HOPE Mainit na ang tama ng araw pero napakasariwa pa rin ng hangin na pumapasok sa loob ng aking silid mula sa nakabukas na sliding door sa verenda. Nakakatamad, nakakaantok ang panahon, pero relaxing naman at the same time. Padapa akong nakahiga sa gitna ng kama, nakatagilid ang mukha kong nakapatong sa unan. Nakapikit ang aking mga mata, may nakasalpak na headphones sa aking magkabilang tainga. Sumasabay ang aking huni sa daloy ng musika. Hindi naman gaano kalakas ang volume, sapat lang para marinig ko pa ang malakas na hampas ng tubig dagat mula sa dalampasigan. Papasuko na ang aking mga talukap, alam kong ilang sandali na lamang ay hihilahin na rin ng antok ang diwa ko. Pero bigla akong napamulat nang may humalong ugong sa kantang aking pinakikinggan. Tinanggal ko ang he

