AMOR
MUNTIK ko ng makalimutan ang about sa dinner with the friend of Uncle Jared. Busy’ng-busy kasi ako sa pagday dream ko kay Eva, kaya naman nagulat na lang ako ng biglang pumasok si Lloyd sa kwarto ko at pinilit akong magbihis pagkatapos akong ipagtabuyan sa shower.
"Hintayin ka namin sa baba, Am. Huwag mo kaming masyadong pahintayin. Don't ruin this night for Dad, importante masyado ang taong ‘to sa kanya." sabi nito.
"Opo." patamad kong sabi. Tinaasan lang ako ng kilay nito pero ‘di na nagsalita at lumabas na ng kwarto.
Pinili nitong ipasuot sa akin ang sleeveless black leather dress na above the knee. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. Grabe naman ‘tong si Lloyd, para naman akong ibebenta sa sobrang sexy ng gustong ipasuot sa akin. Maghahanap pa sana ako ng ibang susuotin ng kinatok na naman nya ako para magmadali.
Sinuot ko na lang nga ang damit na binigay nya. Nagmake up ng katamtaman lang tsaka ko kinulot ng big curls ang itim kong buhok. Sinuot ang isa sa mga paborito kong black high heels and ready to go na.
Haayy, sana makita ako ni Ev sa itsura ko ngayon. Sigurado akong maglalaway ito sa makikita. Hmm... next time, suotin ko din ‘to pagnagdate kami. Ayiiee.
Napangiti ako sa repleksyon ko sa salamin. Gorgeous and Hot. Yun ang una kong naisip. Sorry pero hindi naman sa pagmamayabang, yun talaga ang nakita ko sa salamin.
Kinuha ko na ang aking purse at lalabas na sana ng naunang ng nabuksan ni Lloyd ang pintuan ng kwarto ko.
"Dalian mo nama----oh wow! Perfect!" sabi nitong napapalakpak pa sa saya. "Yummy mo, te!" he squealed. Hayyy naku! Baklang-bakla na naman ang damuho. Pervert na bading! Lol!
I rolled my eyes playfully at ngumiti dito. "Halika na nga baka naiinip na si Uncle." Nauna na akong lumabas sa kwarto at sumunod na ito.
May binulong ito pero masyadong mahina at parang kinain nya ang words nya kaya hindi ko narinig. Duhh... never mind. Ang gusto kong mangyari ngayon ay to get over with this dinner para makasama at mabantayan na naman si Ev tonight.
Jaw dropped naman si Note pagkakita sa akin. Sarap nga kunan ng picture kasi parang naglalaway ito ng makita ako. Siniko naman ito ni Clef. Hinug ako ng babae at nagcompliment na ang ganda ko raw. Ngumiti lang ako dito.
Tsaka naman parang natauhan si Note at ayun na naman yung ngiting winner smile nya. Lagi ba itong ngumingiti ng ganun? Weird talaga ‘tong kumag na ‘to. Samantalang si Uncle naman, hindi mapakali at halatang nininerbyos.
Hinatid kami nila Note at Clef sa driveway. Before pa kami umalis binantaan ko muna si Note sa no-s*x-deal namin. Tinawanan nya ako. Ha! Super cocky. Feeling winner na talaga ito. Hmp!
Umalis na kami papunta sa friend ni Uncle. Wala sa sariling nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng kotse through all the way sa house ng friend ni Uncle, kaya hindi ko namalayan ang mga sumunod na nangyari.
+++
LLOYD
Tagumpay ang pabor na hiningi ni Note sa akin. Ang ganda ni Amor ngayong gabi at sigurado akong magiging parang asong ulol si Ev pagnakita nya si Amor.
Alam ni Ev na kami ang darating para sa first dinner date with the family ng parents namin. Si Amor lang ang hindi nakakaalam.
Although, hindi ko maisip ng mabuti bakit hindi ko masyadong malike si Ev, gusto ko namang sumaya na ang pinsan ko. At alam kong si Ev lang ang makakapagpasaya sa kanya. Amor deserve to be happy.
Matagal syang nagsuffer dahil sa paghahabol sa kanya ng Supreme Arch, namatay ang parents nya sa pagprotekta dito. At ngayon nga sa pag-uwi nya dito sa Marion, hindi tumupad ang one and only love nya sa promise nito.
Saksi ako kung gaano kamahal ni Amor si Ev. Dumating pa nga sa point na gusto na nitong mamatay dahil sa ‘di pagsipot sa tagpuan nila ng bruha nyang serena. Naragdagan pa ang frustation nya ng siniraan ko si Ev at sabihing napakaplaygirl nito which is half-truth naman. Okay, sige, hindi nga totoo sabi ni Clef pero flirt pa rin sya. Akalain mong pinaasa nya lang ang pinsan ko!
Pero sa paglipas ng araw, simula ng makita nito si Amor, nakita ko ang labis na kasiyahan at pagmamahal sa mga mata ni Ev. At alam kong gaya ni Amor, mahal pa rin ni Ev ang pinsan ko.
Kung totoo ngang naging cupid na si Note sa love story ni Ev at Amor, aba'y magugulpi ko talaga si Ev kung hindi pa sya magtetake advantage sa gabing ito. Ang kinakatakot ko lang ay baka hindi matanggap ni Ev ang totoong pagkatao ni Amor. Pero kung natanggap nga ni Amor si Ev bilang serena, dapat siguro’y matanggap din ni Ev kung sino talaga si Amor.
Tinignan ko ang aking pinsan sa rearview mirror. Nakatingin lang ito sa labas. Napangiti ako. Wala itong kaalam-alam kung saan kami pupunta.
Mahal na mahal ko ang pinsan ko, kaya kung kay Ev talaga sya magiging masaya, masaya na rin ako para dito.
Nakarating kami sa bahay nila Ev na hindi namamalayan ni Amor. Naku, magugulat talaga ito.
At nang pagbuksan ko nga ito ng pintuan ng kotse, lumaki ang mga matang napatingin ito sa akin. Si Dad naman ay nagpunta na sa front door para magdoorbell. Di ko napigilang matawa ng mahina sa reaksyon ni Amor. Kumapit sya bigla sa mga braso ko at naramdaman ko ang panginginig nito.
‘Wow Ev, ha. Ganito pala epekto mo sa pinsan ko.’ I chuckled.
Panalo na talaga si Note. Sabagay, may pabor rin naman akong ginawa para sa kanya kaya pagnanalo sya dito, kailangan nya rin iaccomplish yung pabor ko sa kanya. Eeeh... sa isipin pa lang na yun, kinikilig na ako!
Magiging madali na rin ang lahat kung magiging magkaibigan na kami ni Ev. I'm on my victorious grin ng lumapit na kami sa door. Naghihintay na kami para pagbuksan ng kung sinumang nasa loob ng bahay.
Mama-maya nga’y lumabas na si Ev with her super sexy fitted red dress na above the knee which she paired with a red high heels. Ang long brown hair naman nito ay nakamirror sa hairstyle ni Amor. Her lips, nakulayan ng red lipstick. Naghanda talaga ito sa para kay Amor. Iba na talaga ang mga lesbian ngayon, hindi mo na makikilala. Kasi pag hindi mo talaga maaamoy ang mga ito, maglalaway ka rin sa ganda at sexy ng mga lesbian na gaya nila.
"Oh wow!" Hindi ko napigilang sabihin habang sinusuri ko ng tingin si Ev.
Mas lalo namang humigpit ang pagkakahawak ni Amor sa akin. Ay, grabe sya! Napakaselosa talaga nito. Nagcocompliment nga lang sa girlfriend nya eh.
"Good evening. You must be Jared?" sabi ni Ev na nakasmile pero nakaglue ang mata kay Amor na nagwink pa sa pinsan ko. Ang Amor nama'y nagblush at napayukong kumagat labi.
Uyy, may s****l tension na agad. Oops.
"Yes, dear. I'm Jared Manuel at ito si Lloyd anak ko at si Amor, pamangkin ko. Nice meeting you." Inilahad ang kamay at todo smile na sabi ni Dad.
"Nice meeting you din po. Ako po pala si Eva. Pasok po kayo." sabi nitong nilakihan ang bukas ng pinto pagkatapos makipagkamay kay Dad. Genuine naman ang smile nito kaya nagsmile na lang din ako sa kanya.
"Salamat." sabi ni Dad bago pumasok. Smooth akong kumawala sa pagkakahawak ni Amor at nauna ng pumasok sa loob.
"Hi Lloyd." bati ni Eva ng mapadaan ako sa kanya.
"Hi." tsaka nagfriendly smile ako sa kanya.
Pumasok na rin si Amor na nakayuko pa rin. Uneasy sa situation. Awww! Shy talaga ‘tong pinsan ko na ‘to or shall I say, shy sya kay Ev.
"Hi Amor." Narinig kong bati ni Ev dito.
"H-hello." Nagstutter ang bruha. Awww, ang cute nila together.
Pagkatapos maisira ni Ev ang pintuan, she lead us to the dining area. Si Amor naman ay busy sa pagchicheck out kay Ev habang nakatalikod ito. Uh-huh! s****l tension.
I can see lust through Amor's eyes. Natawa na lang ako ng mahina. I'll make sure na makakascore talaga si Ev tonight. ‘Promise is a promise, Note.’ Sabi ko sa sarili ko and I mischievously grin.
+++
AMOR
I can't think straight! Hindi ko mapigilang hindi maglue ang mga mata kay Eva. Isang tingin ko palang kanina sa kanya ay para na akong sigarilyong mauupos. Lalo na ng kindatan nya ako, I felt my knees weak kaya I needed support from Lloyd.
Itong malditang pinsan kong ‘to hindi man lang ako ininform na Mama pala ni Ev ang girlfriend ng Uncle ko. Tsk! Nag-eenjoy pa naman talaga itong nakikita akong pulang-pula sa shyness ng presence ni Ev.
Anyway, mabait si Tita Fe. Napakasweet nito at napakacaring. Dito ko rin napansin na sa kanya pala nakuha ni Ev ang brown eyes nito at shape ng mukha. Medyo may pagkachinita rin kasi ang mga ito at nakuka ni Ev ang features na yun ng Mama nya.
Maganda rin si Tita Fe at bagay na bagay sila ni Uncle Jared. Napag-alaman ko ring doctor rin pala ito at sa iisang hospital lang sila nagtatrabaho.
"So, magkakilala na kayo, ‘nak?" tanong ni Tita Fe kay Ev.
"Opo, ma. Classmates ko po sila." sabi ni Ev while gracefully eating her meal tsaka tumingin sa akin at ngumiti. Kumindat ulit.
Nakaharap kasi ako dito at si Lloyd ang katabi ko. Nasa gitna naman si Uncle Jared at magkatabi naman ang mag-ina. Alam kong nagblush na naman ako kaya nagpretend na lang akong kumakain.
"Ah, ganun ba. Well, that's good." palipat-lipat ito ng tingin sa amin.
Nakahalata na siguro ito. Ganun din si Uncle. Hmm... patay. Tumingin ako kay Lloyd at humingi ng saklolo. Naintindihan naman nya ako at nagsimula na ng conversation.
"Ah, if you don't mind Tita, pwede bang malaman paano kayo nagkakilala ni Dad?" sabi nito kay Tita Fe.
Malugod namang nagkwento si Tita Fe at Uncle Jared. Ako naman ay parang narelieve, samantalang si Ev naman, tinawanan lang ako. Grr. Kung ‘di ka lang cute. Hmp!
Masaya naman ang dinner with the Damian. Actually, puro about sa magkasintahang adult lang ang topic ng may nagdoorbell.
"Ako na, ma." Tumayo na si Ev pero tumingin at ngumiti muna sa akin bago umalis ng parang model sa dining. Ahh, ang sexy ng pwet ng mahal ko. Oops! Pervy.
"Sya na siguro yan, Red." sabi ni tita Fe. Tumango lang si Uncle.
"Ma, nandito na si Ama. I mean si Papa." sabi ni Ev na nakabalik na sa dining kasama ng gwapo ring lalake na kaedad lang din nila Uncle. Matikas rin ito. Dito nakuha ni Ev ang lips at ilong na features nya.
"Sorry, nalate ako." oh wow.
Infairness, ang ganda ng husky voice nito. Ngumiti ito at lumapit kay tita Fe. Humalik sa pisngi nito. Nakipagkamay naman ito kay Uncle. Awkward ha. Pero parang wala lang naman sa kanila.
"Okay lang. You're just in time. Take a seat." sabi ni Tita Fe. Umupo naman ito sa tabi ni Ev.
"Guys, this is Adam Ezra. Papa ni Ev." Bakit kaya ‘di nya pinakilalang ex-husband ito? Sabi ko nga, awkward. Pero chill lang naman si Uncle Jared. As if matagal na rin silang magkakilala. Hmm.
"Hello, everyone." ngumiti naman ito at lumabas ang pearly white teeth nito.
Tumango lang kami ni Lloyd dito at nagsmile.
"Buti narito ka na, Ez. May sasabihin ka raw?" sabi ni Uncle. Hmm, it’s getting boring in here, mabuti na lang talaga narito si Ev.
"Ah, oo. Pero mamaya na lang siguro, Red. For adults lang kasi ito eh." sabi nito at ngumiti ulit. I can say that he is a happy person.
At through all the dinner, napatunayan kong super hilarious ang Papa ni Ev. Sobrang funny at Joker nito. Ewan ko nga kung bakit ito hiniwalayan ni Tita Fe. He is a bubbly, handsome person. But I guess problema na nila yun kung bakit sila naghiwalay. Ang mahalaga naman ay nagkakasundo pa rin sila.
Anyways, nasa sofa na kami while ang mga adults naman ay nasa veranda nag-uusap privately. Mukhang seryoso talaga ang pinag-uusapan ng mga ito.
Pasimple namang nawala si Lloyd. Kami lang tuloy naiwan ni Ev sa sofa while watching Tom and Jerry. Sa lahat ng pwedeng panoorin, cartoons pa. Para namang nag-eenjoy si Ev sa palabas.
"Ahem," I cleared my throat. "Saan ba ang banyo nyo dito?" Tanong ko pero hindi naman talaga ako naiihi.
Hahanapin ko lang si Lloyd. Mokong na yun! Iniwan ako sa awkward na sitwasyon. Para yatang magkasabwat sila ni Note ah. Hmm.
"Ah, nandun sa dulo pero I don't know kung macocomfort ka dun. Gusto mo, sa banyo ng kwarto ko na lang?" sabi nitong nakasmile sa akin ng super sweet. Aww, she's so adorable.
Hindi ko alam na napatango na pala ako at pumunta na kami sa loob ng kwarto nya. Tumambad sa akin ang mas naclear na sa vision kong kulay ng kwarto nito. Ocean blue ang theme ng kwarto nya. Cute! Serenang-serena pero I know na dahil sa paborito nito ang kulay ng mga mata ko kaya ganun ang kulay ng kwarto nya.
"Nice room." puri ko.
Totoo naman. Malinis at organized ang kwarto nito at Evang-eva ang amoy. Parang gusto ko na ngang maiwan na lang at tumabi sa kanya forever.
Kumpleto rin ang mga gamit sa kwarto nito. It’s like a little house. Pwede na syang ‘di lumabas kung gugustuhin nito. May Flat screen TV, fridge, tsaka mga gadgets nya, katamtamang closet at gitara sa kabilang sulok.
"Thanks." sabi nitong binuksan ang isang pinto sa kwarto nito. Yun pala ang CR. "Gamit ka na." sabi nito at nagstep back.
Nang mapadaan ako dito ay hindi ko napigilang maamoy ang intoxicating strawberry scent nito. Ahh, I have always love her smell. Pumasok na lang ako agad sa banyo kasi baka ano pang kalokohan ang magawa ko at mananalo na talaga si Note sa bet namin. Three days pa lang, Am! May four days pa!
After ko macompose ang sarili ko, lumabas na ako finding Ev in her bed strumming her cute ocean blue colored guitar.
"Tumutugtog ka pala?" tanong ko.
"Hmm, ‘di naman masyado." sabi nito at akma ng tatayo.
"Nope. Don't stand. Mind if I wanna hear you play? Can you sing as well? If you don't mind?" I ask her very nicely.
Sabi kasi ni Clef she has a nice voice at magaling daw itong tumugtog kaya I want to hear it. Alam ko namang maganda ang boses nya kasi as a serena isa yun sa mga defense power nila sa mga gustong manakit sa kanila. Yes, yung boses nila.
Sa kwento ni Ev sa akin dati, yung boses ng serena ay very dangerous. Of course, may control naman sila sa paggamit nito. But for battle daw, it could really kill someone.
I heard her singing when we were 6 years old. Alam kong mas gumanda pa ang boses nito for 10 years na ‘di kami nagkita.
“Please?" Hiling ko with puppy eyes. I know hindi nya ako mareresist.
"Hayy, okay. Basta wag mo akong pagtawanan ha." at ngumiti itong sinenyasan akong maupo sa tabi nito.
Feeling ko nagkaroon na naman ng mga butterflies sa tiyan ko dahil sa simpleng ngiti nyang yun. Sumunod naman ako at naupo sa tamang distansya na ‘di kami masyadong dikit kasi mahirap na.
Nagsimula na itong tumugtog without breaking her gaze towards me. Hindi ko alam pero parang may magnet ang brown eyes na yun na hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya.
Doon ko napansin yung tinutugtog nya. A Thousand Years na OST ng Twilight:Breaking dawn. Napangiti ako kasi love story about sa vamps yun tapos ako vamp din. Wow, sya! Great timing, Ev.
Pero ng nagsimula na itong kumanta, oh my God! Hindi ko napigilang mapastarstruck.
Mas gumanda nga ang boses nito ngayon. Higit pa sa original singer! Sure akong mananalo ito sa The Voice PH pagsumali ito. Oo, no kidding!
Nakatingin lang ito sa akin the whole time ng pag-awit nito. Na para bang binabasa nito ang nasa loob ko at anong nararamdaman ko sa oras na yun dahil halata namang binuhos nya lahat sa kanta ang mensaheng gusto nyang ipaabot sa akin. Parang nagflashback lahat sa akin ang mga moments namin ni Ev 10 years ago. Ang masasaya at malungkot na mga moments namin. Ang serenang minahal ko at sigurado akong ang mamahalin ko lang habang buhay.
Sa oras na yun, gustong-gusto ko ng bumigay. Sabihin sa kanya na kilalang kilala ko sya. Na mahal na mahal ko pa rin sya. Na miss na miss ko na sya. Pero ewan ko ba, dahil parang may pumipigil sa akin na wag munang sabihin ang totoo dito.
I have died every day waiting for you
Darling don't be afraid I have loved you
For a thousand years
I'll love you for a thousand more
And all along I believed I would find you
Time has brought your heart to me
I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more
Natapos na pala yung song. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko ang aking sarili dahil baka magfreak out ito sa lumalabas na likido sa mata ko.
"T-that was n-nice." I choked. Agad kong binaling ang tingin sa pinto.
"Am." sabi ni Ev. Medyo garalgal din ang boses nito.
Oh no! Ano Amor, bibigay ka na ba?
Nang ‘di ako sumagot, hinawakan nya ang kanang kamay ko gamit ng dalawang kamay nya habang yakap pa rin ang gitara. Inilagay nya ang kamay ko sa mukha nya. Hindi pa rin ako tumitinag dahil feeling ko anytime maiiyak na talaga ako.
Hanggang sa maramdaman ko ang mainit na likido sa kamay ko. Umiiyak na pala ito. Hawak pa rin nya ang kamay ko habang umiiyak na sinabing, "Amor, please forgive me. Sorry for everything. Please take me back." maririnig mo ang desperation sa boses nito.
Paano nito nalaman na nagpapanggap lang ako? May nagsabi ba rito? Binuko ba ako nila Lloyd?
Kinuha ko ng mabilis ang kamay ko mula sa pagkakahawak nito. Pinatatag ko ang aking sarili. Kailangan nya munang malaman ang totoo about sa akin bago ko malalaman kung tunay bang gusto nya pa akong bumalik sa buhay nya.
"Alam ko eventually mabubuko mo rin ako." I said at mapait na tumawa ng mahina. "Pero bakit hindi ka tumupad sa promise mo, Ev? Bakit?" mahina ngunit mariin kong sabi.
"Sorry, Amor. Sorry, please patawarin mo ako. Please give me a chance." sabi nitong pilit hinahawakan ang kamay ko na iniiwas ko naman.
"You must know first the truth about me before mo sabihing gusto mo ulit akong bumalik sa buhay mo." gusto kong palakpakan ang sarili ko sa malaartistang poker face ko.
Napamaang itong natigil sa pag-iyak. "Okay, makikinig ako." sabi nitong umupo na ng maayos at pinahiga ang gitara sa bed nito.
+++
EVA
God knows how much self-control ang ginawa ko habang kinakantahan si Amor. Kanina ko pa rin pinipigilan na wag sugurin ito ng yakap at halik dahil napakaganda at napakahot nya talaga ngayong gabi. Bagay na bagay ang black sexy dress sa kanya. Lumutang lalo ang kagandahan ng malaporselanang kutis nito at nalagay sa tamang lugar ang lahat ng curves nya.
Haayyy, akala ko nga maiiyak na ito pagkatapos kung kumanta pero nagcomment lang ito at ‘di na tumingin sa akin.
Hindi ko na napigilang umiyak. Gusto ko ng bumalik sa buhay ni Amor. As in badly. Pero parang may pumipigil pa rin dito.
"You must know first the truth about me before mo sabihing gusto mo ulit akong bumalik sa buhay mo." sabi nito with a determine look and voice.
Napaayos naman ako ng upo at natigil sa pag-iyak. "Okay, makikinig ako."
"Do you remember the time na sinabi kong pupunta ako ng states para magpagaling dahil nagiging weak ako physically?" sabi nitong napabuntong hininga at yumuko.
How can I forget? That was the last time na nagkita kami 10 years ago.
"Oo, natatandaan ko." sabi ko. Controlling my voice not to sound desperate.
"Hindi yun ordinary na sakit, Ev. My body was beginning to shrink because I refuse to drink the antidote of my so called sickness." nakinig lang ako at ‘di nagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya.
"Para macure ang sakit na yun, I need to drink blood. As in human blood. I'm a vampire, Ev." nakayuko pa rin na sabi nito.
Natabunan ng ilang strands ng buhok nito ang magandang mukha. Nashock ako pero I sit still. Kaya pala ang perfect ng physical features nya dahil hindi rin pala ito ordinary human being.
"Mabuti lang sana kung natapos na dun sa pag-inom lang ng blood." pagpapatuloy nito ng ‘di ako tuminag. You can hear the pain sa boses nito. Baka she take it negatively ang pananahimik ko. I must say or do something.
"Nahanap ako ng mga higher vamps and they tried to kill me kasi hybrid ako. Half human-half vamp. Hindi kasi acceptable yun sa vampire world. Kaya umalis kami para magtago. Habang nasa States naman kami, nahanap pa rin kami ng Supreme Arch, the Higher Vamps. At dahil sa kagustuhang masave ako ng parents ko, they sacrificed their life. Nilinlang nila ang mga Supreme Arch habang tumatakas ako papunta dito. Kampante sila papa dahil nagpromise si Uncle Jared na he will take good care of keeping me safe. Kasi may kaibigan sya na witch na may kakayahang magcast ng spell para ‘di ako madaling matrack ng Supreme Arch." sabi nitong ‘di na napigilang umiyak.
Ganito pala kahirap ang dinanas ng Amor ko. Sa oras na yun, hindi ko alam ang pwede kong maramdaman. Galit dahil sino namang tanga ang gustong alisin ang ganito kagandang creature sa world na ‘to. O saya, dahil she open up to me. Wala namang problema kung bampira ito kung ano pa man. Para sa akin sya pa rin ang Amor ko. Ang mahal kong si Amor.
Lumapit ako sa kanya at tinaas ang chin nito para magtama ang mga mata namin. Bampira nga ito dahil hindi pangkaraniwan ang dumadaloy na luha sa mga mata nito. Dugo. Dugo ang lumalabas sa malungkot na ocean blue eyes nito.
"I love you, Amor." sabi ko at ‘di na napigilan ang sariling halikan ito. Nagulat ito pero she automatically close her eyes as I kiss her lips gently and passionately.
The kiss lasted till we’re out of breath. Ako ang unang kumalas pero hawak-hawak ko pa rin ang magkabilang pisngi nito. Nakapatong ang noo ko sa noo nya. Our nose are touching, our lips yearning for more of each other.
"Mahal kita, Amor. Kahit sino ka o ano ka man. I'm so sorry dahil hindi ako tumupad sa promise ko na maghihintay sa’yo sa tagpuan natin kahit pa ilang taon pero saksi ang tala, ibon at mga creature sa karagatan kung gaano ako napariwa ng nawala ka. Mahal na mahal kita, Amor. At naiintindahan ko kung ‘di mo pa rin ako mapapatawad." sabi ko, looking straight to her eyes.
Kinakabahan ako ng sobra dahil hindi ko mabasa ang reaksyon nito. Pero ng ngumiti ito, I know she found forgiveness in her heart.
"Mahal na mahal din kita, Ev." Awww, di na ulit ako nagpatumpik-tumpik at hinalikan ng buong pagmamahal ang mahal kong si Amor. Wala na akong mahihiling pa sa buhay ko ngayon. I feel complete.