"U-uhh, nothing." Dali-daling nag-iwas ng tingin si Ann kay Zadkiel at humarap sa iba nilang kasama. Tahimik na pinakiramdaman niya ang kaniyang sarili. Sobrang bilis at lakas nang kabog ng kaniyang puso na para bang hinahabol ito ng kung ano. It was also beating so loudly just like the beating of the drums. It was heavy and noisy inside her. Maliban sa kaniyang puso, ang kaniyang mukha naman ay pinagpapawisan at sobrang init. Hindi alam ni Ann kung dala ba iyon sa epekto ng lalaki sa kaniya dahil sa totoo lang ay hindi naman talaga mainit dito sa sala ng kanilang bahay. Nakabukas ang aircon sa sala kaya imposible na makaramdam siya ng init. Kaya isa lang ang rason na kaniyang naiisip kung bakit nag-iinit siya ngayon at ganito na lang magwala ang kaniyang puso. It's because of Zadkiel.

