Pity

1052 Words
Sabrina's Pov Sinubukan akong habulin ni Nicole pero hindi ko siya pinansin ayuko na makita niya ako na nasasaktan ng ganto ayuko na magaalala pa siya sakin. Dire-diretso lang ako hangang sa may mini forest ng WU. Nanghihinang napaupo na lang ako sa ilalim ng isa sa mga puno doon. I cried and cried eto pala ang pakiramdam ng na deny lalo na ng isa sa pinaka importanteng tao sa buhay mo. I love him pero kahit kelan hindi nyon masusuklian kahit friendship lang kasi wala lang naamn ako sa buhay niya. For him I was nothing.... I was nothing but an ugly nerd na tinatawanan ng marami kasi pangit ako. Bakit ba ako pinangananak na panget? Bakit ba hindi na lang ako naging maganda katulad nila? Pag panget ba kelan ko na lang ba lagi yumuko at tangapin lahat ng pangungutya nila sakin kahit ansakit sakit na? Pag ba panget wala ng karapatan magkaron ng kaybigan na katulad ni Miko? Kasalanan ko din naman ito. Pa ulit ulit na nga akong sinasampal ng katotohanan na malayo ang mundo ni Miko kesa sakin pero eto ako pilit ko pa din siyang inaabot. Lalo lang akong nasasaktan. Lalo lang akong nahihirapan... Pagod na akong masaktan.... Pagod na pagod na ako... "Ano ba yan ang ingay! Pwede ba tumahimik ka muna? Hindi ako makapag concentrate eh!" Natigilan ako at humarap sa gawi ng narinig ko na boses. And there I saw a handsome guy na nakasandal sa katabi kung puno may hawak na ballpen at mukhang may sinosolve na problem. He looks weird in his bad boy attire and nerdy glasses. Pero infairness he looked cute with his glasses. "Bakit ba kasi engineering pa kinuha kung course. Puro pala ito math. Ang sakit sa ulo!" He grumbled not minding that I'm here who was checking on him. "Maybe I can help?" I offered. Hindi ko pansin na may luha pa pala sa pisngi ko na divert na kasi lahat ng atensiyon ko sa kanya. Tiningan niya muna ako saka may kinuha sa bulsa. Iniabot niya ito sakin tinitigan ko lang ang panyong hawak niya. "Punasan mo muna yang uhog mo. Kadiri kaya." Inirapan ko naman siya at kinuha ang panyong iniabot niya. Siya na nga itong tutulungan siya pa itong magrereklamo. "Oo na panget na ako." Kumunot naman ang noo nito. "May sinabi ba akong panget ka?" He asked with a weird expression on his face. "Bakit hindi ba?" "Alam mo ang weird mo. Kanina pumunta ka dito at umiiyak na para kang nasa isang teleserye tapos ngayon sasabihin mo panget ka. kahit hindi naman" I just looked at him dumbfounded is there something wrong with his eyes? Siguro nga meron nakasalamin siya eh."Malabo lang mata mo kaya mo nasasabi yan!" "Ako malabo ang mata?" Tinuro pa niya ang sarili then he grinned as if he have realized something. "Nakasalamin nga pala ako ano!? Wala itong grado!" "Eh bat ka ba nakasalamin?" Tinangal naman nito ang salamin sa mata saka tumawa. Yung totoo baliw ba siya? "Props lang yan! Para feel ko pag aaral ko. Kunwari matalino." "Ano naman konek ng salamin sa pagiging matalino?" "Diba pag nakasalamin matalino?" "Ang weird mo." "Pogi naman!" Inirapan ko ulit siya saka hiniram ang notebook na hawak niya. "Sus eto lang ba problema mo?" Sabi ko habang nakatingin sa notebook niya. "Madali lang ito...." Tinuruan ko naman siya medyo nailang pa ako ng tumabi siya sakin hindi kasi ako sanay na may katabi akong lalaki. Well except for Miko. Di ko naman maiwasan na hindi malungkot ng maalala ko siya. "What?" I asked ng mapansin kong titig na titig siya sa akin. "Wala naman." He said while still looking at me intently naramdaman ko naman ang unti-unting paginit ng psingi ko. "I'm just wondering. Kung paano mo nasabi kanina na panget ka. I think I find you cute." Lumayo naman ako sa kanya saka tumayo naiilang na kasi ako sa mga sinasabi niya saka sa titig niya. Kung kandila lang ako tunaw na ako. "Alis na ako may klase pa pala ako" paalam ko sa kanya habang nagmamadaling inaayos ang mga gamit ko. Bago ako makalayo ay tinawag niya ako. Nagaalangan naman na lumingon ako sa kanya. "I'm Trigger Dela Fuerte and you are?" "Sab" I simply said before walking away. Nang makauwi ako sa bahay ay dire-diretso akong pumasok sa kwarto ko. Wala ako sa mood na kumain ng pinatawag ako ng parents ko nag alibi na lang ako na kumain na ko sa labas with some friends. Pagod na naupo na lang ako sa kama. Here alone in my room naalala ko na naman ang nangyari kanina and eto na naman nararamdaman ko na naman yung lungkot at ang mga makukulit kong luha pumapatak na naman. I bitterly smiled to myself siguro nga tama lang yung nangyari kanina. Para magising na ako sa katotohanan na dapat hindi na ako lumalapit pa kay Miko na dapat hindi ko na lang siya mahalin. Kasi kahit ano namang pilit ko na abutin siya.... Hinding hindi ko siya maabot... Tumingin ako sa kwarto niya and to my surprised there he was. Nasa harap ng bintana. Nakatitig siya sakin alam ko na masasaktan lang ako pero bakit ganon kahit alam ko na may luhang pumapatak sa pisngi ko di ko maiiwas ang tingin ko sa kanya. Umamo ang tingin niya sakin ng mahalata niya ang mga luha ko and he also looked like he was also hurt pero sure ako naawa siya sakin. Tama alam ko na kung bakit siya nakipag lapit ulit sakin.... Kaya niya ako nagagawang kausapin... NAAWA lang siya sakin... That's all.... Di ko tuloy alam kung anong mas masakit ang pag deny niya sakin sa harap ng madaming tao o ang katotohanan na kaya lang niya ako nagagawang kausapin at lapitan ay dahil sa awa.... Saglit na umalis si Miko sa tapat ng bintana naalarma ako ng makita ko na kinuha niya ang white board na ginagamit niya tuwing naguusap kami. Mabilis akong lumapit sa bintana at hinawi ang kurtina nito. Tumalikod ako at sumandal sa bintana... The lasting that I wanted was to know that he was sorry. Ayuko mag sorry siya sakin dahil alam ko kaya siya mag sosorry ay dahil lang sa awa.... awa lang ang nararamdaman niya sakin .... wala ng iba...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD