Hindi ako naghanap ng ibang lalaki dahil siya lamang ang bukod tanging naging lalaki ko buong buhay ko. Si Benjamin, hindi ko siya tiningnan bilang isang partner ko, siya ang aking kumbaga death threat dahil sa pagmamalupit niya sa akin. Ginawa niya akong laruan at displacement ng kanyang galit sa kahit anong bagay. “Rome, hindi mo na ba ako mahal talaga?” Sa palagay ko ay bulong na lang ang nasabi ko dahil sa sobrang hina ng boses ko. “H-Hindi na ba ako?” “Hindi na,” walang halong biro at utal na dali-daling sagot niya habang nakatitig sa mga mata ko. “Paano kung ako, mahal pa kita? Mahal na mahal kita. Paano ‘yun?” Umupo siya sa table niya at ipinatong ang dalawang kamay niya sa mesa sa likuran niya. “Problema mo na ‘yon, Faye. Don’t expect that I will love you again. Sinira mo n

