TASHA Tanghaling tapat na ngunit hindi pa ito lumalabas ng silid niya. Kanina pa ako tapos sa ibang gawain ko sa mansyon. At tanging kuwarto lamang nito ang natitirang trabaho ko sa pang-umaga. Nagdadalawang isip ako kung kakatokin ko na ba ito at gigisingin o, aantayin ko na lamang hanggang sa magising ito at makababa? Hindi ako makapag-desisyon. Pero naisip ko, paano kung masama ang pakiramdam nito? Paano kung nilalagnat, natrangkaso? Baka mamaya n'yan, tumitirik na pala ang mata niya wala pa kaming kamalay-malay! Pero dadapuan ba ng sakit 'yong taong iyon? Sa ugali nu'n kahit siguro sakit mangingilag sa kan'ya e! Kailan man ay hindi ko pa nararanasan ang pumasok sa kuwarto nito nang tulog pa siya. Sinisiguro ko lagi na gising na ito at wala na sa kan'yang silid bago ko

