Hurt

1520 Words
Sabrina's Pov "You look weird, parang iba ang aura mo ngayon. Tell me did something happened?" Inalis ko ang tingin sa notebook na sinusulatan ko ko at humarap kay Nicole na weird na nakatingin sa kin. We're here in the cafeteria waiting for Bella na hindi na namin alam ngayon kung anong pinagkakaabalahan at bigla-bigla na lang nag didissapearing act. "Paano mo naman nasabi?" Kunot noong tanong ko. "Para ka kasing baliw diyan habang nagsusulat nangingiti ka pa na parang kinikilig na hindi ko maintindihan. Kinikilabutan ako sayo promise." Yinakap pa niya ang sarili na aktong kinikilabutan tinawanan ko na lang siya. "Di nga? Anong nangyari?" Tanong niya, nagkibit balikat na lang ako saka yumuko at pinaglaruan ang ballpen ko then smiled dreamily. Pag naalala ko kung paano ako tawaging best friend ni Miko the other day. Hindi ko maiwsan na hindi kiligin at mapangiti. After our little bonding the other day nag-usap pa kami ni Miko through our white boards kinagabihan. Ang weird man kasi pwede naman kaming mag text na lang but still I preferred that way nakikita ko pa expressions niya plus I find it sweet. Hindi ko tuloy maiwasan na mag assume that we two were back as being best friends. "See para ka ng baliw. Natutulala ka at nangingiti ng walang dahilan. Mga inlove lang gumagawa nyan. Teka wait in love ka ano?" Binato ko na lang si Nicole ng ballpen. Ang lakas talaga ng instinct ng babaeng ito biruin niyo nasalo niya agad? She playfully grinned at me. Sinimangutan ko na lang siya. "Girl nakita mo na ba yung mga pictures na nakapost sa bulletin board?" "Yeah, grabe hindi ako makapaniwala..." "Magkakaron na nga lang ng kabit si Miko don pa sa panget." Parehas kaming natigilan ni Nicole ng tumigil sa min yung dalawang babaeng nag- uusap. “Di ba ikaw yung nasa picture?" Kunot noong tiningnan ko sila. "Anong picture?" "Kunwari ka pa!? Yung nasa bulletin board yung magkasama kayo ni Miko." "Ang kapal naman ng mukha mo na landiin si Miko. Sa panget mong yan." "Hindi ko alam." Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng biglang hinampas ni Nicole ang mesa sabay tayo iniumang niya ang hawak na tinidor sa dalawa. Nagulat naman ang dalawa at nahihitakutang tumingin lang kay Nicole. "Aalis kayo sa harap namin o tutusukin ko ng tinidor yang mga mata niyo!?" Mukha namang nasindak yung dalawa kaya nagmamadali silang umalis sa harap ng mesa namin. "Ano kayang sinasabi nilang picture?" "Bakit kaya hindi natin tingnan?" Tumango na lang ako bilang pagsangayon. Tiningnan namin sa bawat bulletin boards yung tinutukoy nung dalawa ngunit wala naman kaming nakita. "Baka hindi naman bulletin board?" Hinimas-himas pa ni Nicole ang baba na waring nagiisip. Then napatingin siya sa akin na mukhang alam na niya kung nasaan, na gets ko naman agad kung anong nasa utak niya. "Shet! Baka nasa freedom wall!"Nagpapanick na sabi ko. Mabilis kaming pumunta ni Nicole sa freedom wall sa harap ng Aquinosn building. Ang freedom wall ay isang malaking bulletin board kung saan malayang nakakapagpahayag ang bawat estudyante sa WU ng kanilang saloobin. Natulala ako ng makita ang freedom wall na maraming tao specially mga babae. "Hindi ako makapaniwala paano natiis ni Miko ang pagmumukha ng babaeng yan?" "Oh my gosh nakaka dissapoint si Miko ah? Nakikipag lapit siya sa mukhang low class at panget na katulad ng nerd na yan." "Ano ba naman kayo? Baka naawa lang si Miko kasi nagmakaawa si girl?" Oh baka naman kinulam niya si Miko? "Baka nga!" "So pathetic..." "And desperate...." "Malanding panget." Bawat sabihin nila ay parang patalim na tumutusok sa dib-dib ko. Ganon ba talaga ako kababa para sabihan nila ng ganto? Para maliitin nila ng ganto? Oo hindi ako kasing gaganda nila pero tao din naman ako. Nasasaktan... Yumuko ako ng maramdaman ko na papatak na ang luha sa aking mga mata. Naramdaman ko na hinawakan ako ni Nicole sa braso at hinila papalapit sa freedom wall. "Wag na tayo lumapit." "Come'on Sabrina magpapakaduwag ka na lang ba diyan? Hindi mo ba gustong makita kung ano ang bullshit na pinagtitinginan nila? Hinila niya ako papalapit sa bulletin board mabigat ang paa na nagpatianod na lang. "Oh my gosh? The nerd is here kadiri mas panget siya sa malapitan." "Kapal naman ng mukha niya na lumapit pa dito pagkatapos niya landiin si Miko. Hindi na nahiya." "Padaanin niyo kami." Kalmadong sabi ni Nicole pero ramdam ko ang galit niya. Nagsihawian naman ang mga estudyante sa paligid. And there we saw it mga pictures namin ni Miko na magkasama nuong isang araw. May picture na pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse, magkasama sa grocery, pagalalay sa akin sa jeep at madami pang iba. Galit na humarap si Nicole sa mga estudyante. "Walang kwenta ang mga pictures na ito para ganituhin niyo si Sabrina! Magkasama lang sila ni Miko. Anong masama doon? From the looks of it magkaibigan lang naman sila!" "Magkaibigan?" Lakas loob na singit ng isang babae na tadtad ng make up sa mukha. "Hindi maari na maging kaibigan ni Miko ang panget na katulad niya!" Taas kilay naman na humarap si Nicole sa babae. "At sino ang bagay na maging kaibigan niya? Ikaw?" Tumingin siya sa lahat. "Kayo? Eh di naman hamak na mas panget pa kayo kay Sabrina! Nagmumukha na nga kayong espasol sa kapal ng harina na nilalagay niyo sa mga mukha niyo!" Hinawakan ko sa braso si Nicole para pigilan ayoko na pati siya madamay sa kahihiyan na ito. "Nicole tama na." pero hindi siya nagpaawat dinuro pa niya isa isa ang mga babae sa harap niya. "Tingin niyo magaganda na kayo sa lagay na yan? Siguro nga magaganda kayo pero mga bulok naman ang mga pagkatao niyo! Para sa kin di hamak na mas maganda si Sabrina sa inyo. Dahil siya marunong siyang rumispeto. Mahal niya kaming mga kaibigan niya at ginagawa niya lahat para mapasaya ang mga tao sa paligid niya lalo na ang mga taong pinapahalagahan niya. Kahit kelan hindi siya nanapak ng tao hindi katulad ng mga gingawa niyo. Natigilan kami ng marinig namin na may pumapalakpak sa bandang likod namin kaya sabay kaming napalingon. Nicole and there we saw Nathalia kasama si Miko at ang dalawa niyang alipores. Kumabog ang puso ko ng magtama ang mga mata namin ni Miko. "Nice speech you got there." Mapanguyam pang sabi ni Nathalia. "So? Dapat na ba akong maiyak?" Maangas na hinarap naman siya ni Nicole. "Ano bang problema mo?" Maarteng humawak naman si Nathalia sa dib-dib. "What? I've got nothing to do with you two. Napadaan lang ako and we just heard your heart warming speech, muntik pa nga akong maiyak grabe." Tinaasan naman siya ng kilay ni Nicole. "Pinagloloko mo ba kami?" "Of course not! Why would I do that? I don't waste my precious time with low class people like you." dinuro niya si Nicole at taas kilay na tumingin sa kin. "Specially you." "And guys? Come'on Those pictures were nothing why were you all making fuss about this stupid pictures. I'm sure may dahilan si Miko kung bakit niya kasama ang low class, ugly at walang kwentang nerd na yan." "Aba" susgurin sana ni Nicole si Nathalia pero pinigilan ko. Matamis ang ngiti na lumingon naman siya kay Miko na tahimk lang na nakatingin sa min he looked bothered and I wonder why.. "Right babe? Now explain to us. Bakit kayo magkasama nuong isang araw?" Hindi ko inalis ang tingin ko kay Miko, expecting him to say something like ipagtatangol niya ako. Di ba okay na kami? Di ba best friends na ulit kami? And knowing Miko as my best friend I'm sure ipagtatangol niya ko kahit kay Nathalia na girlfriend pa niya. But ... Inalis ni Miko ang tingin sa min like he was trying to avoid something... Sabi nga nila, don't expect too much lalo na kung alam mo na sobrang sakit pag nabigo ka. "Inutusan lang ako ng parents ko na ihatid siya sa grocery kasi magkapitbahay kami... " That was a lie! Bakit siya nagsinungaling? Kinakahiya ba niya ang pagsama niya sa kin the other day? Eh yung sinabi niyang mag best friends kami? Totoo ba yon? Ayan na naman ang masakit na pakiramdam sa puso ko na parang pinipiga to the point na hindi ba ako makahinga. A triumph smile was written on Nathalia's face while looking at us like saying I told you so.... "So Babe? Who is Sabrina for you?" dagdag pa niya. I silently prayed for a positive answer na sabihin niya na kahit friends lang kami kahit hindi best friend okay lang sa akin... Tatangapin ko... Just please. "She is...." Pigil hiningang inantay ko ang sagot niya.... "She's nothing ." He said in an almost a whisper pero sapat na para marinig naming lahat. Pumatak naman ang kanina ko pang pinipigilang luha. “Excuse me." I said as I ran away from them all... I ran away from their cynical stares. I ran away from humiliation... I ran away from my best friend who denied me in front of all those people. I was hurt... really ... really hurt....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD