TMSA: 6

1625 Words
THE MAYOR’S SINFUL AFFAIR KABANATA 6 AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. TOTOO NGA… kapatid ko si Mia. I asked Mom about this, at kinompirma niya sa akin na kapatid ko si Mia sa ama, pero hindi ko dapat sabihin sa ibang tao ang tungkol dito. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko na may kapatid pala ako sa ama. Nahihirapan ako, pero alam ko na mas nahihirapan si Mia sa sitwasyon niya ngayon lalo na’t hindi siya tanggap ng mga tao dito. Kailangan na may isang tao na tumanggap sa kanya… at ako dapat ‘yun. “Mia?” tawag ko sa kanya. Nandito kami ngayon sa mall, bumibili ng mga gamit para sa pasukan. Three days na lang kasi ay magsisimula na ang pasukan sa community college. At final na rin, susundin ko ang utos ni Dad na Education ang kunin ko at major in Social Studies ang kukunin ko. Ang reason ni Dad sa akin ay pwede ko na rin itong gawin na pre law course para makapasok ako sa law school sa susunod pagkatapos ko ng four years sa college. Hindi ako makapaniwala na ipapasok pa rin ako ni Dad sa Law School kahit na ayoko naman. Malayo pa naman ‘yun, may four years pa ako. Pwede ko pang mapapayag si Dad sa gusto ko na mag doctor, kahit na ako na lang gumastos para sa tuition ko… payagan niya lang ako sa gusto ko. “Yes, Brielle?” sagot ni Mia at napatingin siya sa akin ng tawagin ko ang kanyang pangalan. “Uhm, I’m sorry pala sa inasal ko kahapon…” mahina kong sabi sa kanya at bahagya akong ngumiti. Nakita ko ang gulat sa ekspresyon sa kanyang mukha ngayon ng sabihin ko ‘yun sa kanya. Bahagya pa siyang napa kurap-kurap sa kanyang mga mata at napalunok pa siya sa kanyang laway. “B-Bakit ka nagsosorry?” mahina niyang sabi. Humakbang ako palapit sa kanya at hinawakan ko ang kanyang kamay at muli akong nagsalita habang nakatingin sa kanya ngayon. “Mia, magkapatid pa rin tayo. At masaya ako na malaman na may kapatid pala ako na babae. Gusto kong iparamdam sayo na may pamilya ka pang natitira—na nandito ako… tanggap ka,” malumanay kong sabi sa kanya at muli siyang nginitian. Wala siyang kasalanan sa kasalanan ng kanyang ina at ni Dad. She’s innocent, and she needs someone now to treat her as family. “B-Brielle…” nanghihina niyang banggit sa aking pangalan. Naluluha na rin ngayon si Mia at napayuko siya at tuluyan na siyang napaluha. Lumapit ako kay Mia at niyakap ko siya. Napangiti ako at hinagod-hagod ko ang kanyang likod. “Huwag ka ng umiyak. Baka sabihin ng ibang tao na inaway kita,” pabiro ko na sabi sa kanya. Mahina siyang tumawa at pinunasan na niya ang mga luhang pumatak sa kanyang mga mata ngayon at muli siyang tumingin sa akin habang nakangiti. “Masaya ako na tanggap mo ako, Aubrielle. First time ko ‘to na maramdaman na may tumanggap sa akin sa pamilya Caballero. I tried to fit in your family, pero masyado silang masama. Nagpapasalamat ako na dumating ka… na bumalik ka sa Andalucia, Brielle. Sobrang bait mo,” nakangiti na sabi ni Mia sa akin ngayon. Napangiti rin ako kay Mia at muli ko siyang niyakap. Nagkaayos na kami ni Mia ngayon. At ngayon, magkaibigan na kaming dalawa. Hindi pa rin namin pwedeng sabihin sa ibang tao na magkapatid kami, kaya magkaibigan na lang ang ipapakilala namin sa isa’t isa kung may magtanong kung anong relasyon naming dalawa. Pagkatapos naming bumili ng mga gamit sa school, pumunta na muna kami sa food court dito sa mall sa Andalucia. Kasama namin ni Mia ngayon iyong guard na sumama rin sa akin sa pamamasyal sa parke. Nalaman ko na pala ang kanyang pangalan at si Kuya Edgar ito. Siya na rin ang magiging personal bodyguard s***h driver ko, at masaya ako dahil mabait si Kuya Edgar. Kagaya ngayon na hindi kami nilalapitan ni Mia sa aming table, pero kumakain na rin siya katulad sa amin ngayon dahil binilhan ko rin siya ng pagkain. Habang kumakain kami ngayon ni Mia dito sa may food court, natigil na lang ako sa aking pagkain at nanlalaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang papalapit sa amin ngayon at tumawag sa aking second name. “Allison!” Nakita ko ang pagkunot sa mukha ni Mia na para bang nakarinig siya ng pamilyar na boses. Nang mapatingin siya sa kanyang likod ay napa singhap siya sa gulat ng makita niya si Emilio na papalapit sa amin. “Hala! Si Fidel! Magkakilala kayo, Aubrielle?!” hindi makapaniwala na tanong ngayon ng aking kapatid na si Mia. Tuluyan ng nakalapit sa amin si Emilio at umupo siya sa aking tabi ngayon dahil iyon lang ang bakante dahil doon sa side ni Mia nakalagay ang mga gamit na binili namin kanina. “E-Emilio, ikaw pala…” hindi ko makapaniwala na sabi sa kanya at nginitian ko siya. Ngumiti siya sa akin at tumango. “Yes! Nakita kita eh, kaya lumapit na ako,” sabi niya sa akin at napatingin siya kay Mia na may gulat na ekspresyon pa rin sa mukha. Nanlaki naman ang mga mata ni Lio ng mapatingin siya kay Mia na para bang magkakilala na sila dati pa. “Oh! Bakit nandito ka, Mia? Magkakilala kayo ni Ali?” tanong ni Lio ngayon sa kapatid ko. Bigla akong nataranta kaya bago pa makapagsalita si Mia ay naunahan ko na ito ngayon. “M-Mag bestfriend kami ni Mia! Siya ang tumulong sa akin dito sa Andalucia kaya magkasama kami ngayon dito. Wala kasing ibang Dizon dito kundi ako lang,” pagsisinungaling ko kay Emilio tungkol sa pagkatao ko. Nang mapatingin ako kay Mia ay nakita ko na nanlalaki ang mga mata niya ngayon habang nakatingin sa akin na para bang sinasabi niya na anong pinagsasabi mo?!... parang ganun look. “Oh! Kaya pala. Hindi mo naman kaagad sinabi sa akin na may magandang best friend ka pala, Mia!” nakangiti na sabi ni Lio ngayon at muli itong napatingin sa akin kaya ngumiti na rin ako sa kanya. “M-Magkakilala kayo?” tanong ko sa kanilang dalawa. Ngayon ay nakakapagsalita na talaga si Mia. “Magkababata kami ni Fidel. Magkapitbahay lang kasi kami noon kaya nakakalaro ko rin siya noong mga bata pa kami,” sagot ni Mia sa tanong ko. Napatango naman si Lio sa sinabi ni Mia at sumang-ayon. Nakita ko na napatingin si Emilio ngayon sa pinamili namin at muli siyang nagsalita habang nakaharap sa akin ngayon. “Naghahanda na kayo sa pasukan? Sa Andalucia Community College ka rin ba mag-aaral, Ali?” nakangiti na tanong ni Emilio sa akin ngayon. Napalunok ako sa aking laway at wala akong magawa kundi ang tumango. “Y-Yes,” mahina kong sagot. Nakita ko ang kislap sa kanyang mga mata ng sabihin ko ‘yun at muli siyang nagsalita. “Really? Wow! Magkikita pala tayo doon. Anong course mo?” “Bachelor of Secondary Education Major in Social Studies,” sabi ko ngayon sa course ko sa kanya. Muling nanlalaki ang kanyang mga mata ng sabihin ko sa kanya ang kurso na kukunin ko sa college. “Talaga?! Magkaklase pala tayo nyan, Ali! Wow! Ang liit talaga ng mundo natin. See you sa pasukan! Alis na pala ako… may pupuntahan pa pala ako, Ali, Mia. Bye!” sabi ni Emilio at umalis na siya ngayon sa table namin at patakbo na siyang umalis. Nang makaalis si Emilio sa table namin ay napadaing na lang ako ng bigla akong tampalin sa akin braso ni Mia kaya napatingin ako sa kanya habang nanlalaki ang mga mata ko. “Why did you do that?!” hindi ko makapaniwala na tanong sa kanya habang nakahawak sa braso ko. “Bakit ka nagsinungaling kay Fidel, Aubrielle?! Anong sinabi mo… isa kang Dizon? Hindi ka nagpapakilala bilang Caballero—” “Shh! Baka marinig ka ni Lio!” pagputol ko sa sasabihin ni Mia at napatingin ako sa paligid. Buti na lang talaga at walang nakarinig sa sinabi ng kapatid ko ngayon. “Aubrielle…” Muli akong napatingin kay Mia at kita ko ang lungkot sa kanyang mukha ngayon at nagsalita siya muli. “Alam kong may gusto ka kay Fidel kaya nagawa mong magsinungaling sa kanya. Pero mas lalo ka lang mapapasama sa ginawa mo. Maliit lang ang mundo niyo dito sa Andalucia. Hindi mo habang buhay maitatago kay Fidel na isa kang Caballero. Malalaman niya na nagsisinungaling ka sa kanya,” nag-aalala na sabi ni Mia sa akin ngayon habang nakatingin pa rin siya ng malungkot sa aking mga mata. Umiwas ako ng tingin sa aking kapatid at nakaramdam ako ng konting kirot sa aking puso ngayon at mariin akong napapikit sa aking mga mata at huminga ako ng malalim. “Bahala na… gagawan ko na lang ng paraan kapag nalaman niya na nagsisinungaling ako,” mahina kong sabi kay Mia bago ako muling tumingin sa kanya. Umiling-iling siya habang nakatingin sa akin at muli siyang nagsalita. “Galit na galit siya sa mga Caballero, Aubrielle. Alam mo bang nilayuan niya rin ako nang malaman niyang sa mga Caballero ako nagtatrabaho ngayon? Hindi na siya nagtitiwala sa akin kahit na nagpapansinan pa rin kaming dalawa. Kung may isang tao na galit na galit sa mga Caballero… si Fidel iyon,” seryoso na sabi ni Mia sa akin ngayon. Nakaramdam ako ng sakit at lungkot sa kanyang sinabi. Muli siyang nagsalita na mas lalong ikinasakit sa dibdib ko. “Kaya habang maaga pa, mag move on ka na kay Fidel, Aubrielle. Hinding-hindi ka niya magugustuhan once malaman niyang isa kang Caballero. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD