Screwed "Umuwi kana." Sabi niya sa akin nang makarating kami sa tapat ng kanilang bahay. Sa sobrang pagkagulantang ko sa sinabi niya kanina ay hindi ko namalayang nandito na pala kami. Papasok na siya? Sasagot na sana ako kung hindi lang kinuha ng isang magarang sasakyan ang aking atensyon. May mga kasambahay na bumukas ng kanilang malaking gate. Nakita ko ang kanilang malaking garahe at ang iilang kotseng nakapark sa loob. Nasa mga lima ata iyon. Klase klase pang brand at sobrang mamahalin. "Tres?" A soft voice called him. Napalingon na ako roon sa kotseng huminto sa tapat namin at nakita ang babaeng maganda. Is that his Mom? "Hi po, Tita!" Magiliw kong pagbati at kumaway pa. Napakurap-kurap iyong Mommy niya. "Umuwi kana." Sabi ulit ni Tres at pumasok na sa kanilang bahay. Ngumuso ak

