HOPE "Pati ba sa pagligo ko gusto niyong sumama?" angil nang tila susunod pa rin sila kahit alam naman na papunta ako ng talon. "Tatawagin ko kayo, kapag kailangan ko ang tulong niyo," mariin at masungit kong sabi. Nagtingin sila at nagkatinginan. "Pero, Young Miss ang bilin sa amin-" "Utang na loob! Maliligo ako sa talon, gusto niyo bang manuod habang naliligo ako? Hindi ako sigurado kung magugustuhan iyan ni Kuya Sin," pakli kong sabi. Though, alam ko naman na nasunod lamang ang mga ito sa utos. Napapakamot na lang dalawa habang nakasunod ang mata sa akin habang papalayo. I gasped. Mariin kong naipikit ang aking mga mata habang habang unti unting binabalot ng lamig ng tubig ang aking katawan. Napatibgala ako at sinasalo ng aking mukha ang bagsak ng malamig na tubig mula sa

