"What the hell?" hindi mapigilang untag ni Ann at napatitig na lang sa nakangiwing mukha ni Wilma. Halata sa ekspresyon ng kaibigan na hindi rin ito komportable sa naging sagot sa kaniyang katanungan. Sa dami-daming puweding maging rason kung bakit naging ganoon na lang ang reaksyon ni Kevin, bakit iyon pa? Buhay siya pero pinatay naman siya sa isipan ng ibang tao. "May nagpakalat kasi noon na patay ka na raw. Na aksidente ka raw tapos pinagtakpan lang ng Lolo mo. Noon, gusto ko talagang itama mga chismis pero dahil sa pangako ko sa 'yo, pinigilan ko ang aking sarili," mahabang paliwanag ni Wilma sa kaniya. Pero imbes na maliwanagan, mas lalo lang atang sumakit ang kaniyang utak sa hindi malamang dahilan. Napabuntong hininga na lang si Ann at pinakalma ang sarili. Hindi pa rin siya maka

