CHAPTER-7

1705 Words
ZATURNINO “Nasaan si Zyron?” ang dinig kong anang aking madrasta. Nasa harapan kaming lahat ng hapagkainan nang tanghaling iyon bukod kay Zyron. “Ma’am nasa library pa po at nag-aaral. Tinawag ko naman po para mananghalian pero hindi daw po kakain at walang gana.Nagpapadala na lang po ng gamot kay Tasha." Napatingin si Tasha kay Lena. Parang nagtatanong. “Ikaw daw magdala ng gamot n’ya.” Ang nakangusong sagot ni Lena sa pinukol na tingin ni Tsha sa kan'ya. Ngumiti ang madrasta ko kay Tasha. “Please Tasha, could you bring my son a med?” ang nakangiting anito. Binalingan n'ya ang madrasta ko. Tipid itong ngumiti at tumango. Humigpit ang hawak ko sa aking kubyertos. May pa-request pa talaga kung sinong magdadala ng gamot niya? Si Tasha pa talaga? Ayos din pumili, ang bonjing! Nakakapikon! Napakunot ang noo ko nang pagdaan ni Tasha ay may dala na itong isang tray ng pagkain. Tang*na gamot lang ang hiningi e, dinalhan pa ng pagkain?! Parang gusto ko na rin magkasakit! “Ang sabi, gamot lang 'di ba ? ‘’ ang walang buhay kong tanong habang sa pinggan ko nakatingin. Maingay ang naging tunog ng aking kubyertos. Pero naramdaman kong napahinto siya. Naramdaman ko rin na napatingin sa akin si Zackie at ang aking madrasta. Nagpatuloy lang ako sa pagkain. ‘’Kapag si Tasha ang nagdala ng pagkain, hindi ‘yon matatanggihan ni kuya Zyron.’’ Napahinto ako sa pag-nguya at napatiim bagang ako sa narinig. Tumawa ng mahina si Zackie. Nakangiti rin ang madrasta ko. Napatingin ako kay Tasha na namumula ang magkabilang pisngi. Magalang na nagpaalam na ito. Hindi ako mapakali! Nang makaalis siya ay agad kong tinapos ang pagkain ko, at sinundan siya sa taas kung saan ang library. Naging dahan-dahan ang bawat kilos ko. Iwas na iwas akong makalikha ng ingay. Magmumukha akong tanga sa kapatid kong bonjing kapag nakita niya akong nakikinig ng palihim at nagtatago sa gilid ng pinto. Nakumbinsi nga niya ang bonjing kong kapatid para kumain! Tsk! "Bini-baby mo ako, mamimihasa ako n'yan." Tumawa pa ito. Kunwari pa ang bonjing pero gustong -gusto naman! “Gusto mo subuan pa kita e,” ang dinig kong alok pa ni Tasha! Seriously? Kapag nag-Oo ang bonjing na 'yan talagang bubulabugin ko sila. Nanatili lang ako sa gilid ng medyo nakasiwang na pinto. Paminsan-minsan ay sumisilip ako, na parang tanga ! 'Ni hindi ko mahagilap sa isip kung bakit ko nga ba ito ginagawa! Basta ayaw ko ang idea na magkasama sila! Lalo na sa isang silid, na sila lang dalawa! Mataman akong nakikinig sa pag-uusap nila. At paminsan-minsan ay tumitingin sa paligid at baka may makapansin sa akin! Magmumukha akong katawa-tawa 'pag nagkataon! Panay ang tawa ni Bonjing! Halatang nag-e-enjoy sa presensya ni Tasha! Paminsan-minsan ay napapatiim bagang ako sa mga banat niya. Alam ko nagpapa-cute siya kay Tasha! Ewan ko lang kung makangiti ka pa ng ganyan kapag naging akin siya! Napangisi ako. "Ano bang preference mo sa isang lalake?" biglang kumalabog ang dibdib ko. Nagulat nga rin ako sa naramdaman ko. Wala akong kinakatakutan. Wala pang sino man ang nagpakabog sa dibdib ko. Pero parang nakaramdam ako ng takot sa maaring maging sagot niya. Tinalasan ko ang pandinig ko. Gusto ko rin malaman kung ano ba ang gusto nito sa isang lalake. "Wala, ang bata ko pa no! Hindi ko pa iniisip 'yan!" ang dinig kong protesta niya. "Sige na. Tell me," He encouraging her. Wala akong narinig na sagot. "Mas gusto mo ba 'yong charming? 'Yong seryosong matalino, kaya?" Tang*na seryosong matalino daw ang p*ta! Yeah right! Parang hindi ko alam na pa-good boy ang bonjing sa loob ng bahay, pero magkabilaan din ang babae nito. "O, bad boy? 'Yong nakaka-intimidate? may tattoo kaya at naninigarilyo-" Proud akong napangisi alam kong ako ang tinutukoy niya sa parting iyon. "Yucks ka! Parang tanga talaga 'to! ayaw ko ng may tattoo no! Naninigarilyo pa? Ang baho kaya n'un, yucks!" Literal na napanganga ako sa kan'yang reaksyon! What did she just say? Yucks? Ang baho? Ako? Bigla akong napahinga sa palad at inamoy iyon! Tang*na hindi naman a! Isa pa, wala pang babaeng nagsasabi na mabaho ako! Malinis ako sa katawan! At kahit naninigarilyo ako ay sinisiguro kong malinis ang aking bibig. Regular din ako sa pagbisita sa dentist-- Putcha gala! Bakit ko ba kailangan ipaliwanag ang sarili ko? Nag-igting ang mga panga ko nang marinig ko ang malulutong na tawa ng bonjing kong kapatid! Aliw na aliw sa pamimintas sa akin ni Tasha. Humanda ka lang babae ka! Baka pag natikman mo na ang labi at dila ko ay hanap-hanapin mo na! "So ayaw mo sa kuya ko?" bigla akong napaderetso ng tayo at naging alertong muli ang pandinig ko. Wala akong narinig na sagot. "Natatakot ka ba sa kan'ya?" napakagat ako sa aking labi. Ano na? Sumagot ka na! "Natatakot ka ba sa kan'ya?" ang dinig kong tila untag nito kay Tasha. "Hindi no! Naiinis lang ako sa kan'ya! Lagi kasi siyang nakasigaw, natataranta ako! Pero hindi ako takot sa kan'ya!" bakas na bakas ko sa boses niya ang matinding inis. Muling nag- igting ang panga ko! Alam ko naman na natatakot talaga ito sa akin! Sa mga kinikilos ko! But this fvcking feeling was really new to me! I don't even know how to deal with it! Gusto ko man ipakilala ang sarili ko bilang isang mabait na lalake, but that's not me! Hindi ko maiwasang magtaas ng boses at magalit sa tuwing may kausap itong ibang lalake! I hissed! Now, I'm more frustrated! Paano ba maging mabait? Paano niya ako mapapansin? Paano ko siya mapapaamo? Mahabang patlang ang nagdaan. Inantay kong isa sa kanila ang muling magsalita pero wala akong narinig! Sumilip ako. Nanlaki ang mga mata ko, kasabay nang pagkuyom ng dalawang palad ko. Magkadikit ang mga mukha nila. I can't totally see it! But s**t! Are they kissing? Putang*na! Nawala ako sa sarili. Nang bigla akong nilokob ng damdamin na hindi ko rin alam kung saan nagmumula! Ganito ang nararamdaman ko kapag naririnig kong panay ang puri ni Daddy sa dalawa niyang anak, pero sa akin? Am I jealous? I shookt my head! I was fvcking mad of what I saw! Parang hindi ko kayang tanggapin! Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at hindi na ako nakapag-isip pa! I striked the door with my strong fist! I hit it two times! And furiously stormed away! Pumasok ako sa kuwarto ko! Pinipilit kong kinakalma ang sarili ko pero lalo lang nagpupuyos ang damdamin ko sa galit nang ilang beses ko siyang tinanaw sa hallway ay hindi pa rin siya lumalabas sa silid aklatan! Kalma Zat. The last time na nasaktan mo si Zyron ay pinabugbog ka ng Daddy mo sa mga tauhan niya! Pagpapaalala ng isip ko. But I can't stand it! Wondering what else they could be doing?! Fvck! I went out of my room with my still panting chest! My eyes been darker when I finally saw her. Her face look confused of whatever reason! Hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin! I put my anger on the center! And that's the important on that moment! "Senyorito, may kailangan po ba kayo?” ang kahihimigan ng kaba n'yang tanong. Nakitaan ko ulit ng takot ang kan'yang mga mata. Umiwas siya ng tingin sa akin. Lalong nakadagdag 'yon sa galit ko! Bakit kapag kay Zyron, pati ang mga mata niya nangiti! Bakit sa akin hindi niya kayang gawin 'yon?! Awtomatikong umangat ang kamay ko at dinakma siya sa kan'yang braso! Hinila ko siya papasok ng silid ko. Ayaw pa rin tumila ng galit ko! Habang paulit-ulit na nagre-replay sa isip ko ang nakita kong tagpo! Pagkatapos kong kunin ang tray sa kamay niya at ilapag iyon sa kung saan ay agad ko siyang hinawakan sa magkabila n'yang balikat at isinalya sa dingding. Napangiwi siya! Nasaktan ko ba siya? It made me frustrated even more! I want to kiss her! Savage her deliciously looking lips as her punishment! "Anong ginawa n'yo pa ni Zyron?" I asked with my gritted teeth! It was just whisper, but it weighing too much! My gaze for her was so intense, I know. "W-wala.. H-hindi kita m-maintindihan, h-hindi ko a-alam ang k-kinakagalit mo." Ang naiiyak at may panginginig niyang sagot. Muling nagbalik sa utak ko ang tila pagkakalapat ng mga mukha nila! That weird feeling striked my chest again! "Anong ginawa niyo?!" ang malakas at gigil kong tanong sabay suntok sa gilid ng kanyang ulo. Napatili at napapikit siya sa gulat at takot.. Nang muli niya akong tignan ay parang maiiyak na siya. “W-wala nga… Wala kaming g-ginagawang m-masama A-ano ba kasing p-problema mo?” Nanlaki ang mga mata niya at tuluyan na nga siyang napaiyak. "W-wala k-kaming g-ginagawang masama dinalhan ko lang siya ng p-pagkain at g-gamot." Humagulgol na siya. Nanginginig ang labi niya. Bigla akong natauhan. Heto ako't tinatakot ko na naman siya! Parang may tumarak sa dibdib ko nang makita ko ang masagana niyang luha sa magkabila niyang pisngi. Hindi pa man kami pero pinapaiyak ko na siya! Pinagdikit ko ang mga noo namin. Na-relax ako ng konte dahil sa pagkakadikit ng aming balat. I like this feeling... Ang pagkakalapit ng aming mukha. Napapakalma ako. Ang dalawang palad ko ay nakahawak sa dingding. "Huwag ka ng umiyak." Ang pagpapatahan ko sa kan'ya. Masuyo kong hinawi ang luha niya sa kanyang magkabilang pisngi. Pero imbes na tumigil ay lalo siyang umatungal. She's so cute though, and she's my baby... Pero ayaw kong nakikitang umiiyak siya. "Hussh." Ang pagtatahan kong muli sa kan'ya. "Paano ako hindi iiyak, e tinatakot mo'ko?" She bursted out! I was guilty. I know. It's my fault... I bruised the tip of our nose as I locked my eyes on her. My chest was still panting. Ipinikit ko ang mga mata at hinaplos ang kanyang mukha. I'm trying my best to calming myself down. Stopping myself from wanting her lips at that moment! Bago pa ako makalimot ay iniangat ko na ang noo ko sa kan'ya. Bahagya rin akong dumistansya. "Lumabas ka na." Ang naiwika ko. Gustong-gusto na nahahawakan ko siya at magdikit ang aming balat. Pero kung magpapatuloy ako, baka makalimot ako... I need to wait. Fvcking long 3 months!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD