilio sa paligid eh. Pero kapag nandyan si Emilio ay bigla na lang siyang nagiging pabebe. Halata siya masyado na gusto niya si Emilio, pero wala na akong pakialam kung may gusto man siya rito, o wala. Wala na akong pakialam sa kanilang lahat lalo na sa Irish na ‘to na nasa harap ko ngayon. “Bakit hindi ikaw ang gumawa nyan? Bakit inuutusan mo pa ako?” tanong ko sa kanya habang nakataas ang aking kilay. “Because you’re the mayor’s son! At lahat ng sasabihin mo ay gagawin nila dahil ang tatay mo ang nagpapasweldo sa kanila diba? ‘Wag ka ngang mag maang-maangan diyan, Aubrielle! Alam kung alam mo ang tinutukoy ko!” inis niyang sabi sa akin. Nakaramdam din ako ng inis sa kanya kaya napatayo na ako ngayon at hinarap ko siya. Nakita ko ang takot sa kanyang mukha ng mapatayo ako, pero agad din itong nawala at tinaasan niya ako ng kilay at nagtataray na naman siya sa akin. “Hindi ko alam ang pinagsasabi mo, Irish. At wala akong ganyan na kapangyarihan, huwag kang mag-acusse nang wala ka namang proweba! At isa pa, hindi si Dad ang nagpapa sweldo sa mga professors dito sa campus kundi ang government. Huwag kang tanga!” inis kong sabi sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata ng sabihin ko ‘yun sa kanya. Parang hindi siya makapaniwala ng sabihin ko ‘yun sa kanya ngayon. “You’re a b***h!” sigaw niya sa akin at nagulat na lang ako ng bigla niyang hilahin ang buhok ko ngayon. Napatili ako sa sakit at sinusubukan kong alisin ang pagkakahawak niya sa aking buhok ngayon. “Irish, bitawan mo ang buhok ko!” sigaw ko. Walang umaawat sa amin ngayon. Sa katunayan nga ay pinapanood lang kami ng mga kaklase namin at may kumukuha rin ng mga videos, at ang iba naman ay nagtatawanan. “Maldita ka! Dapat hindi ka na pumunta dito eh! Salot ka!” galit niyang sabi habang sinasabunota ng buhok ko. Dahil hindi ko na siya maawat, hinila ko na rin ang kanyang buhok ngayon at ginawa ko lahat ng makakaya ko upang matulak ko siya palayo sa akin. Hanggang sa nagawa ko, naitulak ko siya palayo sa akin at dahil sa pwersa ng ginawa kong pagtulak ay napahiga siya ngayon sa sahig… at tamang-tama rin ‘to sa pagpasok ni Emilio sa classroom… nakita niya ako na tinulak si Irish. “Irish!” sigaw niya at patakbo siyang lumapit kay Irish ngayon na nakahiga na sa sahig. Nang makalapit si Emilio sa kanya ay bigla na lang nag iba ang mukha niya at naging pabebe na naman at nagsimula siyang umiyak na para bang ako ang naunang sumabunot sa kanya. “F-Fidel, sinabunutan ako ni Aubrielle! Tinulak niya rin ako! Galit siya sa akin dahil lagi kang nakadikit sa akin! Nagseselos siya!” sumbong ni Irish ngayon kay Emilio habang umiiyak siya. Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat ng sabihin niya iyon kay Emilio. Mabilis akong napailing at nagsalita ako. “H-Hindi totoo ‘yan! Siya ang naunang na nabunot sa akin, Emilio! Saksi ang mga kaklase natin ngayon!” sabi ko at napatingin sa iba naming mga classmates, pero bigla na lang akong nanlumo ng makita kong umiwas sila ng tingin sa akin at napailing sila. Mas kinakampihan nila si Irish kahit na ito ang nauna kaysa sa akin. Tinulungan na ni Emilio na tumayo ngayon si Irish. Humarap sa akin si Emilio at humakbang siya palapit sa akin. Malamig ang ekspresyon sa kanyang mukha ngayon habang nakatingin sa akin. Ako naman ngayon ay pinipigilan ang luha ko ngayon na tumulo. Mahapdi na ngayon ang pisngi ko, masakit na rin ang katawan ko at pati na rin buhok ko—lalo na ang damdamin ko. “E-Emilio…” mahina kong banggit sa kanyang pangalan. Nagulat na lang ako ng bigla niyang hinawakan ang aking kamay. “Let’s talk outside,” malamig niyang sabi at bigla niya na lang akong hinila palabas ng classroom. Kita ko ang gulat sa mga mukha ng mga kaklase ko ngayon sa ginawang paghila sa akin ni Emilio, lalo na si Irish na tinawag pa ang pangalan ni Emilio ngayon. “Fidel! Fidel, saan kayo pupunta?!” malakas na sabi ni Irish, pero hindi siya sinagot ni Emilio at nagpatuloy lang kami sa paglalakad namin ngayon. Hindi ako nagsasalita habang hinihila ako ngayon ni Emilio. Pero nagulat na lang ako ng makita ko kung saan niya ako dinala ngayon… sa clinic. Humarap sa akin si Emilio at nagsalita siya. “May dugo ang mukha mo. Kailangan nating gamutin ‘yan bago pa magka infection.” TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD