Michaella's Pov
PESTE!
Ang bilis ng t***k ng puso ko sa mga sinasabi ng lalaking Yun!
Habol habol ko Ang hininga ko at naupo sa isang bench sa mall.
"Hey tapos na ba Ang date niyo kapatid?"
Iniangat ko ang paningin ko
" Isa ka pa! "
" Oh? Hahaha Inaano Kita? "
Umupo Siya da tabi ko ako Naman lumayo.
" Makalayo ka Naman Parang nakakadiri ako ah!"
"Ewan ko sayo! Bakit mo sinabi sa kanyang boyfriend kita? "
" Hahahaha yun pala Ang dahilan Kung bakit ka nagagalit sa akin. Bakit gusto mo ba Siya? "
O_o .
" Ano bang sinasabi mo dyan! "
" Look ngayon Lang Tayo nagkakilala pero pwede mo akong pagsabihan ng MGA nararamdaman mo bilang kuya mo"
" Tsa! Ngayon Lang nga Tayo nagkakilala pero huwag mong sabihing kuya Kita!"
"Totoo sinasabi ko!"
" Maniwala sayo! "
" Tanungin mo pa si Daddy dalawang buwan Lang Ang pagitan natin! "
Napangiwi ako
" Lintik! Ang tinik Naman talaga ng ama natin at binuntis Ang dalawang babae nang sabay!"
Napangiwi Rin Siya.
" So ano na"
" Anong ano na?! "
" May gusto ka ba sa lalaking Yun? "
" Kingina Yan nanaman! "
" Kababae mong Tao Nagmumura ka"
" Bakit lalaki Lang ba pwedeng magmura?! "
" Nakakaturn off Kaya! "
" Wala Kang paki! "
" Gusto mo ba Siya o Hindi?! "
" Paulit ulit ka! "
" Dahil Hindi mo sinasagot Ang tanong ko! "
Natahimik Naman ako >>.<<
" Ano ba Yan Ang ingay niyo Ang daming Tao eh"
"Mama!Ito kasing isang to Ang kulit"
"Ah hehe kuya Ang itawag mo sa kanya Anak"
.
Rinig kong Sabi ni papa dinilaan Naman niya ako.
Tch! Kuya pero isip Bata!
Gaya ng sinabi nila nagbonding kaming pamilya.
Walang makakapantay Ang saya ko dahil kumpleto na ako.Buo na ulit Ang pamilya kahit na mas isip Bata pa sa akin Ang kuya ko!
Maya Maya pa ay tumambay muna kami sa park nagpalaam MGA magulang namin na bibili Kaya naiwan akong kasama Ang kuya.
"Pssst look sis"
"Ano nanaman ba?!"
"Shh look at that guy he's looking at us"
Nagulat akong napatingin sa tinitignan niya napaayos ako ng upo ng magtama Ang Mata namin ni Jared!
Salubong na salubong Ang kilay niya at masamang nakatitig sa akin!
"Looks like he's jealous"
Nakangising binulong sa akin ni kuya Xander!
"Anong jealous?!"
"Tch jealous,seloso,jelly"
"Jelly?Wtf?"
"Tignan mo!Hahaha Kung nakakapatay Lang Ang tingin kanina pa ako tumba dito!"
At Tama nga Siya parang papatay sa tingin si Jared!
" I think he likes you?"
Nagugulat akong napatingin sa katabi ko!
"Tsa!Inaasar mo nanaman ako!"
"Hindi mo Kasi narinig mga sinabi niya sa akin noon"
" Nag usap kayo?!Kailan?!"
" Nung hinatid Kita sa school"
" Anong sinabi niya sayo?!"
" Hahaha secret!"
Kinurot ko Ang ilong niya!
" Ar-aray!Ano ba?!"
" Anong sinabi niya?!"
"Siya Ang tanungin mo!"
Binitiwan ko Ang ilong niya at lumingon ulit ako Kay Jared pero nakatalikod na Siya at naglalakad palayo.
"And I think you like him too"
Inis ako lumingon Kay Xander at tawa tawang tumayo.
Badtrip!
Jared's POV
Kita ko Ang saya sa mukha nila habang magkasama Hindi ko maiwasang magselos!
Tch sa dami Kasi ng magugustuhan mo Jared Yung pagmamay Ari pa ng iba!
Inis akong inalis Ang tingin ko sa kanila at naglakad palayo.
Kailangan ko atang mahimasmasan sa nararamdaman ko.
Gusto Kong maiplewensyahan ng alak!
Wala sa sarili akong umuwi pero nakadaan pa ako sa tindahan para makabili ng iinumin ko.
Gusto Kong magsolo!
Tch kalalaki Kong Tao nagdradrama ako.Hindi ko lubos matanggap sa sarili ko na nagkagusto ako sa isang tao sa kunting panahon lang!
Maya Maya lang naramdaman ko Ang Hilo ko pero sa kakaisip ko.
Gusto ko siyang Makita.
Pero Alam Kong nakainom ako Kaya Hindi na ako nagbalak pang puntahan Siya inis Kong nilingon Ang cellphone Kong kanina pa nagriring!
Bwisit!Panira ng gabi!
Hinablot ko Ito at padabog na sinagot Ang tawag ng tawag.
"Ano?!"
"Anak ka ng!Uso maghello!"
Gulat pa akong napatingin sa cellphone ko ng marinig ko ang boses na nanggaling Doon.
"Michaella?"
"May inaasahan ka bang tatawag sayo?!"
Napangiti ako at tatawa tawa
"Namiss mo ko?"
" Kingina Naman talaga kapal ng mukha mo!"
-.- Nagmumura nanaman
" Eh bakit ka napatawag Gabing Gabi na?"
"Haa!"
Mayabang na singhap niya napangiti ako Hindi ko Alam Kung impluwensya ba Yun ng alak o sadyang masaya talaga ako.
"Ha?Hakdog?"
Nangibabaw Ang tawa ko ng marinig ko ang sunod na sunod na mura Niya
"Nakainom ka ba?!"
"Bakit mo nasabing nakainom ako?"
" Wala hula Lang"
" Lakas Naman nang panghula mo"
" So nakainom ka NGA?!"
Naalala ko bigla Siya Ang dahilan ng paginom ko at pagdradrama ko.
" Bakit ka ba tumawag? Saan mo nakuha number ko?"
"Wala kanang pakialam Kung saan ko nakuha number mo! AT TYAKA Hindi ka ba tenext ni sir Francis? "
" Ha? WALA naman akong natanggap na text. Sus nagpapalusot ka Lang ata eh gusto mo Lang yatang marinig boses ko"
" Hanep talaga kapal ng mukha mo eh! May gaganaping contest sa school. "
" Eh so? "
" Tayo napili ni Sir na maging representative Ng block natin"
" Bakit Tayo? "
" Ewan ko Kay sir! PINANINDIGAN TALAGANG Tayo Ang magpartner sa lahat ng activities niya nakakainis! "
" Ayaw mo ba talagang kasama ako? "
" An-ano?! "
" Kung ayaw mo Kong kasama sa lahat ng activities kausapin ko si Sir"
" Ano bang sinasabi mo? HINDI ganun Yun okay?! At tyaka lasing ka Lang Kung ano ano sinasabi mo! "
" May tatanong ako"
" Ano nanaman?! "
" Tch ang ingay ingay mo. seryoso may itatanong ako at sagutin mo NG maayos"
" Fine. Spill it!Bilisan mo at lowbat na ako kanina pa ako tawag ng tawag sa--- "
" Mahal mo ba talaga boyfriend mo? "
" An-ano?! "
" Sabihin mong Mahal mo talaga siya at handa akong magparaya"
" Ano bang sinasabi mo dyan? Haahahahaa Wala akong boyfriend! "
" Eh sino Yung lalaking kasama mo kanina? Manliligaw mo? "
" Tanga! Hahahaha! "
Makatanga tong babaeng ito ah!
" Sagutin mo ako!"
"Hindi ko siya boyfriend Ang totoo niya blah blah toot toot"
Hindi natapos Ang sasabihin niya NG namatay Ito. Naghintay pa ako NG tawag niya pero Wala nang sumunod.
Napabuntong hininga nalang ako at nahiga sa Kama.
Iiwasan ko nalang siya para hindi na lumalala pa tong nararamdaman ko sa kanya