SH 22 — Remembering Memories Agad akong humiwalay sa pagkakayakap at umatras. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nagawa ko iyon sa kanya. Masaya lang ako sa pagkapanalo nila iyon lang 'yun. Ngayon lang kasi ako nakapanood ng ganito kagandang laban sa isang football game kaya hindi ko lang maiwasan na maging overwhelmed sa pagkapanalo nila Bryce. "What a supportive BFF you have, Montreal." Rinig kong sabi ng isa sa mga ka-teammate niya. Nag-iwas nalang ako ng tingin at wala sa sariling napakapit sa braso ni Ash. Sobrang nakakahiya yung ginawa ko. Parang bigla ay gusto ko nalang mawala dito o hindi kaya humiram ng magic kay Harry Potter o sa mga kaibigan niya para alisin sa isip ng lahat ang nakita nilang pagyakap ko kay Bryce. "Thank you, and please be jealous," Bryce repli

