TASHA Mula nang manggaling rito sila Eunice at Red ay naging tahimik si Zat. Madalas ko nga rin na makita siyang natitigilan, at malalim na nag-iisip. Kapag tinatanong ko naman kung mayroon bang problema, ang laging sinasagot niya ay malayo sa tanong ko. At walang oras na pinapaalala nito sa akin kung gaano niya ako kamahal. Nami-miss ko na sila Tatay, Nanay at ang mga kapatid ko. Sinira ni Zat ang cellphone ko noong nagalit siya sa akin, dahil sa selos niya kay Reynald. Ah, Si Reynald nga pala? Bigla ko siyang naalala... Nag-aalala pa rin ako kay Reynald. Saglit ko lang siyang nakalimutan dahil sa gulong nangyari sa amin. Ano na kayang balita sa kanya? Nahanap na kaya nila siya? Sana naman ay nakauwi na siya sa kanila. Tanungin ko kayang muli si Zat, kung anong balita na sa

