"W-what are you doing here?" nanginginig ang boses at gulat na tanong ni Lorenzo sa bagong dating na si Solomon. Natigilan si Solomon at nagulat din nang makita si Lorenzo na yakap-yakap ang anak nito na si Ann. Pagkaraan, ang gulat sa mga mata nito ay napalitan ng kakaibang galit at pagkamuhi. Mag-isa lang si Solomon at mukhang ito ang may pakana sa pagsabog kanina. "You bastard, just as I thought you're here." Solomon's seething eyes clashes with Lorenzo's gaze. Pareho ang dalawang lalaki na galit at hindi nagpapatalo. Habang si Ann ay nalilito at hindi alam kung saan ibabaling ang kaniyang paningin. She was getting in between the clashes of the two men whom she once looked up too. Tumagal ang titigan nila Solomon at Lorenzo. Ang una ring bumawi ay si Solomon. Walang emosyon na ngumisi

