First Heart Break

1108 Words
Chapter I It was in one rainy afternoon of August, how could I even forget when everything was still creeping into my veins. All the memories are still hurting and hunting  me. Sana lang madaling makalimutan, sana lang madaling mawala ang lahat ng sakit na nararamdaman ko tuwing naalala kita. “Alam mo I’ve been waiting for this very moment. Naaalala mo, August noong una tayong magkakilala ditto sa campus. Nakakahiya nga kasi you looked very aloof that day, parang ayaw mong makipag—usap kahit kanino. Buti nalang I faced my fear and talked to you.” simula ko habang nasa waiting shed tayo ng school at nagpapatila sa ulan. “You’d still remember it?” kunot ang noo mong tumingin sa akin at binalik uli sa malayo ang tanaw. “Yeah, actually all our first, naaalala ko. Siguro may first ding mangyayari ditto, and I hope everything will be fine with us after this.” I said as I cleared my throat from the lump of excitement. “May sasabihin ka ba? Ano yun? Actually, ako rin, I have something to confess.” Pagkasabi noon ay nagpakawala sya ng malalim na buntunghininga. Natigilan ako at kinabahan, pareho ba kami ng sasabihin? Will he confess that he loves me or that he felt something for me? Sa totoo lang we’ve been friends for three years. Paano kami naging close, As I’ve said earlier I made the first move. Crush ko na kasi sya mula noong unang   nakita ko sya sa quadrangle ng school naming. Naging magkaklase kami from first year college, pero naghiwalay lang kami noong second sem dahil Architecture ang course nya at Business Administration naman ang kinuha ko. Si Theodore or mas kilala syang Teddy sa school at ganoon ko rin sya kung tawagin ay hindi approachable na tao, kasi laging tahimik at very reserved ang pagkatao. Ako naman ay outgoing kaya tandem kami, sabi nga opposite attracts. Kahit madalas ako ang nagsasalita at sya lang ang taga tawa o taga oo or hindi, okay lang yun, basta ako masaya akong kasama sya. “Uyy, Teddy, ako muna ha. Dia sabi nila lady’s first, so ako muna dapat ang magsasalita.” Ang ngiti ko ay hanggang tenga kahit kabado parin ako. “Okay, it’s your turn.” Tipid nyang sagot saka tumingin sa akin nang matiim. Syempre, pingapawisan ako kahit malamig ang panahon dahil tag-ulan na. Nanginginig kong kinuha ang kanyang mga kamay saka pinisil- pisil iyon. Bahal na kayong mag-isip kung feeling nyo napakamoderno kong babae, at ako pa ang gumagawa ng first move para sa lalaking mahal ko. “Since ito yung araw na una tayong nagkakilala, gusto kong maging memorable ito para sa ating dalawa. Teddy, you know that from the very start of our being together ay alam mong mahal na kita at may nararamdaman ako sayo. Pero para kasing hindi ikaw yung tipong manliligaw o magpopropose kaya inunahan na kita.” Kabadong- kabado ang puso ko habang sinasabi ang mga litanyang iyon. Mas kumunot ang noon ni Teddy saka unti- unting bumitaw sa akin. Ang mga mata nya ay naging mailap. Hindi iyon ang inaasahan kong magiging reaksyon nya. For the past years that we’ve been together, I knew that he had something from me, too. Hindi po ako assuming pero kayo na ang magjudge. Well, napakaprotective kasi nya sa akin, nagseselos sya pag may kasama akong iba, malambing din at halos lagi kaming magkadikit, kulang na nga lang yung label sa amin na maging officially boyfriends, yun ang sabi ng karamihan sa mga nakakakilala sa aming dalawa. At that time nga, sumugal ako and I tried pushing my luck, baka sakaling tugunin nya ang nararamdaman ko. Nang bitawan nya ang mga kamay ko ay tumayo sya at humalukipkip. Ang mga sumunod na sasabihin nya ay hindi ko inasahan. “Chantalle, I’m going inside the seminary. Magpapaalam na ako sa iyo kasi this enrolment ay hindi na ako papasok sa school kundi sa seminary.” Seryoso nyang wika. Tila bomba ang mga binitawan nyang salita. Nakakabingi at nakakaubos ng dugo. Napatayo na ako at pinilit humarap sa kanya. “Pero Teddy, mahal mo ako diba? Kulang na nga lang yung label na “Boyfriends” sa atin eh, diba Teddy, you love me, too?” pagsusumamo ko sa kanya. Pinipilit kong makita ang tunay nyang nararamdaman pero bigo ako, hindi ko maarok kung ano ang nasa kanyang isipan.. “I’m sorry, wag na nating paasahin pa ang mga sarili natin. Bukas din ay tutungo na akong Tarlac.” Mahinahon pero matiim ang bawat nyang salita. “No, tell me first that you love me, too. Gusto kong marinig na mahal mo ako. Please, Teddy, say that you love me.” Naghihinagpis na ang puso ko sa pagsusumamo. “What’s the use of saying those words, Chantalle? I’m leaving and I don’t think I can respond to what you are saying.” He said with finality. Napahagulgol ako, naaawa sa aking sarili, feeling ko that time namamalimos ako ng konting pagmamahal sa kanya kahit obvious naman na sa pinagsamahan namin, he treated me more than friend. Then, I was halted when I heard his footsteps, he was leaving me, sasagupain nya ang lakas ng ulan para makalayo sa akin. Para akong tangang sumunod sa kanya, pinigilan sya ng mga yakap ko sa kanyang likuran. Hinigpitan ko ang pagpulupot ng mga bisig ko sa kanya para mas maramdaman nya ang t***k ng puso ko. “Please, don’t leave. Hindi naman magagalit ang Dios kung magmamahal ka diba kesa papasok ka sa seminary? Teddy, I really love you at ayokong maiwang mag-isa.” Sabi ko pa habang ang mga luha ay hindi ko mapigilan, katulad ng ulan nang mga oras na iyon, halos umiiyak din at di mapatahan. Humarap si Teddy sa akin at bumaklas sa pagkakayakap ko saka hinawakan nya ako sa magkabilang balikat. Nanginginig man ang aking mga kalamnan dahil sa ginaw ay binalewala ko yun, mas matindi ang pagnanais kong marinig ang mga sasabihin nya. “Chantalle, I’d never loved you. I never tried to love you coz’ it will only be unfair to you on the first place. What I only showed to you is purely friendship and I’m sorry if you assumed that I also want you.” Binitawan nya ang balikat ko saka humakbang palayo. Those words really stubbed my fragile heart. It was my first time to fall in love and also the first time to be broken hearted. My knees were trembling and I cannot move to run away from that place. I cried and I cried. Sinisigaw ko ang pangalan nya, pero hindi ko na sya makita, nilamon na sya ng dilim, at ako, naiwang halos bigo at luhaan. That day, I didn’t know if I regretted loving him, but one thing for sure, I hated him all my life dahil iniwan nya akong bugbog sa sakit ng pagkabigo sa una kong pag-ibig. I also wished not to see him anymore.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD