Beg first Maaga akong umuwi. Bumili ako ng isang kahong chocolate cake na pinacostumize ko pa para batiin si Tres. Mabilis ang aking pagpapalit ng floral dress at flats saka nagtungo sa kanilang bahay. Nakakapagtaka at hindi maingay sa loob. Alam kong hindi ako invited but I'm sure his Mom will let me in. Kaso ba't parang walang nagaganap na party? "Red?" It was Tita Tracy who opened the gate. Mukhang may lakad ito base narin sa kanyang hitsura. Wala atang araw na hindi siya eleganteng tingnan at hindi maganda. "Hi po Tita! Uhm, diba birthday ni Tres?" Tanong ko at sandaling sinilip ang kanilang loob. Walang nagaganap na party! Hindi kaya ay nasa loob ng bahay ang venue at salo salo lang ang nagaganap? Maybe a dinner? "Yes hija! May usapan ba kayo ng anak ko?" Tanong nito. Umiling ak

