Sabrina's Pov
Sunday morning.
Humihikab pa ako habang bumababa sa hagdan ng mapansin ko na wala ang mga katulong namin. Masyado atang tahimik sa bahay and this is not normal. Nang matigilan ako ng makarating ako sa living room.
Sina Tita Elaine at Tito Michael kasama ng parents ko. May mga maleta silang dala. Teka saan sila pupunta?
"Hi baby" my Mom said.
I kissed my Mom and Dad and greeted good morning to Tita Elaine and Tito Michael.
"Aalis po kayo?"
Nagtatakang tanong ko? Kung aalis sila, saan naman kaya sila pupunta?
"Yeah" My Mom excitedly said. "May business venture kami ni Tita Elaine mo sa Palawan. And this would be big so iiwan muna namin kayo ni Miko for two days.
"Ah ganon po ba?" Teka did my Mom said na iiwan kami ni Miko? I questioningly looked at them hindi ko alam pero the four of them looked suspicious like they were up to something.
"Pero ano po ang ibig niyo sabihin na iiwan niyo kami ni Miko?"
I horribly gawked at them. Hindi pwedeng makasama ko si Miko nakakahiya sa kanya! Akala ata nila mga bata pa kami na okay lang na magkasama! Ang ackward kaya!
Tita Elaine smiled. "Doon ka muna tutuloy sa min for two days since wala kayong kasama ni Miko."
Kami ni Miko? Sa iisang bahay titira? And did I just hear. Walang Kasama?
"What do you mean po Tita na walang kasama? Asan po ang mga katulong?
"Pinag day off namin ang mga katulong and that includes your Tita Elaine and Tito Michael's servants." My Mom said enthusiastically.
Hindi ako nakasagot at nanatiling nakakanganga lang sa kanila. I can't believe that is happening.
"Naisip namin na mas konti ang tao sa bahay mas tipid sa kuryente kahit na mayaman tayo we still need to conserve energy for our mother nature." Tita Elaine added.
Seriously pagtitipid ng kuryente? Anong klaseng rason yun? I looked at them suspiciously. My Mom and Tita Elaine just smiled at me while Tito June and my Dad just shrugged their shoulders.
"So anak aalis na kami ah! Ingat alagaan niyo ni Miko yung dalawang bahay! Ah! Wag niyo kami agad bibigyan ng apo."
"Mom!" I almost shout as I horribly looked at her napansin ko naman na siniko siya ni Dad. Sinamaan naman lang siya ng tingin ni Mommy.
"Ano ka ba naman Samantha okay lang naman sa min ni June magka apo agad so wag mo na pagbawalan ang bata."
"Tita Elaine!"
Tita Elaine just smiled teasingly at me.
"What? May masama ba sa sinabi ko?" She asked innocently.
Out of frustration, Hindi ako nakasagot. Bakit pakiramdam ko wala naman silang business venture at sini-set up na lang kaming dalawa ni Miko?
Sumunod na lang ako sa Van na sasakyan nilang apat pinagbukas naman sila ng driver. Habang ako naman ay hindi pa din makapaniwala sa nangyayari.
Humarap sa kin si Tita Elaine bago pumasok sa van.
"By the way okay na yung guestroom dun ka na muna matulog ngayong gabi pero pwede naman din sa kwarto ni Miko. We will be back by tomorrow evening" She said then winked at me.
My eyes widened in what she said.
"Kidding! Anyway, please do me a favor may sakit ngayon si Miko walang mag aalaga sa kanya pakialagan na lang siya please Hija. I trust you to take care of my son."
She then kissed me at my cheeks before she hopped in the van living me dumbfounded.
~♥~
Andito ako ngayon sa tapat ng pinto ng kwarto ni Miko. Still unsure kung kakatok ba ako o hindi. Walang katao-tao ng pumasok ako sa bahay nila I tried calling him pero walang sumasagot. I decided na umakyat na lang at baka andito siya sa kwarto niya.
"Miko?" I said as I knock on his door.
Pero walang sumagot so I tried knocking again and for the second time walang sumasagot. I am tempted na umalis na lang ng maalala ko ang sinabi ni Tita Elaine na may sakit si Miko.
Still not sure if tama ba itong gagawin ko, lakas loob na pinihit ko ang seradura ng pinto and I found out na hindi pala ito naka lock. I hesitantly entered at his room. Bata pa ako ng huling makapasok ako sa kwarto na ito. Wala na yung mga toy cars niya and robots napalitan na ng ibat ibang high tech na gaming consoles, posters and basketball items. Marami na talagang nagbago parang kami ni Miko madami na ding nagbago lalo na sa samahan namin.
Miko? Pumasok na ako sa loob ha?" I asked as I continue to explore his room. Nakakatuwang isipin na kahit lalaki siya malinis ang kwarto niya and well organized. Nang makita ko ang kama nabahala ako ng makita ko siyang nakahiga mukha ngang masama talaga pakiramdam niya nagaalalang lumapit ako. Hinipo ko ang noo niya. Mainit siya!
"Oh my god ang taas ng lagnat mo! Tapos naka aircon ka pa!"
Nagmamadaling pinatay ko ang aircon. Inayos ko muna ang pagkakakumot niya saka ako bumaba. Kelangan niya makakain para makainom ng gamot.
Mabilis akong nagluto ng lugaw saka muling umakyat sa kwarto niya. Pansin ko na pawisan na siya maganda yon para mailabas ang init sa katawan at bumaba ang lagnat niya.
Pinunasan ko ang gilid ng mukha niya ng bimbo nang may tubig at alcohol. Kaso may problema basa pala ang damit niya ng pawis. Kelangan niyang magbihis.
"Miko magbihis ka muna basang basa ang damit mo ng pawis lalo ka nyan magkakasakit pag natuyo yan sa katawan mo."
Pero hindi siya natinag sa halip umungol lang siya. Mukhang hindi niya kaya mag bihis mag isa. Kelangan ata ako pa mag bihis sa kanya. I gulped at that thought.
"Okay Sab, kaya mo yan." I said to myself. Habang hawak hawak ko ang damit na ipampapalit ko sa kanya. Nang makaupo siya sa kama ay pumikit ako habang unti-unting tangalin ang basang T-shirt niya.
"Bakit ka nakapikit?"
I opened my eyes just to meet his amused gaze. Hindi ko pansin na namumula na pala ang mukha ko ng nakita ko na natangal na niya pala ang T-shirt niya and I am now face to face with a halfnaked Miko. My eyes widened as I stared staring at his his body.
"Shet lang ang abs! ang yummy!"
Teka ano ba itong pinagsasabi ko sa sarili ko? May sakit na nga ang tao, pinagnanasaan ko pa? Wala sa sariling nakagat ko ang pang ibaba kong labi.
Tapos ka na bang pag nasaan ako?"He said then laughed at me. Guiltily I throw to him his fresh T-shirt.
"Kaya mo naman atang magbihis mag isa! Diyan ka na nga!"
Napapahiyang umalis ako sa kama niya at nagkunwaring busy sa pag aayos ng lugaw na kakain niya. I give him enough time para makapag bihis at saka bumalik sa kama holding the porridge I made with my both hands.
"Kumain ka muna."
"Ayoko masama pakiramdam ko."
"Hindi pwede! Pinagbilin ka sa kin ng Mommy mo na alagaan daw kita so kumain ka para makainom ka ng gamot!"
"Ayoko nga sabi!"
Nauubusan na ako ng pasensya kelangan niyang kumain para makainom ng gamot. Hindi ko siya pwedeng pabayaan. Ayoko na makita siyang may sakit.
Mukhang nagulat siya ng padabog kong nilagay ang lugaw sa side table ng bed niya sabay duro sa kanya ng kutsarang hawak ko.
"Kakakain ka ba o ibubuhos ko itong lugaw sayo? Hindi porket varsity hearthrob ka at halos lumuhod na lahat ng babae sayo sa WU hindi mo na ako susundin! Pinagbilin ka sa kin ng Mommy mo na alagaan kite. So hangat may sakit ka susundin mo ako! Understood?"
"Su-subuan mo ako." He said saka binaling ang tingin sa ibang direksiyon na mukhang nahihiya.
Muntik na akong matawa sa sagot niya. Para siyang bata. Bakit di na lang kaya niya aminin na hindi niya kayang kumain mag isa? Napapailing na lang ako na lumapit sa kanya at saka nagumpisang siyang subuan.
"Nakakatakot ka pa din pala magalit."
Napataas naman ako ng kilay.
"May sinasabi ka?"
"Wala!"
Katahimikan ang namayani samin habang kumakain. Nararamdaman ko nakatitig siya sa kin pero nagkuwari ako na dedma lang kahit naguumpisa na akong mailang sa pagtitig niya.
"You look cute when you're blushing. Siguro ang ganda mo pag nawala yang pimples saka salamin mo sa mata."
Sinubukan kong iiwas ang mga mata ko sa titig niya dahil ramdam ko na ang bahagyang paglakas ng t***k ng puso ko.
"Hindi ko alam na madaldal ka pala pag may sakit." I said with a poker face para maitago ang nararamdaman ko.
Oh! my! Kinikikilig ako! >_<
Nang matapos na siyang kumain ay tinulungan ko siyang humiga ng maayos. Dinampian ko ng basang bimpo na may alcohol ang noo niya bago siya matulog.
Hours passed by pero nanatili pa din akong nakatitig sa kanya. Hindi nakakasawang titigan ang gwapo at maamo niyang mukha.
Bata pa lang kami crush ko na siya. Pero tinago ko yun kasi I don't want him to tease me. Mahilig pa naman siyang mang asar nuong mga bata pa kami. At sa tingin ko hangang ngayon crush ko pa din siya.
But....
As I continue staring at him...
I realized something.
Hindi na lang simpleng crush ang nararamdaman ko para sa kanya ngayon.
I am in love with him.