Umingay bigla ang isang hindi pamilyar na tunog na alarm na nagpagising sa diwa ko. Huminga ako ng malalim at umangat para sana abutin kung ano man ang naglilikha ng ingay pero may naramdaman akong kamay na nakadagan sa may baywang ko at palad naman na nakalapat sa may braso ko. Minulat ko ng dahan-dahan ang mata ko. Napaawang ang bibig ko nang makita ko ang sarili kong nakasiksik sa may leeg ni Rome habang siya ay nakayakap sa akin maging ang kanyang mga paa ay nakadagan sa may hita ko. Matagal na segundo nang pagmasdan ko siyang payapang natutulog. Napapakunot pa ang kanyang mga kilay dahil siguro sa ingay ng alarm, pero wala akong pakialam pa para patayin ‘yon. Dinadamdam ko ngayon ang yakap ni Rome. Umagang-umaga ay sumisigaw ang puso ko sa kilig. Hinaplos ko ang kanyang panga hang

