HOPE There's something about Robie and this Sebastian that everyone seems to scared about. Hindi ko matukoy pero, napansin ko ang lakas ng presensya ng dalawa kay Papa, pati rin sa mga kaibigan ni Kuya. Ang mga personal na bodyguards ng dalawa ay pawang mga alerto rin at bawat kampay ng daliri ni Robie ay agad silang nakaantabay. Sa mahabang mesa at malawak na dining ay tahimik akong nakatungo sa aking pinggan. Daig ko pa ang taong nilayasan ng sariling pag-iisip. Hindi alintana ang boses ng mga bisita mula sa kaniya-kaniyang usapan na siyang humahalo sa kalansing ng mga kubiyertos. Ni wala akong maintindihan sa kanilang mga pinag-uusapan. Kung hindi nga lamang magiging malaking usapin sa pagitan namin nila Papa at Kuya, baka kanina pa ako tumayo at umalis. Nawalan na ako

