JANINE'S P.O.V.
"Aunty, andito npo ako" 'maige naman may pera ka paba? Kailangan ko ng pang mahjong bukas natalo ako eh!'
"Wala pa pong sahod eh, sa byernes pa po aunty" 'hay naku wala ka talagang kwenta! Siya labhan mo yung mga labada duon para bukas makuha ko yung bayad!'
Tumango ako at ginawa ang mga dapat kong gawin. Wala naman akong choice saan kami titira ni Kiko?
PAGKALIPAS NG 2 ORAS.
"Natapos din ako!" Lumabas ako mula sa likuran bahay papuntang sala para sabihin kay aunty na tapos nako.
"Aunty, tapos ko napo mga labahin may pagagawa papo ba kayo? Para maka tu-" Nagulat ako sa nadatnan ko sa sala bakit andito si sir Matteo? Anong ginagawa niya dito? "Sir? Ano ho ginagawa niyo dito?, bat kayo andito? Di kayo pwede dito sir!" 'Look Janine, I am here to say sorry' magsosorry? Pwede naman bukas nayon sa opisina "okay napo yun sir pero please alis napo kayo pls po" tinulak ko siya papuntang pintuan habang pigil naman ang ginagawa niya 'Wait why?' "basta po" 'I will not until you tell me why at saka diba dapat nagpapahinga kana? Ikaw ba lahat gumagawa dito?' Naki isyoso pato sa buhay ko, biglang pumasok si aunty sa sala at may dalang inumin 'Oh anong ginagawang jan?, Janine mag ayos ka naman ng sarili mo nakakahiya sa boss mo' concern? "opo aunty".
Nag aayos na ako ng biglang pumasok si aunty sa kwarto ko. "Aunty?" 'Boss mo pala yun?' "Opo" 'landiin mo yun ha para maperahan natin malay mo pakasalanan kapa, o kaya mas maganda mag pabuntis ka para walang kawala diba? Paakyatin ko siya dito saglit' ano daw? Baliw na talaga siya. "Aunty wag ho" sabay hawak ko sa kanya kamay. 'Anong huwag?! Tanga kaba? Walang mapapala yang virginity virginity na yan di k mapapalamon niyan mag isip ka nga Janine!' "Aunty ayoko ho please ho saka ayoko ho mang gamit ng tao para lang masunod ang ka pricho o luho ko" tinignan niya ako ng masama sabay sabunot sa akin 'Aba! At anong ibig mong sabihin? Na ganuon ako? Na ginagmit kita?! Ang kapal mo nung panahon na iniwan kayo ng tatay mo at namatay ang nanay niyo ako ang kumumkup sainyo!'
"Aunty tama napo!" Akmang sasampalin sasampalin ako ni aunty ng biglang pinigilan ito n sir Matteo. 'TAMA NA HO' pasigaw na pigil ni sir, gulat na gulat si Aunty 'ah eh sir naku mali ho kayo ng iniisip sumasagot kasi itong si Janine kaya ko nasaktan', 'wag na ho kayo mag sinungaling alam ko ho ang totoo sinabi na ho sakin ni Kiko, pwede ko silang tulungan para maireklamo kayo, pero hindi ko gagawin yun!' aba naniwala naman ang tanga! 'Naku salamat iho sabi ko na nga ba at mabait ka' 'pero kukunin ko na sila Janine dito sainyo' nagulat ako sa sinabi ni sir Matteo na yon ano daw? Kukunin niya kami ni Kiko? humanda sakin tong Kiko nato kinuwento pa talaga ang buhay namin?! 'Ano?! Hindi pwede!' 'Mamili kayo, hahayaan niyong umalis sila dito o pakukulong ko kayo ngayon na?!' Natulala si Aunty na kitan kita ang takot sa mata niya ng sabihin ito ni sir 'sige lumayas kayo! Wala naman kwentang babae yan magsisi kalang!'
Ano? Saan kami pupunta pakielamero kasi tong isang to! "Sir bat ho ba nakielam pa kayo, wala ho kaming pupuntahan magkapatid! Dapat di kayo nanghihimasok basta basta sa buhay ng ibang tao, boss ko lang ho kayo!" 'Look Janine, hindi ko kayo pababayaan, I have a condo unit malapit sa office and no one living there duon kayo tumira'. "Sir, wala na hong libre sa panahon ngayon, at isa pa ano ho sasabihin ng mga magulang niyo?" 'Okay sige ganito nalang pansamantala duon kayo, kapag nakaipon kana panlipat alis na kayo' 'ate sige na please ayaw ko na dito' Wala naman siguro mawawala mag iipon ako tapos kukuha ako ng tirtirhan namin kahit maliit, at makaalis narin kami dito! Tumango ako kay Kiko sinyales na pumapayag na ako.
'Tara na?' Sabi ni sir Matteo, Binitbit niya ang mga gamit namin papuntang sasakyan ng biglang dumating si Bill 'JANINE! Anong nangyare?san kayo pupunta?' "Bill, duon muna kami sa-" 'Dun muna sila sa condo ko,safe naman duon, Matteo' Hindi naman siya ang tintanong ahh. Nag pakilala si sir ky Bill at nakipag kamay. 'Bill' 'ikaw na bahala sa kanila pre, tawagan kita Janine ha tawagan niyo rin ako kapag may kailangan kayo' "salamat Bill!' Inakap ko si Bill dahil alam kong anjan siya palagi para samen. 'sino yon?' "bakit ho sir? Nakakunot nanaman yang nuo niyo" 'Sino ng yon? May paakap akap kapa!' Wow boyfriend kita? Maka react? "Hala sir selos?" Para siyang na istatwa sa sinabi ko at hindi nakasagot. "Tara na nga sir!"
Dumating kami sa sinasabi niyang condo, ang laki nito may dalawang kwarto. 'duon kayo sa isang kwarto tapos sa kabila ako.' Ano daw? Kasama namin siya? Akala ko ba bakante to? "Teka ho sir akala ko ho walang nakatira dito? Eh bat dito rin ho kayo?" 'Oo nga wala nga alam mo naman pabayaan ko kayo ng kayo lang dito?' Bodyguard? "Ah eh sir kaya naman po nmin" 'I insist saka wag ka mag alala madalas wala ako dito sige na mag ayos na kayo ng gamit oorder lang ako pagkain natin'
2AM
Hindi ako makatulog marahil namamahay ako habang si Kiko naman ay himbing na himbing na. Lumabas ako ng kwarto para kumuha ng tubig sa fridge. Nagulat ako at gising pa si sir Matteo at nasa sala, sa tingin ko trabaho parin ang inaasikaso nito.
'Oh bat gising kapa?' "namamahay po siguro, eh kayo po bat gising pa kayo?" 'Still working' talaga ba? Ganito ba ka adik sa trabaho to? Dumeretso ako sa kusina at naisipan kong gawan siya ng snacks at kape.
"Sir" nilapag ko ang pagkain at kape sa lamesa niya. "Goodnight po" at sabay alis.
JEROME'S P.O.V.
'Tara na nga sir!' Natauhan ako bigla mula sa pagkakatulala ko sa tanong niya. Bumayahe kami papuntang condo. Pasok kayo, "'duon kayo sa isang kwarto tapos sa kabila ako." 'Teka ho sir akala ko ho walang nakatira dito? Eh bat dito rin ho kayo?' "Oo nga wala nga alam mo naman pabayaan ko kayo ng kayo lang dito?" 'Ah eh sir kaya naman po nmin' "I insist saka wag ka mag alala madalas wala ako dito sige na mag ayos na kayo ng gamit oorder lang ako pagkain natin"
2AM
gising parin ako dahil kailangan kong mareview lahat para sa meeting bukas ng bagong client mejo malaki rin tong project nato. Lumabas ng kwarto si Janine,
"Oh bat gising kapa?" 'namamahay po siguro, eh kayo po bat gising pa kayo?' "Still working" deadna lamang siya sa sinabi ko at dumeretso sa kusina maya maya pa ay bumalik ito 'Sir' nilapag nuy pagkain at kape sa lamesa ko. 'Goodnight po' at sabay alis.
May kung anong tuwa akong naramdaman, ganito ba ang pakiramdam na may kasama ka sa buhay? Tinapik tapik ko ang aking mukha "Matteo! Wag ka mag isip ng kung ano bingyan kalang niya ng pagkain at kape dahil nga nag tatrabaho kapa until now!" Ayoko mag assume, ayoko masaktan, ayoko ng maulit ang dati!