Michaella's Pov
Muntik na akong malate mabuti nalang at late din si Miss Jazmine ang accounting prof namin at mukhang wala siya dahil anong oras na wala parin siya.
Napatingin kaming lahat kay Jared.Nang pumasok siya sa room.
Nakatitig siya sa akin at ako naman ilang na ilang!Yung mga ngisi niya kakaiba >>.>.
"Pero dahil mabait ako pagbibigyan muna kita"
Sinamaan ko siya ng tingin!
Jared's POV
Ang Ganda Ganda niya talagang pagtripan masyado siyang pikon!
Maski ako nagugulat sa mga sinasabi ko!Kusang lumalabas sa bibig ko ang mga salitang yun.Iiling iling akong umalis sa harap niya at nang-aasar na tawa.
"Uy Dre anong meron sa inyo ni Mikay ha?"
"Nanliligaw ka ba dyan kay Mikay?"
Ngumiti lang ako sa mga nagtatanong.Maski ako hindi ko na alam pinaggagawa at pinagsasabi ko! -.-
Mikay? Pangit ng nickname mas gusto ko yung pangalan niya Michaella kakaiba.
"Jared dito ka at pag usapan natin ang gagawin mamaya"
Tawag sa akin ni Jeremy.
Lumapit ako at tumabi kay aleng maliit halata ang ilang niya tsk tsk.
Baka matamaan ka sa akin at hindi kita masalo ha!
"Kunwari sweet kayong naglalakad at May humarang na mga babae at isa sa mga babaeng yung ex nitong si Jared.Umamin itong babae na mahal niya pa si Jared at kaibigan naman ng babae sasaktan itong si Mikay.
Bali Jared and Mikay kayo magpapanggap na mag-jowa si Joan at Noemi ang magpapanggap na mga babae ako yung camera man.
Pagkatapos magseselos ka Mikay at aawayin mo si Jared.Naiintindihan niyo ba?"
"Yup"
"Yes"
Tumango ako
"And Mikay ?Woi nakikinig kaba?!"
Napatingin ako sa kanya.
"Oo nakikinig ako"
"So yun nga lunch time natin gagawin yun para mas maraming tao masarami tayo maoobserve"
Matapos kaming mag-meeting sakto naman dumating ang Filipino prof namin.
Pansin ko ang pananahimik ni Aleng maliit maski sa recitation Filipino na nga wala pang nasagot.Ano bang nangyayari dito.
Saktong lunch na.Nagpaalam muna ako sa mga tropa ko na May gagawin.
"So ready na ba kayo?"
"Bakla sandali kausapin ko lang siya"
"Makabakla ka naman!Sige sige basta bilisan niyo ng matapos ng maaga"
"Hoy bansot"
"Hmm?"
Aba himala hindi nagreklamong tawagin ko siyang bansot ah
"O-okay kalang ba?Yung problema mo huwag mo masyado alalahanin"
"Hindi naman yun ang iniisip ko eh"
"Eh?!So bakit ka nagkakaganyan?!"
"Wala"
"Hoy ano tapos na ba kayo?!Tara na sa mall!"
Ginamit namin ang tricycle ko papuntang mall nakarating kami agad dahil malapit lang naman.
"Kunwari naghihintay si Mikay sayo at nalate ka sa usapan niyo tapos kayo nang bahala!Basta act naturally nalang"
Lahat kami nagpunta na siya kanya kanyang pwesto.Nauna silang umakyat sa escalator dahil yung ang plano.Dala ko ang rose na binili ko kanina.
Nang paakyat ako nakita ko Micahella nakatalikod at nakayuko maya maya humarap siya sakin.
Lubdub Lubdub.
Hindi ko alam kung bakit bumilis t***k ng puso ko ng magtama ang mata namin.Malungkot ang sa kanya yun ang sigurado ko.
Hindi pa ako nakakalapit ng..
Biglang May humablot sa braso niya! o_o nanlaki mga mata ko napatingin din ako sa mga kagrupo namin nagulat din sila.Lumapit ako at kumunot ang noo ko ng makita kong nangingig siya!
Nakangiti naman yung lalaki pero parang takot na takot siya!
Lumapit ako sa kanila at narinig ko ang pinagsasabi nung lalaki.
"Mikay kamusta?Noon pa kita inaabangan dito ngayon lang kita natyambahan"
"A-ano nanaman b-bang kailangan mo?"
Kita ko ang takot sa mata niya.
"Pre bitawan mo siya"
"Oh?Siya ba ang bago mong boyfriend Mikay?"
Nakita ko ang panginginig at pagbilis ng hininga niya.
"Oo pre kaya bitawan mo GIRLFRIEND ko "
"Hmm ganun ba?Pwede ko ba siyang makausap saglit?"
Napatingin si Michaella sa akin at nagsusumamo yung mata niya huwag ko siya iwan.
"Hindi pwede pre"
Hinablot ko sa kanya Si Michaella
At inakbayan ko
"Ti-tigilan mo na ako"
"Oh?!Hahaha Mikay naman inaano ba kita?"
"Ple-please tama na.Matagal na tayong tapos"
Nakita ko ang pag iiba ng timpla ng itsura ng lalaki.
"Hindi pa tayo tapos"
"Pre tigilan mo na ang Girlfriend ko"
"Magpakasaya ka ngayon.Mikay makukuha ulit kita sa ayaw at gusto mo"
Tuluyan nang umalis ang lalaki.Napatingin ako kay Michaella Nanghihina siyang para matutumba
"Ayos ka lang ba?"
Tanong ko.Umayos naman siya ng tayo at ngumiti pero yung mata niya parang ang daming sinasabi.
"Ayos lang ako salamat"
"Yung lalaking yun?Sino ba siya?"
"Ah si Jay yun ex ko"
"Ba-bakit parang natatakot ka sa kanya may ginawa ba siya dati--"
Naging blangko ang mukha niya.
"Wala kang paki alam.At sa susunod huwag ka ng makialam madadamay ka lang"
"Anong walang paki alam?!Sira ba ulo mo eh kung napano ka na dun!"
"Bakit sino ka ba?Ano bang pakialam mo? -.-"
Hindi ako sanay sa ganyang ugali niya!Mas sanay ako sa mabungang ang siya.
Lumapit sa amin mga kagrupo namin.
"Pwede bang ipagpabukas nalang ito medyo masama kasi pakiramdam ko"
"Si-sige"
Pati sila nanibago sa kilos na yun ni Michaella
"Pwede mo ba akong ihatid?"
Taka akong napatingin sa kanya
"Ha?Bakit saan ka pupunta?"
"Uuwi na ako"
"Ha?!"
"Masama talaga pakiramdam ko eh mmm Kung Hindi naman pwede magcocomute nala--"
"Sige!Ihahatid kita!"
"Salamat"
Bakit ganun?!Sa ilang araw lang nagawa mong paikutin at paiba ibahin ang nararamdaman ko.
Punyeta hindi ako ito ah!
Hindi kaya.
Napatingin ako sa kanya.
In-love na ako sa bansot na to?!
Pero paanong nangyari yung sa ilang araw lang!Ashh!
Huminto ako sa tapat ng bahay nila.
"Salamat"
"Teka sandali"
Kumuha siya sa pitaka niya ng bente at inabot na akin o_o
"Keep the change"
"Ano hindi na.Gusto ko lang sabihin kapag kailangan mo ng kausap nandito lang ako"
"Mm I keep that in my mind.Sige ingat pabalik"
Dire-diretso siya pumasok sa loob.
Ano ba itong nararamdaman ko?!
Dali dali akong bumalik sa school at hinanap si Jane.Sakto naman nakaupo lang siya ang nagsosoundtrip tumayo ako sa harap niya napatingin siya sa akin na nagtatakang mukha.
Inalis niya headset niya.
"May kailangan ka?"
"Pwede ba tayo magusap?"
"Mmm pwede naman sakto mas sasabihin din ako sayo"
Lumabas kami ng room at pumanta sa isang bench.
"Anong gusto mong sabihin?"
Tanong ko
"Si Mikay hindi madali ang mga pinagdaanan niyang relasyon kaya kung balak mo siyang mahalin sana naman huwag mo na siya saktan.Masyado nang nasaktan ang bestfriend kong yun."
"A-ano nagkakamali ka ata kasi wala naman ako balak mahali--"
"Ah so anong mga ginagawa mo?Pinagtitripan mo lang siya?"
Agad akong nag-iwas ng tingin.
"Kung pinagtitripan mo lang pala siya tigilan mo na dahil masasaktan lang siya"
"Anong sinasabi mo ?"
"Na tigilan mo ang pangti-trip sa kanya baka bumigay nanaman siya at hindi mo saluhin"
"Hindi ko maintindihan"
"Mabilis siyang ma-fall.At bilang bestfriend niya huwag kang maging pa fall dahil ako makakalaban mo"
Natahimik ako.Bakit ko ba kasi yun ginagawa?;
'Kasi nacucute tan ka sa tuwing mapipikon siya'y
'gusto mong makita ang ibat ibang reaction niya'
"Ano pala gusto mong sabihin?"
"Ah kasi ano kilala mo ba si Jay?"
Nanlaki mata niya.Bakit ganyan reaksyon niyan!
"Ano?!Nagkita ba sila?!"
"Ahh si Michaella at Jay oo nagkita sila kanina--"
"Nasaan si Mikay?!"
"Umuwi na masama daw pakiramdam eh---"
"Sheyt!Bakit mo yung hinayaang magisa!"
Aalis na sana siya ng pigilan ko.
"Teka nga!Bakit ganyan reaksyon mo ano ba yun ni Mikay?!At magga ganyan kayo?!"
"Tsk mas mabuti nang wala kang alam at wala kang pakialam!Isa lang masasabi ko lumayo ka sa kaibigan ko"
Tumakbo siya paalis.Ano ba talagang nangyari?!