TASHA "Irog ko, nilalagnat na naman ako," ang pagdradrama na naman nito pagkapasok ko pa lang ng kuwarto niya. Nakanguso sa akin ito na parang bata at nakabalot na naman sa comforter nito. Napasimangot ako. Nangangamoy bawang ang buong kuwarto niya! Tinignan ko siya ng masama saka inirapan. Kung ano-anong kalokohan ang naiisip talaga ng gurang na ito para makapagpapansin lang e. "Tumayo ka na nga d'yan. Nangangamoy bawang ka na naman. Igigisa na talaga kita!" ang inis kong sabi sa kanya. Nakita ko ang pag-ngisi niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Biglang nalusaw ang ngisi niya at napanguso ulit. Medyo napipikon na rin ako sa pagiging isip bata nito! Noong nakaraan ay halos mapaniwala talaga ako nito na muli siyang timaan ng lagnat. Pero ang gag* sandamakmak na bawang pala an

