SH 10 — Idea of Being Together "Grabe, can't move on sa sinabi ni Blythe kanina about you and Bryce..." I awkwardly smile to Elisha. Hanggang ngayon ay para akong nauupos na kandila dahil sa sobrang hiya. Hindi na kami tinantanan ni Bryce kahapon ng mga follow-up questions. Wala akong nagawa kundi tumango at sagutin ang ilan sa mga tanong. We're currently traveling for the planned outing. Sinama na kaming tatlong babae ng mga kaibigan ni Bryce sa plano nilang pumunta sa beach. "Pero matanong ko lang ha, hindi ka ba nagkagusto kay Bryce?" Nilingon ko si Elisha na gulat dahil sa tanong na iyon. Hindi naman ganun kaakas ang boses niya ng tinanong niya sa akin iyon. Everyone is either sleeping or busy with their headphones on and playing mobile games. Itong si Elisha lang ang katabi ko

