Ann doesn't know what to do with her feelings anymore. Gulong-gulo na siya at hindi alam kung ano ang gagawin sa kaniyang puso na tila ayaw kumalma sa tuwing nasisilayan niya si Zadkiel. Noong una, akala niya ay simpleng paghanga lang ang nararamdaman niya para sa lalaki pero habang tumatagal, napansin ni Ann na nag-iba na ang kaniyang nararamdaman para kay Zadkiel. Noong unang beses na nakita niya si Zadkiel, kakaibang kiliti ang bumalatay sa kaniyang puso na para bang may humaplos doon. Iyon ang pinakaunang beses na naramdaman niya ang kiliti at hindi pamilyar na emosyon na 'yon sa kaniyang puso. Naging crush niya si Zadkiel. Dahil na rin siguro iyon sa mukha nito at sa kalamigan na dala ng mga mata ng lalaki. Kagaya ng mga nagdaan niyang mga nagustuhan, naging curious siya kay Zadki

