TASHA Lutang ang isip kong napasunod na lamang sa mabilis na lakad ni Lucio. Hindi ko alam kung saan ba talaga ang tungo namin. Pero ramdam ko ang labis na pagmamadali at kaseyosohan sa bawat kilos ni Lucio. "L-lucio, hindi ko na kaya. Pagod na pagod na ako.." Ang hingal kong sabi. Makaraan ang mahabang sandali na lakad, takbo kami sa madilim na kagubatan. "Tasha, hindi tayo nakakasiguro na walang nakasunod sa atin. Kailangan kitang dalhin sa lugar na sinasabi ni Bossing. Doon magiging ligtas ka. Doon ka rin niya pupuntahan." Ang 'di kababakasan ng biro'ng anito. Alam kong pagod na rin siya. Dinig ko rin ang bawat hingal niya. "Paano kung hindi siya makasunod? P-paano...kung-" Napahagulhol na ako. Isipin ko pa lamang na hindi ko na ito makikita ay parang hindi ko talaga makaka

