EVA "KUMUSTA na kayo, mga anak?" tanong ni Mama Fe. Kasalukuyan kaming nasa bahay nito dahil may sasabihin daw itong importante sa amin. "Okay lang naman kami, Ma." sagot ni Amor para sa aming dalawa tsaka ako binigyan ng mabilis na halik sa pisngi. Nabigla naman ako sa ginawa nito at naramdaman kong nag-iinit ang mga pisngi ko. Kahit naman tatlong araw kaming nagkulong para kumpletuhin ang mating season namin, iba pa rin talaga ang epektong binibigay sa akin ni Amor. Para itong redhorse, lakas ng tama! "Nakikita ko nga, anak." natatawa namang sabi ni Mama kay Amor. "Ikaw lang nakakagawa nyan kay Ev, alam mo ba." "I know, Ma." proud namang sagot ni Amor. "Wow ha. Ang hambog, ha." sabi ko, as I pinch her nose. "Tsaka Ma and ‘Nak na talaga. Ang sweet naman." "Nakuuu... ang anak ko

