Kasalukuyan akong nandito ngayon sa loob ng bar kung saan base sa imbestigasyon ko ay pag-mamay ari ng isang taong nag ngangalang Isa. Dito rin madalas nagkakaroon ng kidnapping.
Mausok, maingay, at nakakakilabot ang atmospera ng lugar na ito. Ngunit hindi ito batid ng mga taong naparito upang magsaya at makihalubilo sa mga taong nandito.
Tahimik kong pinagmamasdan ang mga taong nandito wari mo'y walang mga problemang dala-dala. Lahat ay nakangiti at pawang mga lango na sa alak.
Nandito ako nakaupo sa pinakang sulok ng bar na ito. Wala namang pumapansin sa akin dito dahil lahat ay busy sa kanilang mga ginagawa. Ang iba ay lantarang nakikipaghalikan sa kanilang mga kapareha habang ang iba naman ay lantaran kung makipagharutan.
Liberated kung tawagin ang mga taong naririto.
Taimtim kong siniim ang aking inumin. Umorder lamang ako ng inumin na hindi naman nakakalasing.
Hanggang sa mapansin ko ang isang lalaking bigla na lamang binudburan ng sa tingin ko ay sleeping powder ang baso ng isang babae. Sa tantiya ko ay nasa 16 lamang ito. Hindi ako maaring magkamali, nakatitiyak akong pineke nito ang edad nito upanh makapasok dito sa loob ng bar.
Pinagmasdan ko ang sunod na gagawin ng lalaking nakasuot ng itim na long-sleeves. Hindi nga ako nagkamali at inabot nito iyon sa babaeng masayang nakikipagkwentuhan sa mga kasamahan nito.
Hindi muna ako kumilos. Nais kong malaman ang sunod na mangyayari. Walang pakundangang tinungga ng babae ang isang baso ng alak na may sleeping powder. Ilang segundo lang ang lumipas ay natumba ito agad. Ang bilis naman yatang gumana ng powder na ito.
Mabilis naman itong binuhat ng lalaki, at mabilis na inilabas ng bulwagan. Mabilis kong tinungo ang lugar na pinuntahan nito. Dinala nito sa isang itim na sasakyan ang babae, mukhang alam ko na ang gagawin nito. Pagsasamantalahan nito ang babae.
"Ooops. Mukhang maganda ang babae mo ha" mapang uyam na turan ko dito. Nakuha ko naman aagad ang atensiyon nito.
"Sino ka? at bakit nakiki alam ka dito?" gulat at galit na turan nito. Naglabas din ito ng kutsilyo at akmang isasaksak sa akin ngunit mabilis akong nakaiwas. Sa lahat ng ayoko ay yung inaagrabyado ang mga babaeng walang kalaban laban.
Mabilis kong sinipa ang ulo nito dahilan kaya ito natumba. Ngunit sadyang malakas ang lalaki dahil nakatayo ito agad at malakas akong sinuntok sa aking sikmura. Peste ang sakit non ha.
Kahit masakit ang aking tiyan ay mabilis akong tumalon at walang awang pinagsisipa ang ulo nito. Akmang bubunot ito ng baril ng maunahan ko ito at mapindot ang button sa soot kong boots at lumabas doon ang hidden knife na siyang itinarak ko sa tagiliran nito.
"Ngayon sabihin mo sa akin kung anong pakay mo sa babaeng yan?" mariing anas ko dito at mas ipinagdiinan ko pa ang aking paa sa gilid ng tiyan nito. Dahilan kaya ito napahiyaw sa sakit.
"Wala kang makukuhang sagot sa akin!"
"Ah ganun ha." at walang babalang sinaksak ko ang balikat nito nang hawak kong kutsilyo.
"T-tama n-na ahhh" impit na hiyaw nito
"Napag-utusan lamang ako ni boss AA anas nito.
"Sinong boss AA"
"Hindi ko alam. Hindi ko pa siya nakikita aaaahhhh" malakas na hiyaw nito ng walang babala siyang pinagbabaril ng mga taong bigla na lamang dumating lulan ng motorisklo.
Mabilis naman akong nagtago sa likuran ng sasakyan dahil pinauulanan ako ng bala. Hindi naman ako nagpatalo sa pakikipag palitan ng putok ng baril.
Mukhang malaking tao ang likod nito. Kailangan kong alamin kung anong kaugnayan nito sa mga nawawalang mga dalagita sa lunsod.
Hindi naman nagtagal ay nawala din ang mga putukan at tuluyan ng umalis ang mga taong lulan ng motorsiklo. Mabilis kong tinungo ang lugar kung saan ipinasok ang walang malay ba dalagita.
Dinala ko na lamang ito sa isang hotel. Hindi naman ito mapapahamak dito dahil pag-mamay ari ko ang hotel na ito at nakatitiyak akong ligtas ito rito dahil mga trained persons ang mga staff ko dito.
"Kayo na ang bahala dito" anas ko sa isa sa mga tauhan ko.
Lingid sa kaalaman ni nana marie na nagpatayo ako ng hotel dito sa Pinas. Dahil nararamdaman ko na babalik ako dito. Ilang taon na rin itong nakatayo dito, may dalawang taon na rin. At wala pang naging aberya sa pamamalakad dito.
Hindi naman ako nagtagal dito at mabilis kong pinaandar ang aking sasakyan. Didiretso na lamang ako sa aking unit total wala pa naman akong bahay dito.
Bukas ay bibisitahin ko ang dati naming bahay. Balita ko ay mayaman raw ang nakabili dito at ayon din sa aking imbestigasyon ay talagang napanatili nito ang ganda ng aming bahay.
Kung nabubuhay lamang sila mom and dad sigurado akong hanggang ngayon ay doon pa rin ako nakatira. Konting tiis na lamang at mahahanap ko rin ang mga sagot sa aking katanungan. Kung aksidente bang talaga ang inyong pagkamatay or sinadya ito.
Basta konna lamang ihinagis ang aking leather jacket at sapatos at pabagsak na nahiga sa kama. Nakakapagod ang araw na ito. Hindi ko na muna pinag-aksayahan ang maghuhas dala na rin ng sobrang pagod. Mabilis naman akong nilamon ng karimlan.
KINABUKASAN maaga akong gumayak patungo sa lugar kung saan ako lumaki. Gusto ko lamang masilayan ang aming bahay. Nais kong makita ang hitsura nito at maramdaman ang presensya nito. Pakiramdam ko kasi nandoon lamang ang aking mga magulang.
Nagsuot lamang ako ng maiksing shorts at hanging blouse na tinernuhan ko ng flat sandals dahil wala naman akong imbestigasyon sa ngayon. Nagsuot din ako ng itim na cap.
Hindi ko naman na kailangan pang magsuot ng heels dahil sadyang matangkad na ako.
Pagdating sa tapat ng gate ng dati naming bahay ay namangha ako dahil sobrang ganda na nito. Talagang inalagaan ng husto. Pinanatili din nito ang dating disenyo ng aming bahay. Para akong nagbalik sa nakaraan.
Agad namang nangilid ang aking mga luha dahil sa aking kasabikan na sana makita kong muli ang aking mga magulang. Akala ko tuluyan ko ng ibinaon sa limot ang nakaraan. Ngunit hindi pa rin pala. Namimiss ko na sila. Hanggang ngayon, I'm still longing for their hugs and kisses.
Sana niyakap ko sila ng mahigpit.