"Ano? Bukas ka na agad-agad aalis?" Gulat na anas ni Angie. Nakilala ko si Angie dito sa UK noong freshman ko sa aming university. Parehas ko din itong hindi natapos sa medisina dahil kinapos sa budget.
"ibaba mo muna kaya yung order ko bago mo ako usisain" anas ko dito.
"ay oo nga pala,. Oh, here's your order ma'am" sarkastikonh anas nito. Pagkalapag ng order ko ay naupo ito sa tabi ko kahit may suot pa itong apron. Si Angie ay isang waitress dito sa isang sikat na restaurant dito sa UK.
"now, spill the tea. Bakit agad agad kang babalik sa pinas?" she curiously asked. Tumitig ako dito dieretso sa mata habang siya ay nakatunghay sa akin na animo'y parang batang nag-aantay ng kendi.
"Diba nga nalugi yung kumpanya namin? so, naisip ko umuwi muna baka sakaling makita ko yung kapatid ko. Hindi ko pa siya nakakausap. It's been 5 years since we last talked." malungkot kong wika dito. Hindi ko na sinabi dito ang tunay na dahilan kung bakit akong uuwi talaga. Hindi pa kasi nito alam ang tunay kong trabaho. Ang alam nito ay isa akong florist. Sinadya ko talagang magpatayo ng sarili kong flower shop for a facade para walang makakilala sa tunay kong pagkatao. I am not really into flowers pero pinag-aralan ko kung paano mag ayos ng mga bulaklak upang mas kapani-paniwala ang aking pagpapanggap.
"so, paano na yung negosyo mo? iiwan mo na lang? eh si nana Marie?"
Napangiti ako sa mga tanong niya dahil may naisip akong ideya. Dahil wala namang titingin sa aking shop at kay nana marie. I-aalok ko na lamang dito na siya na ang mag manage at magbantay kay nana marie. Dahil hanggang ngayon ay nangungupahan pa rin ito dito sa UK. May pinapaaral kasi ito sa kolehiyo at siya ang bread winner ng kanilang pamilya.
Mabuti na lamang at may sarili kaming bahay dito. Mabuti n lang at nakabili ng property ang aking kuya bago pa kamu malugi. Hindi naman kalakihan ang aming tahanan. Sapat para sa aming dalawa ni nana Marie.
"Bakit ko pa poproblemahin iyon kung nanjan ka naman?" nakita ko kung paanong lumuwa ang mga mata nito sa aking mga tinuran. Napatawa na lamang ako sa kanyang naging reaksyon. Paano ba naman nakabuka ang bunganga nito na korteng 'O'.
Natatawang isinara ko ang bunganga nito sabay lahad ng susi ng aking flower shop at bahay. Pinaduplicate ko ang mga ito para may sarili siyang susi. Hindi pa kasi ito nakakapagsalita dahil hanggang ngayon ay nakatulala pa rin ito. Gulat na gulat yata sa aking mga sinabi.
"Oh ikaw na ang bahala" pagkasabi ko niyon ay iniwan ko na itong nakatulala. Mas lalo pa akong napatawa ng bahagya ng makita kong may tumulo na konting luha sa mga mata nito. Mamaya ko pang maririnig ang kanyang reaksiyon dahil sigurado akong mangungulit ito.
Hindi naman ako nagtagal dito dahil umalis din ako kaagad. Ngunit habang palakad ako palabas ng restaurant ay natanaw ng aking mga mata ang isang itim na sasakyan na nakaparada sa di kalayuan. Mukhang bago lamang ang sasakyang ito dito. Dahil lagi naman akong nagpupunta dito upang kamustahin ang aking kaibigan at para na rin kumain.
Baka naman bagong customer nila. Dahil ang restaurant na ito ay talagang pinipilahan at halos wala ng maupuan dahil sa masasarap nilang pagkain. Magagalang din ang kanilang mga staff lalo at puro mga pinoy ang mga empleyado.
Nagkibit balikat na lamang ako dahil hindi naman ako chismosa para alamin pa kung sino ang nasa loob ng sasakyan.
Patungo na sana ako sa aking nakapark na sasakyan nang biglang harangan ako ng isang tao. Sa tantiya ko ay nasa mid-60's na ito at may inaabot ito sa akin.
"Hi, darling. Do you happen to know where this place is?" Malambing na tanong sa akin ng matandang babae. She's wearing typical European clothing with a big tote bag on her arm.
Nakangiting inabot ko ang papel na ipinapakita nito sa akin. Mabilis akong bumaling dito ngunit napansin kong may tinitignan ito sa di kalayuan kaya naman sinundan ko ng tingin ang tinitignan nito ngunit wala naman akong makita. Ipinagsawalang bahala ko na lamang.
"Yes, ma'am. You are actually standing in front of it. That is the D.M restaurant" sabay turo ko sa lugar na hinahanap nito.
"oh. Forgive me for being too old to not spot the place. Thank you, darling" anas nito. kapagkuwan ay naglakad na ito patungo sa restaurant.
Nginitian ko na lamang ito at nag patuloy na sa paglakad patungo sa aking sasakyan. Ngunit may pumigil na naman sa akin. Parang ang dami naman yatang gustong magtanong ngayon. Ang dami namang taong pwede nilang mapagtanungan at bakit ako pa.
Nakangiting binalingan ko ang taong nakaharang sa aking daraanan. Isang batang paslit. Siguro ay nasa 10 years old lamang ito. Ngunit biglang nangunot ang aking noo ng makita ko ang hitsura ng batang ito. Parang may kamukha siya. Hindi ko lang masabi kung sino. Pero ang pares ng mga mata nito ay may kamukha. Matangos ang ilong nito at napakagandang bata. Siguro nagmana ang kagandahan nito sa kanyang ina.
"Hi, miss. I'm sorry to bother you. But, I think I need your help" malambing na anas nito habang pinasasalikop ang mga kamay. Nakataas pa ang isang paa nito habang nagpapa cute sa akin. Grabe naman sa kagandahan ang batang ito.
"Hello. Sure. What kind of help do you need?" nakangiting naupo ako upang magpantay kami.
"Do you see that car nearby?" turo nito sa sasakyang nakita ko kanina. Sa kanila pala yun.
"Uh-huh" I responded nicely.
"My dad is inside. He's having a hard time breathing. Can you help him?" Gulat na nagpalipat lipat ang aking tingin sa bata at sa sasakyang itinuro nito. Hindi ako makapaniwalang may hihingin ng tulong sa akin. Mabuti na lamang at may alam ako sa first aid. Kahit hindi naman ako nakapagtapos sa medisina ay may alam naman ako pagdating sa pag gagamot at mga first aid para sa emergencies na tulad nito.
Wala na kaming sinayang na oras. Binuhat ko na lamang ang bata dahil kung sasabayan ko ito sa paglalakad ay baka matigok na ang pasyente.