TASHA Napapailing na lang ako habang pinagmamasdan siyang kumakain. Malalaki ang mga subo niya. Minsan ay inaambaan ako nito ng subo pero tumatanggi ako. Hindi naman ako gutom e, siya 'yong inaalala ko. Kakain din naman pala, nag-iinarte pa. Pagkatapos nitong kumain at uminom ng gamot ay agad kong niligpit ang mga pinagkainan nito. Kasama ang nauna nang tray na nakita ko roon na may laman pang pagkain na hindi pa nagalaw, ay ibaba ko iyon at dinala sa kusina. "Irog ko, mamaya mo na 'yan ibaba please, dito ka muna." Ang nakangusong pagmamaawa nito. Ang laki-laking tao pero kung maglambing daig pa ang bata. Tinapik nito ang ibabaw ng kama sa kan'yang tabi. Inaabot din niya ang kamay sa akin. "Mamaya na. Ibaba ko muna 'to, tsaka ako babalik agad para linisan ang sugat mo." Hi

