TMSA: 9

1621 Words
THE MAYOR’S SINFUL AFFAIR KABANATA 9 AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. HINDI KO ALAM kung paano ko haharapin ulit si Emilio at ang mga kaklase ko sa nangyari kahapon. Alam na nilang lahat na isa akong Caballero, at wala ni isa sa kanila ang may gusto sa akin… lalo na si Emilio na akala ko ay magiging kakampi ko na. “Ayan ni si manloloko!” Nang makapasok ako sa classroom ay narinig ko na ang pagsigaw ng kaklase ko, at alam ko na ako ang tinutukoy nila na manloloko. Wala naman akong pakialam sa kanila eh. Ang pakialam ko ngayon ay si Emilio. Pagtingin ko sa upuan sana namin na magkatabi ni Emilio ay wala na siya doon, nasa may harapan na siya at katabi niya si Irish. Hindi ko mapigilan na manlumo sa aking nakita, lalo na ng makita kong nakakapit si Irish ngayon kay Emilio. Napatingin sa akin si Irish at ngumisi siya. Tumayo siya at lumapit talaga siya sa akin ngayon habang nakangisi. “Ang kapal naman ng mukha mo para bumalik pa dito!” sabi ni Irish sa akin. Hinintay ko na tumingin sa amin si Emilio, pero hindi… nakatingin lang siya sa libro na binabasa niya ngayon. Wala na talaga siyang pakialam sa akin. Huminga ako ng malalim bago ako tumingin kay Irish na nasa aking harapan na ngayon. “Bakit naman hindi? I enrolled in this school, Irish. May karapatan din ako para mag-aral dito,” seryoso ko na sabi sa kanya. Tumawa siya at tumawa rin ang mga alipores niya ngayon bago muling tumingin sa akin at nagsalita. “Bakit pa? Mayaman naman kayo diba? Kaya mong mag-aral sa mga international schools! Bakit dito mo napili na mag-aral sa community college? Ah! Alam ko na, bagong pakulo ‘to ng mga magulang mo no? Malapit ka kasi ang eleksyon!” nakangisi na sabi ni Irish at muli siyang tumawa. Tinignan ko siya ng masama ngayon at nagsalita muli ako. “Wala kang alam, Irish. Pwede ba, hayaan mo na lang ako. Ang pag-aaral mo na lang ang atupagin mo,” inis kong sabi at umalis na ako sa kanyang harapan at umupo na sa pinakalikod na upuan ngayon. May katabi ako sa aking upuan, pero ng makita niya na ako ang katabi niya ay nagmamadali siyang umalis at lumipat. Hindi ko mapigilan na makaramdam ng disappointment dahil wala talagang gusto na tumabi sa akin. Pero okay lang, makakapagtapos naman ako ng pag-aaral kahit na wala akong kaibigan. Kaya ko naman ang sarili ko. Huminga ako ng malalim at inayos ko na lang ang aking pagkakaupo ngayon at hindi ko na iniisip pa ang tungkol sa mga kaklase ko. Dumating na rin ang professor namin kaya nag focus na lang ako sa pakikinig ngayon sa klase at hindi ko na sila iniisip pa. Nang matapos ang klase ay sabay pa rin kaming umuwi ni Mia at nagkita lang din ulit kami sa sasakyan. Nakita ko na napakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin. “Okay ka lang ba, Aubrielle? May umaway na naman ba sayo?” tanong sa akin ni Mia. Tumingin ako sa aking kapatid at mabilis akong napailing. “Wala! Okay lang ako, Mia. Uhm, bago tayo umuwi ng bahay, kain muna tayo ng ice cream?” anyaya ko sa kanya. Seryoso lang ang tingin niya sa akin ngayon pero napatango rin siya at pumayag siya sa aking sinabi. Bago kami tuluyan na umuwi ay naghanap na muna si Kuya Edgar ng mapagbibilhan namin ng ice cream ni Mia. Nilibre ko na silang dalawa ni Kuya Edgar at kumain din kami ng street foods ngayon. Gusto ko munang kumain bago ako umuwi ng bahay dahil ang bigat talaga ng dibdib ko ngayon at para na akong sasabog. Nang makauwi ako ng bahay at makapasok ako sa loob ay agad kong nakita si Mommy sa may living room kaya napatigil ako sa aking paglalakad. “Aubrielle, anak!” tawag sa akin ni Mommy at lumapit siya upang yakapin ako. Niyakap ko rin siya pabalik ngayon. “Kumusta ka sa klase mo, anak?” tanong ni Mommy sa akin ng matapos kaming magkayakapan dalawa. Nakita ko na hindi pa nakapag bihis si Mommy at alam ko na galing pa siya sa munisipyo. Si Dad ay hindi ko pa rin siya nakikita hanggang ngayon. Busy rin kasi talaga siyang tao at kung saan saan na lang siya pumupunta. Lumapit ako kay Mommy at hinalikan ko siya sa kanyang pisngi. “Magandang hapon po sa inyo, Mom,” bati ko sa kanya. Hinawakan ni Mommy ang magkabila kong pisngi at kumunot ang kanyang noo habang nakatingin sa aking mukha ngayon. “Bakit ang tamlay ng mukha mo, Aubrielle? Wait lang, may umaway ba sayo sa campus niyo?” alala na tanong ni Mommy sa akin. Bahagya akong nagulat sa naging tanong ni Mommy sa akin. Mabilis naman akong umiling at ngumiti ako sa kanya at nagsalita ako. “W-Wala pong umaway sa akin doon, Mom. Ang bait nga nila sa akin eh,” nakangiti kong sabi kay Mommy ngayon. Ginawa ko talaga ang lahat para hindi maghinala sa akin si Mommy. Naniningkit ang kanyang mga mata ngayon habang nakatingin sa akin. Tinaasan niya rin ako ng kilay ngayon at nagsalita siya muli. “Totoo ba talaga ‘yan, Aubrielle Allison? Kilala kita, anak,” seryoso na sabi ni Mommy at hinawakan niya ang magkabila kong kamay. Huminga ako ng malalim at bahagya akong ngumiti at nagsalita ako. “Naninibago lang siguro po ako, Mommy. Pero alam ko po na masasanay rin po ako,” mahina kong sabi sa kanya. Ngumiti siya sa akin at tumango. “Basta kung may problema, sabihan mo lang ako, okay?” sabi ni Mommy at niyakap niya ako. Niyakap ko pabalik si Mommy at napapikit ako sa aking mga mata. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na ayoko na… na ayaw ko ng mag-aral doon sa Andalucia Community College. Pero magmumukha naman akong kawawa kapag nangyari ‘yun. Ayokong ipamukha kina Irish na kawawa ako. Hindi ako natatakot sa kanya. “Thank you so much, Mom.” Nang sumunod na araw ay kinondisyon ko na ang sarili ko ngayon. Kailangan ko ng maging matapang. Hindi na ako mag paapekto sa mga kaklase ko. Pagkarating ko sa loob ng classroom ay biglang na tahimik ang lahat ng makita nila ako. Nang mapatingin ako sa inupuan ni Emilio ay bigla kaming nagkatinginan dalawa. Bahagya pa akong natigilan, pero nang umiwas siya ng tingin sa akin ay yumuko na lang ako at dumiresto na sa aking upuan sa likuran. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang aming professor ngayon. Nagsimula na siyang magturo sa amin hanggang sa may binigay siya na project sa amin ngayon at dapat by partner. Agad na umingay ang klase at naghahanap na ng mga partners ang mga kaklase ko. Nang mapatingin ako sa pwesto ni Emilio at nakita ko siya na kinakausap na ni Irish ngayon. Mukhang sila pa ang magiging magkapartner. Napatingin ako sa iba kong mga kaklase at walang gustong makipag partner sa akin ngayon. Huminga naman ako ng malalim at tinanggap ko na ang kapalaran ko. Kaya ko namang gawin mag-isa ang project eh, walang problema sa akin. “Silence, class!” Tumigil ang ingay sa loob ng classroom ng sumigaw ang aming professor. Napataas siya sa kanyang kilay at nagsalita siya. “I don’t like the way you find your partners! Ako ang pipili ng magiging partners niyo!” sabi ng professor namin at bigla na namang umingay ang klase dahil tutol sila sa sinabi ni Ma’am. Ako naman ay tahimik lang sa aking kinauupuan dahil wala naman akong pakialam sa kanila eh. Kung sino man ang magiging partner ko, okay lang ako. Basta tumulong lang siya sa akin, pero kung hindi naman… okay lang din, hindi ko na lang siya ililista. “Ramos and Gonzaga!” Nagsimula na ngayon ang professor namin sa pagtawag ng mga magiging partners sa project ni Ma’am. At ako naman dito ay hinihintay lang na tawagin ang pangalan ko at ng magiging partner ko. “Caballero and Valencia!” Nang marinig ko ang apelyido ko at ang apelyido ni Emilio ay hindi ko mapigilan na magulat at manlaki ang mga mata. Nakita ko rin ang ibang mga reaksyon ng mga kaklase ko at gulat silang lahat—lalo na si Irish na nagtaas ng kamay kaya napatigil si Ma’am sa kanyang pagsasalita at napatingin siya kay Irish. “Yes, Miss Gonzaga?” Tumayo si Irish at nagsalita siya. “M-Ma’am, pwede ba na ako na lang ang partner ni Fidel?” mahinang sabi nito. Pasimple na napataas ang kilay ko ng marinig ko ang sinabi ni Irish. Mukhang crush na crush niya rin talaga si Emilio huh? “At bakit naman, Miss Gonzaga? May problema ba sa pairing ko ngayon?” masungit na tanong ni Ma’am Catubig kay Irish. Mabilis na napailing si Irish at umupo na lang siya. Nakakatakot din kasi itong professor namin ngayon eh. Kaya rin siguro hindi nakakapagsalita ulit si Irish at sinabi ang rason niya kung bakit gusto niyang maging ka-partner si Emilio. “That’s final, si Miss Caballero at si Mr. Valencia ang magiging magka partner!” sabi ni Ma’am Catubig at muli siyang nagpatuloy sa kanyang pag pairing sa mga kaklase namin. Napalunok ako sa aking laway at napasulyap ako kung nasaan ang pwesto ni Emilio at laking gulat ko na lang ng makita ko siyang nakatingin na rin sa akin ngayon. Biglang lumakas ang t***k ng aking puso kaya ako na ang unang umiwas sa kanya at pasimple akong napahawak sa aking pisngi ng nararamdaman ko ang pamumula nito. Paano ko lalapitan si Emilio? Kinakabahan ako! TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD