Micahella's Pov
"Ayoko nga sabi eh!Bakit ako pa!"
"Eh sa seloso ang mga boyfriend ng kagrupo natin eh!"
"Oh so ako mag adjust?!"
Nakakainis naman kasi si Sir eh lakas ng trip!Naggroup siya sa amin at nagpaactivity.And worse pa ang napili niya ipagawa sa amin eh obserbahan ang mga taong nasa paligid habang nagpapanggap ang dalawang magjowang nagaaway! Sociology kasi ang subject namin sa kanya kaya more on socializing kami.
At tinotoo ni sir na lagi kaming magkasama ni Jared sa lahat ng activities huhuhu.
"Ano bang inaarte arte mo diyan.Magpapanggap lang naman tayo diba?Unless gusto mong totohanin"
Nakangisi siyang nakatingin sa akin.
"Hoy ang kapal mo kupal ka!"
"May gusto ko sa akin noh?"
Dahan dahan siya lumalapit sa akin.Ako naman itong umaatras!
"Hoy ang kapal kapal mo ha!Hindi kita gusto hindi kita type!"
Nanlaki mata ko ng parang madudulas ako patalikod pero hinuli niya ang bewang ko at para ka kaming sumasayaw >.<
"Dahan dahan baka mahulog ka"
Ngiti ngiti siya nakatitig sa mukha ko.
"H-hoy anong mahuhulog!Never akong mahuhulog sayo!At siya bitawan mo nga ako!"
Kusa naman siyang bumitaw at tawa tawang lumayo sa akin.
"Please Mikay!"
Napatingin ako kay Jeremy na siyang naatasang maging leader namin.
"Magdodownload ako ng maraming kdrama para sayo Mikay!"
-0- kdrama!
"Talaga?!" Napatingin ako kay Joan na nakangiti sa akin.
"Yup basta pumayag kang magpanggap na magjowa ni Jared"
"Ayoko nga!"
"Meron nang new episode yung The moon diba nasa akin yun HD!"
-O- waaah!
"Deal!"
"Okay good"
Nagtawanan silang apat.Bali ang magkagroup ako,Jared,Jeremy,Joan at Noime.
"Teka nga inuoto niyo ako eh!
"Pumayag Kana eh haha!"
"Tsh cheap"
Rinig kong bulong ni Jared
"Hoy anong cheap ha!"
"Ayoko nang makapartner ito ang sama ng ugali!"
"Ang liit liit mo ang ingay ingay mo"
"An-anong maingay?!"
"Bakit hindi ba?sigaw ka ng sigaw kaharap mo naman kami"
Napapahiya akong natahimik.
***Jared's POV
Edi tumahimik ka ding maingay ka.Maganda sana kaso nakaka turn off sa kaingayan.
"Bakit kasi ako pa!Ayan si Noemi at Joan oh!"
"Seloso nga ang boyfriend ng mga yan at may sapak baka mapaaway lang tayo eh"
"Tsh!Edi kayo na May lovelife"
Natatawa akong lingunin siya.
"Bakit gusto mo bang magka-love life?Sabihin mo lang baka patulan kita"
Natatawang asar ko.
"Don't talk to me!"
Hinarang niya ang kamay niya sa mukha ko at dahil trip ko siya asarin kinuha ko ang bahay at hinalikan.
Namumula na siya sa galit!hahahaha
"Don't touch me!What the heck?!"
"Aysh magga-gabi na hindi pa tayo nakakabuo ng plano"
Reklamo ni Jeremy yung baklang group leader namin.
"Eh ikaw na lang maging lalaki Jeremy!"
"Ay wit!No no no no!"
Maarteng sabi niya.
Napatingin ako kay aling maliit
"Hey bansot"
Agad namang nanlaki ang butas ng ilong niya.Tsh pikon
"Anong bansot ?!Sinong bansot!?"
" Ikaw lang namang maliit sa atin diba?"
Natahimik na naman siya.
"Pumayag ka na kanina diba?"
"Ano pumayag?!Hoy!"
Napatingin ako sa mga kasama namin na parang pinagsukluban ng langit.Dont worry akong bahala kay aleng maliit na to!Hahaha
"Hindi ba pumayag na Siya kanina?"
Turo ko pa kay aleng maliit
"Well unless wala kang isang salita?Tsh nakaka-turn off"
"Anong hoy!"
"Sige naman na please Mikay oh"
"Maggagabi na din baka hanapin ako sa amin"
"May curfew ako"
"Baka wala na akong masakyan"
"Ayshhh!!Oo na pumapayag na ako!"
Papayag din naman ang daming arte tsh.
"Hoy ikaw!"
Tinuro ko mukha ko
"Ako?"
"Ay hindi hindi siya siya!"
Ginanayan mo na ako kaninang babae ka ah.
"Ah okay bye"
"Hoy teka sandaleee!"
"Wala pang isang segundo namimiss mo na ako"
Pang-aasar ko.
"Ano?!Ulol!"
What the hell?!Kababaeng tao nagmumura.
"Isa pang mura mo hahalikan kita"
Kita ko naman ang takot sa mata niya at napaatras siya.
"Hindi porke pumayag akong maging pekeng syota mo eh may gusto na ako sayo!Huwag kang assuming!"
Natatawa akong iling iling at lumabas sa room.
"I accept niyo friend request ko!Parang awa niyo na para maadd ko kayo sa GC!"
Rinig ko pang sigaw ng bakla pero umalis na ako.Dumiretsyo ako kung saan ko prinark ang tricycle ko pero dumaan muna ako sa malapit na tindahan para bumili ng yosi.
"Tao po!"
"Ano yun?"
"Marlboro light nga limang piso"
Bigyan niya ako ng dalawang piraso at nakisindi na rin ako nang maubos ko ang isa sinindihan ko ang isa at naglakad sa tricycle ko.
Tumambay muna ako saglit habang hindi pa ubos ang sigarilyo ko.
Nakita ko si aleng maliit na nagpapadyak sa sahig wala kasing humihintong sasakyan sa tuwing nagpapara siya.Tinapon ko ang sigarilyo sa sahig at pinaandar ang sasakyan huminto ako sa harap niya at bumusina.Halatang nagulat siya pero nakakunot ang kilay niya na magkasalubong na magkasalubong.
'Pinaglihi ba ito sa sama ng loob?Laging nakabusangot eh -_-'
"Anong kailangan mo?!"
"Drayber ako at mukhang pasahero ka "
"Ha!Hinding hindi na ulit ako sasakay sa tricycle mo!"
Nagkibit balikat ako.
"Bahala ka ikaw din.Bali balita dito maraming galang elemento at worst mga lasinggero pang dumadaanan"
Kita ko ang takot ulit sa mata niya at agad siya sumakay sa sasakyan ko.
'Tsh uto uto ka talaga'
"Halika kana uuwi na ako!"
"Hinding hindi pala sasakay ah"
Pang-aalaska ko.
"Shut up!"
Kita ko ang pawis sa noo niya nakunsenya ako bigla peste! -_-
"Don't worry kasama mo ako hindi kita pababayaan"
Halatang nagulat siya pero nakabawi siya at inirapan ako.Aba!Tignan mo tong babaeng to nagmagandang loob na nga!
Pinaandar ko ang tricycle tsaka nagsimulang bumyahe huminto ako ng may pumara.
"Oh tol ikaw pala!"
Palihim kong sinilip ang sakay ko sa likod ng bigla siya kinabahan.Masyadong nerbyosa naman ang isang ito.
Akmang sasakay siya sa loob ng.
"Tol dito ka na sa laba sumakay para makakwentuhan tayo"
"Aba oh sige sige!"
****Micahella's Pov
Hindi ko maiwasang kabahan.Magisa kong babae at worst magkakilala sila baka kung anong gawin nila sa akin huhuhu Lord huwag naman sana.
Kinuha ko ang spray sa bag ko.
'Bahala na!'
'God protect me!huhuhu'
Sasakay na sana siya sa loob ng
"Dito ka na sa labas sumakay tol!Para nakapagkuwentuhan tayo!"
"Aba o sige sige"
T.T para makapagplanuhan ako ganun?Waahh mama!
Nakiramdam ako at nagsimula ulit bumyahe.
"Punta tayong tambayan hinahanap ka sa akin ni Jason eh!"
"Aba talaga?Pasensya naging busy lang batang ama eh Ahahah"
"Okay Lang ano kaba "
"Hindi parin pala kayo nagbabago"
"Oo Hahaha"
"Mga tarantado parin !ahahaha"
"Hahaha slight Lang"
Nanlaki mata ko tarantado?!What the hell?!
"Ihahatid ko muna tong pasahero ko"
"Ah oo naman!"
Nagulat ako ng huminto na ang sasakyan at sinilip ako.
Napatalon ako ng bahagya.
"Dito na ata bahay niyo diba?"
"Ah oo!Oo!"
Dali dali akong bumaba at
"Ay teke May nakakalimutan ka ata?"
"Pare chix mo ba?Goodbye kiss daw miss!"
"Haha gagu hindi ko yan chix.Pamasahe mo miss"
"Hahahha wala ka talagang patawad tol!"
Nakangiwi akong nag-abot ng bente pesos.
"Ay paano ba yan wala akong barya"
"Keep the change!"
"Mga diskarte mo tol hahahaha halika na miss ko na uminom magbilyar at magchix!"
Rinig ko pang sigaw ng kasama niya bago ako makapasok sa bahay.
Pero nagulat ako sa nadatnan ko.
Nagtataka akong tumingin sa KANILA.
Dalawang lalaki ang isa parang mas matanda sa akin at ang isa naman kaedad ni Mommy.
Sino sila?!
"Micahella anak magbihis ka at mag-uusap tayo"
Seryoso pero nakangiting sabi ni Mama.
Hindi maganda Ang kutob ko.