TASHA Kanina pa siya dito sa silid ko. Nang ilapag niya ako sa aking higaan, kasunod noon ay ang pag-upo niya sa tabi ko. Nakasandal ang likod niya sa head board ng kama ko. Habang nakaunat naman ang mga binti nito. Malaki ang kama ko para sa akin. Pero sa nakikita ko ngayon, naging sobrang liit nu'n para kay Senyorito Zat. Naging sunud-sunuran na lamang ako sa gusto niyang gawin. Nang kabigin niya akong muli sa dibdib niya payakap ay hindi na ako umimik. Nagawa ko pang idantay ang isang palad ko sa bandang dibdib niya. Sobrang lakas ng t***k ng puso niya. Naririnig ko iyon dahil bahagyang nakadantay rin ang aking ulo sa dibdib niya. Ewan ko pero nakakaramdam ako ng kaginhawaan sa posesyon namin. Nagugustuhan ko rin ang init na nagmumula sa katawan niya. Kanina nang sa

